Chapter 9

7 4 0
                                    

Memories

HINAWAKAN nya ang kamay ko at saka hinalikan, "Napakaganda mo talaga mi amor" wika ni yuan nang nakangiti habang nakatitig sa'kin.

Nilapit nya ang mukha nya sa'kin, ang akala kong hahalikan ako nito sa labi ay hahalikan nya pala ako sa noo.

"Akala mo siguro ay hahalikan na kita sa labi" pang-aasar nya at saka ako tinawanan pero inirapan ko lang sya.

"Biro lang mahal" sabi pa nya at saka ako yinakap ng mahigpit, siniksik nya ang kanyang ulo sa aking leeg at bumulong.

"Nangangako akong hinding-hindi kita iiwan calliope..." bulong nito.

Bigla akong nagising sa panaginip na iyon at nakita sila mama na nag-aalalang nakatingin sa'kin, "Anak, salamat sa d'yos at nagising ka na. Sobra kaming nag-alala sayo" wika ni mama ay saka ako yinakap.

Mugto ang mga mata nila papa at mama dahil siguro sa kakaiyak, Nakita ko namang lumapit sa'kin si ryu.

"Maayos na ba yung pakiramdam mo?" tanong nito at saka ako tinabihan sa kama.

"M-medyo" sagot ko naman at tinignan ang mga kamay ko na hindi na nanginginig.

Huminga ng malalim si mama, "Bukas na bukas ay sasamahan ka namin ng papa mo na magpa-check up" ani nito.

"Sige po mama" sagot ko na lang at huminga ng malalim.

Reincarnated (On-going)Where stories live. Discover now