Chapter 6

7 3 0
                                    

Am i falling inlove again?

KASALUKUYAN akong naka-upo ng hagdan dahil nga wala pang klase, may meeting daw yung mga teacher kaya malaya akong nakakagala sa campus.

"Excuse me miss" napatingin ako sa nagsalita at nakita si ryu na nakatingin lang din sakin.

Lumunok ako ng laway at saka umusog ng kaunti pero sa halip na umakyat sya sa hagdan ay bigla nya kong tinabihan.

Kabado ko syang tinignan, paano ko ba uumpisahan yung usapan?

"W-wala ka ding klase?" tanong ko dito, "Obviously yes" seryoso nyang sagot at saka tinignan ang librong hawak ko.

"Mahilig ka din pa lang magbasa ng libro? same tayo" saad nya at sinilip kung anong binabasa ko.

"A-ah oo eh hehe" ngumiti ako.

"Siguro ay nagtataka ka kung bakit sa tuwing tumitingin ka sakin ay nakatingin din ako sayo" sabi nya kaya agad naman akong nag-isip.

Oo nga no.

Sa basketball court nakatingin sya sakin kaya nakaramdam ako ng kaba nun at may naramdaman akong kakaiba.

"Ah hehehe b-bakit ka kasi nakatingin sakin nun?" tanong ko pero ikinagulat ko nang bigla syang ngumiti.

"May kamukha ka kasi" sabi naman nya na ipinagtaka ko naman.

"Ha? sino naman?" tanong ko naman na feeling close talaga.

"Basta," tumitig pa sya sakin na mas lalong nagpa-kaba sakin.

"May nunal ka din sa ilalim ng mata, parehas kayo" bigla nyang hinawi yung buhok ko at mas lalong tumitig sa'kin, teka lang naman hindi na ko makahinga oh.

Bigla ako umatras kaya umiwas na sya ng tingin, "I'm sorry kamukhang-kamukha mo lang kasi talaga sya" wika nya at umayos ng upo.

Nung pangalawang usap namin ang sungit nya pero bakit ngayon hindi sya masungit? magkakaroon na ba ako ng second crush? or am i falling inlove again?

Reincarnated (On-going)Where stories live. Discover now