Chapter II: Kalokohan!

197 49 52
                                    

Mia's Pov



"Oh?! Anyare sayo Mia? Pulang-pula yung tenga mo o!" hinawakan naman ni Chacha yung pulang tenga ko daw kaya pinalo ko yung kamay niya.


"Kung nakikita mo lang yung mukha mo Mia! Laughtrip pa sa Marc Logan!" tawang tawa na sabi ni Bea at pinalo palo si Rociel sa balikat.


"Na rape ka ba? Ha ha hahahaha tignan mo nga yang sapatos mo girl! Ha ha hahahaha" mas lalo akong nainis sa pamamaraan ng pag tawa ni Rociel, may pause pa talaga bago matawa.


"Kanina nga nung papunta na kami dito, nadapa siya dahil sa saging! Hahahaha! Saging! Woo! Hahahaha" makikita mo talaga sa mukha ni Tanya na tawang tawa siya, di na kasi nakikita ang mata niya.


"SAGING?! HAHAHAHA" sabay sabay na silang apat na tumatawa.


"TUMIGIL NA NGA KAYO! NAKAKA INIS TALAGA ANG LUNES!!!" sigaw ko out of frustration. Buti nalang andito kami sa boarding house ni Rociel at walang ibang tao.



"Ang sarap talaga suntukin sa mukha si ANGELO RAMIREZ!!!" dagdag ko pa. Kulang ang salitang INIS sa nararamdaman ko ngayon.



Napatahimik naman sila. Kailangan ko lang pala banggitin ang panggalan ng gwapong yun para manahimik sila.



"Bakit naman Mia? Nagkita ba kayo?" tanong ni Tanya na titig na titig sakin.


"Oo! At pinagtripan pako!" halos sigaw na sumbong ko.


"HA?! OMYGOD!!! Sana pala sumama ako sayo kanina!" hysterical na sagot ni Tanya. Seriously? Wala ba siyang paki alam sakin? Bwesit talaga si Angelo, ang sakit ng tuhod ko!



"OA!" sabay sabay na kantyaw nina Bea at Chacha kay Tanya.


"Ano na Mia, batukan ko na ba?!" tawang sabi ni Rociel.


"Ikaw tanya ha! Akala ko pa naman nag c-care ka sakin! Edi sana ikaw nalang kumuha nung mga photocopies kanina, para ikaw pinag tripan niya!" The eff Tanya!


"Sana pala! Edi sana, alam niya na nag eexist ako sa mundo! Kyaaah!" sigaw ng sigaw si Tanya. Sarap iuntog nitong si Tanya, nakakatakot siya.


"Tumahimik ka na nga Tanya! Anyway," tumingin si Bea sakin at tinanong "Ano ba kasing trip yung ginawa ni Angelo sayo?" sarap dugtungan ng highway yung anyway niya kasi yun ang joke ng subconscious ko. Ka bwesit, ang waley ng utak ko!


"Sumigaw ba naman kasi siya nang MISS! MAY AHAS?! Akala ko talaga meron! Pagtingin ko WALA NAMAN! Alam niyo yung feeling na napahiya? Hahabulin ko sana kaso naka sakay agad siya nang taxi at eto pa! Nadapa na nga ako binetan pa ako?! Lagot sakin yun pag nagkita kami!" parang batang sumbong ko kay Bea, pero sina Chacha at Rociel nagka tinginan at napa hagikgik.


"Yaa guys! Seriously?! Anong nakaka tawa dun?!" inis kung tanong sa kanilang dalawa kaya napa tigil sila.


"Wow! Inggit ako sobra sayo Mia! Ako? Kahit may ahas man o wala, kikiligin pa din ako! Meaning nun naka tingin siya sa akin! Kyaah!" pa kilig-kilig na sabi ni Tanya! Arggh! Ewan ko sa kanya!


"Ewan ko sayo Tanya! Basta ako, ayoko sa Angelo Ramirez na yan!" sabi ko at pinamulsa ang mga kamay ko.


"Mabait naman talaga si Angelo, maypagka lokoloko lang yan pag di nakaka-kain" pagtatangol ni Rociel .


"Active pa nga sa siya sa baskteball" Muntanga si Tanya bakit? Nagsasalita nga pero ang layo ng tingin. Sigurado, nag d-day dream na naman si Tanya sa mga laro ni Angelo.


"Oo nga. Tsaka alam mo ba, pagka mga 4 pm uwian na yun ng boys pero yung iba tumatambay pa din dito sa campus, ginagamit ang mga rooms sa kalandian eh siya diretso nang puma-para nang motor para umuwi" sabi ni Cha-cha na tumatango. Sign of gesture niya na tama siya sa sinasabi niya.


"Oo nga. Tsaka balita ko di daw yan nag cu-cutting" sabi naman ni Bea pero naka tingin sa libro niya.


"Oo nga din eh no! San ba talaga kayo kampi?! Sakin o sa kanya?! Ngayon ko lang nalaman updated pala kayo sa life niya! Kala ko ba si Tanya lang stalker niya dito?" tanong ko na parang nang aakusa sa kanilang tatlo, turned of table na ngayon. Kayo naman sa hot seat.


"Oyy. Hindi a, naririnig ko lang kay Kuya lahat ng sinabi ko. Ewan ko lang sa dalawang yan" sabi naman ni Rociel na tinuturo sina Bea.


"Not me, i have my own life kaya! I will not waste my oh so precious time for that Angelo!" Kikay na sabi ni Bea at tinitignan yung mga kuko niyang kulay asul. One thing's for sure, ang cute ni Bea mag english!


"Hala! Nag english daw ba?! Ah basta ako, hindi rin kasi di ko rin naman type yan si Angelo! Loyal ako kay Ricke no!" sabi naman ni Cha-cha na tinitignan yung wallpaper niya, si Ricke habang humahagikgik.


"Tignan mo, may isa dyan ang tahimik! Guilty!!" kantyaw ni Rociel kay Tanya .


"Ewan ko sa inyo" tapos naki tawa  nadin siya.

A not so happy ending story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon