Chapter III: LOL it Tanya

211 54 59
                                    

Mia's POV



Ang bilis nang panahon! December na! "Oa mo Mia, malamang November 31 kahapon! Gaga" sigaw naman ng subconscious ko. Bwesit talaga siya kahit kailan!


Pero may nalaman akong sobrang masakit.



MAY GIRLFRIEND NA SI TRISTAN!!!!!


Pero hindi na bali, mag b-break din sila, dahil WALANG FOREVER!



Pero isa pa, may boyfriend na din ako. Si Tristan. Siya ang boyfriend ko. Ang swerte ko diba?


"Ilosyonada ka te"


Fine. Hindi si Tristan. Bwesit, panira talaga.


Si JERICK DE GUZMAN, ang totoo kung boyfriend. Yung lalaking may galawang breezy? Siya nga. 3rd year high lang din siya kaya okay lang. Hindi naman ako seryoso sa kanya. Tamang mahal lang, jejemon kasi.



This past few days, nagiging busy sina Chacha. Kaya kami nalang ni Tanya laging magka sabay, sympre pa at classmate ko rin siya.



"Saan mo balak mag 1st year Tanya?" tanong ko habang kumakain kami dito sa Canteen.


"Depende! Kung san kayo, dun din ako pero mas gusto ko dito kasi baka dito din ulit mag-aral si Angelo! Malay mo naman maging close na kami diba?" so, hopia pa rin siya kay Angelo?


"Asa ka fren, magkahiwalay kaya ang department dito, ano ka" nakita kong lumiliit yung mata niya, natatawa tuloy ako sa loob ko.


"Minamaliit mo ba ako Mia? Madaming paraan fren, sobrang dami"at binilang bilang niya yung mga darili niya. Ang lakas din ng fighting spirit niya.


"Asa fren, ASA" sabi ko na enamphasize pa talaga yung word na ASA at kinain yung siopao niya.


"KYAAAH! You're so ano.um.ano" sabi niya na kinakamot yung buhok, sumingit ako sa pagsa-salita niya alam ko din naman na nahihirapan natong mag english, "Shadap fren, wag muna pahirapan sarili mo, alam ko naman di ka marunong mag english! Oh eto siomai kumain ka ng tumahimik ka naman kahit saglit!" at tumawa ako sa mukha ni Tanya.


"Nakaka inis to" frustrated niyang inayos ang buhok niya. Ang cute talaga!


"Hoy babae, wag kang magkaka maling lumipat kakalbuhin talaga kita! Pinaglaban ko pa naman kay Mommy na dito parin ako maga aral kahit ayaw niya" totoo yun. Ayaw kasi ni Mommy pero ano ba naman yung mag aral ka sa ibang skwelahan na wala kang bestfriend diba?


"Yiiee, ang sweet ni Mia sakin" sinundot sundot pa niya ako sa gilid ko. Sweet? Akward. Buti nalang nakita ko si Angelo,

"Si Angelo! Tanya oh!" ngiting-ngiti kong sabi sa kanya. Namula agad siya at yumuko.


"Ayan na, malapit na" panga asar ko sa kanya! Sweet pala a.


Papunta na sana sila sa canteen nang sa di malamang dahilan, hinila ako palayo ni Tanya.


"Miaaaa!! Omygod!!" nag sisigaw siya at nag tatalon. Bakit kaya nung nang ligaw si De Guzman sakin, hindi ako ganyan?


"Hinila mo ako palayo sa Canteen para lang sa ganyan, Tanya? Seriously, it was supposed to be your chance to say hello! At chance ko na rin para suntukin siya sa mukha!" busangot kung sabi sa kanya at nag cross arms, ba't ba kasi siya tumakbo? Gustong mapalapit pero pag nasa malapit na, tatakbo?!



Lumingon si Tanya kay Angelo at tumingin na rin ako. Nabigla na lang ako ng hilahin niya ulit ako para magtago.


"Kyaaah! Kita mo yun!? Tumingin siya sakin!" talagang hindi niya pinansin yung pinagsa sabi ko kanina no? Oo alam kong normal lang kiligin pero hindi naman ako ganun kiligin kay Tristan o kay De Guzman.


"Satin" correction ko sa kanya wearing my bored face.


"Mia naman eh!" napa simangot pa siya at napa yuko. "Hindi niya ba talaga ako tinignan?" sa utak ni Tanya.


"Di naman kasi talaga tayo sure kung ikaw nga yung tinignan! Ang dami kayang tao dun sa canteen" palusot ko na lang, malungkot na kasi si Tanya at feeling ko dahil yun sa pambabara ko.


"Kahit na! Basta! Eehhhhh!" tapos ngumiti at nag tatalon na naman siya.


"Ewan ko sayo Tanya" pa iling-iling kong sabi at kinuha ang cellphone ko.


"Tanungin mo nga ako Mia, dali! Sabihin mo TANYA, KUMUSTA CRUSH MO? Sge na dali!" nababaliw na ba talaga siya?!


"Eh?! Ayoko! Parang tanga lang eh!" sabi ko at tumalikod ako sa kanya, nakaka hiya na talaga 'to.


"Sige na!" hinarap niya ako at naka smile parin siya! Hay nako, at dahil sa mahal ko ang monggoloid nato, sasakyan ko ang trip niya, "Oh sge na! TANYA? KUMUSTA CRUSH MO!" ngiti kong tanong sa kanya


"NAG SMILE NA SIYA SA AKIN MIA! KYAAAAAAAAAAA!" nag tatalon siya ng may saging siyang naapakan.


Nadapa siya at hirap na hirap tumayo habang hawak hawak ang pwet.


Buti nga sayo bungol, sabi ko naman kasi. Walang forever.

A not so happy ending story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon