Reincarnated

73 7 0
                                    

Prologue

I was heading back to the library when i heard someone's talking, binuksan ko ang pinto ng library at nakita sila claudia at miguel na nag-uusap.

Miguel is my boyfriend, and claudia—she's my bestfriend.

"Kailan mo ba hihiwalayan si gwen?" Tanong ni claudia sa boyfriend ko.

"Easy lang mahal, don't worry makikipag-hiwalay na ko sa kanya" sagot naman ni miguel.

"So balak mong paikutin na naman sya?" naka-ngiting tanong ni claudia.

Nakita kong hinawakan ni miguel yung pisngi ni claudia, "Tiwala ka lang sakin mahal malapit ko ng makuha yung ipapamana sa kanya" miguel said.

I knew it, pinapaikot lang nila akong dalawa.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa kadahilanang kumirot ito, nakita kong naghalikan sila kaya nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. For 3 years niloloko lang pala ako ng boyfriend ko.

Pumasok ako ng library, "Ano to miguel?!" galit kong tanong kay miguel kaya nakita kong gulat syang nakatingin sakin.

"G-gwen kanina ka pa ba dyan?" kabado nitong tanong.

"Oo kanina pa at alam ko din na sa tatlong taon nating pagsasama niloloko mo lang pala ako!" galit kong saad habang umiiyak.

Nanlaki ang mata nya, "G-gwen---" i cut his words.

"Ano miguel? you're going to explain? no need miguel dahil nakita na ng dalawa kong mata!" galit kong saad habang patuloy pa din sa pag-iyak.

Tinignan ko si claudia na ngayon ay putla na ang mukha, muli kong binalik ang tingin ko kay miguel.

"Let's end this f*cking relationship!!!" sigaw ko at saka lumabas ng library at nagtungo sa room, umiiyak pa din ako nang biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si daphne.

"Bakit ka umiiyak gwen? may nangyari ba?" Nag-aalala nitong tanong pero imbis na sagutin sya ay agad ko syang yinakap.

"D-daphne for t-three years niloloko nya lang pala ako" umiiyak kong saad.

"Aba walanghiya yung boyfriend mo na yun ah" inis na saad ni daphne at bumitaw sa pagyayakap sakin, akma syang aalis pero pinigilan ko sya.

"Hayaan mo na daphne..." yumuko ako.

"H-hiwalay naman na kami" pinunasan ko ang tumulo kong luha at pinaglaruan ang daliri ko.

"So sinong pinalit sayo? si claudia ahas?" tanong nya kaya tumango naman ako, matagal na naming nahahalata ni daphne na napaka-close nila miguel at claudia sa isa't isa.

Ultimo ang paghatid sakin ni miguel sa bahay ay magkasama pa din sila kaya doon na ko nag-umpisang mag-overthink, sabi ni miguel sakin noon at mag-bestfriend lang daw talaga sila ni claudia.

"Hayaan mo gwen tuturuan ko ng leksyon yang si claudia at miguel" wika ni daphne at pinunasan ang luha ko.

2nd year college na ko at nurse ang napili kong course kahit na medyo takot ako sa dugo at ang pinagtataka ko pa ay meron akong malaking pekas sa noo na parang hiniwa or what.

Ilang beses ko na din tinanong kay mama kung anong nangyari sa noo ko pero imbis na sagutin ako ay iniiba lagi ni mama yung usapan.

Nang alas sais ay pina-uwi na kami kaya nag-sabay kami ni daphne sa paglalakad pero dumaan muna kami sa mall at pumunta sa library, naghanap na din ako ng libro para may libangan ako.

Ito din kasi ang hilig ko, ang magbasa ng libro. "He choose me" napalingon ako sa nagsalita na nasa tabi ko lang pala.

Matangkad ang lalake na nasa 7 o 6 footer, naka-salamin ito at parang varsity player din. Sakto lang ang ayos ng buhok nya at nakakapukaw din ng atensyon yung nunal nya sa bandang gitna ng ilong.

Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang bigla syang tumingin sa akin, "Excuse me but anong kailangan mo?" tanong nya kaya bigla akong napa-iwas ng tingin.

"A-ah w-wala naman, a-ano lang...." utal-utal kong saad at nag-isip ng sasabihin.

Umayos ka self.

Magsasalita ulit sana ako nang bigla naman akong tawagin ni daphne, "Gwen! be ito yung sinasabi ko sayo" ani nito at saka tinignan ang lalakeng kaharap ko.

"Ano ba yan gwen hours lang yung nakakalipas oh pero may bago ka kaagad? gosh ka gwen" saad ni daphne at nagulat ako nang bigla nyang hampasin sa balikat yung lalake.

Kumunot ang kilay nung lalake habang nakatingin kay daphne, "Hi i'm daphne, gwen's bestfriend, and you?" wika pa nito na lalong ikina-kunot ng kilay ng lalake.

"You mean na boyfriend nya ko? no miss, i don't even know her" masungit na sagot naman nung lalake kaya napa-oh na lang si daphne.

Lumingon sakin si daphne, "Payag ka nun gwen di ka daw kilala ng boyfriend mo oh" sabi pa ni daphne kaya pinigilan ko na lang na kurutin sya sa tagiliran.

"A-ah eh pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko ha hindi pa kasi nakainom ng gamot eh haha" pagkasabi ko nun ay hinila ko si daphne sa may cashier at nilakihan ng mata.

"Gaga ka hindi ko bago yun" sabi ko dito at saka sya kinurot sa tagiliran, "Aray ko naman! eto naman hindi ka na mabiro bes, by the way nakapili ka na ng libro?" tanong nya kaya umiling lang ako.

"Pipili pa lang ako daphne oo" inirapan ko sya at bumalik sa mga libro nang makapili ay bumalik ako doon sa may cashier at binili na yung librong napili ko, 'when i met you' yung napili kong title ng libro dahil mukha itong maganda.

Lalabas na sana kami ni daphne nang bigla ako napatigil sa paglalakad kasi nakita ko si miguel at----papunta na sya sa kinaroroonan ko!

Sa halip na iwasan sya ay nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Anong nangyayari sakin?

"Gwen let's talk---" daphne cuts his words, "Kung ako sayo miguel iiwas na ko kay gwen kasi baka masapak pa ko eh" sarcastic nyang sabi at saka ako hinila papalabas sa library.

Nagpahila na lang ako kay daphne hanggang sa mapunta kami sa mcdo oo meron nun sa loob ng mall, ang kaso marami namang pila kaya napagdesisyunan naming umuwi na lang.


"GOOD night gwen!" Wika ni daphne at saka ako yinakap, "Tandaan mo ha na wag na wag ka na ulit maa-attach sa kahit na sino kasi baka makaltukan pa kita" bulong nya at saka bumitaw sa pagkakayakap sakin.

Ngumiti naman ako, "Opo ma'am daphne" saad ko at saka sabay naman kaming tumawa, "Pero pag na-inlove ka sa isang tao just tell me at kikilalanin ko yung taong yun ha?" saad nya kaya tumango naman ako.

Para talagang kapatid ko na tong babae na to, "Good night daphne may your crush will crush you back" saad ko naman at saka humalakhak kaya agad nya akong binatukan.

"Bye na naku baka mahampas pa kita ng flower vase dyan" ani nya at saka umalis.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagmano kay mama, nasa ibang bansa kasi si papa kaya ang laging ginagawa lang ni mama ay nakikipag-call kay papa naku ang harot.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ko sa second floor para matulog pero bago iyon ay binuklat ko muna yung librong nabili ko sa library sa halagang 300.

Binasa ko ang prologue ng story.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko nang bigyan nya ko ng puting rosas na ang ibig sabihin nito ay gusto na nya akong palayain, "Pinapalaya na kita calliope" ani nya at saka ako hinalikan sa noo.

Doon ay lumisan na sya sa simbahan, dapat sya ang lalakeng ipapakasal sakin ngunit sadyang strikto ang mga magulang ko at sa iba pa ako ipinakasal at doon pa sa taong hindi ko naman lubusang kilala at hindi ko mahal.

Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang masasayang araw na kasama ko sya.

Hindi ko pa nalalaman yung buong kwento pero nasasaktan na ko, parang may something eh. Humiga na ko sa kama at tinabi na ang libro at saka ako unting-unting nakatulog.

Reincarnated (On-going)Where stories live. Discover now