Chapter 8

8 4 0
                                    

Suyo

"NAKU amigo mukhang may magaganap na suyuan" Pang-aasar ni ninong sabay tingin sa'kin.

Luh parang balak pa kaming i-ship ni ninong ay tsk tsk tsk.

"Suyuin mo na anak" pang-aasar din sa'kin ni papa kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Papa naman" ani ko pero tinawanan lang nila akong tatlo, bigla akong napaisip. Solo parent lang ba si ninong?

" 'Nong solo parent lang po ba kayo?" tanong ko kay ninong.

"Oo iha iniwanan kami ng ina ni ryu at chris at yung nanay nila nabalitaan ko na lang na may iba na pa lang pamilya" sagot ni ninong, naging malungkot ang mukha nya.

Nakaka-awa naman pala sila.

"Ano pong pangalan nung ex wife nyo ninong?" tanong ko pa, nagmukha na tuloy akong interviewer nito.

"Maricar ang pangalan nya iha" sagot ninong.

Ang kaninang malungkot na mukha nito ay biglang sumaya, ngumiti si ninong nang makahulugan. "Iha suyuin mo na si ryu baka magkaroon na ko ng apo" pang-aasar nito at tumawa, ganun na rin sila mama.

Buti na lang at ninong ko 'to kung hindi hay naku.

Susuyuin lang pala eh no problem.

LUMIPAS ang oras nang mapilit na nila akong suyuin si ryu total kinakapatid ko naman sya kaya kakapalan ko na ang aking peys.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni ryu, paano ko nalaman? syempre tinuro sa'kin ni ninong yung kwarto ni ryu eh.

Pinagbuksan naman ako ni ryu ng pintuan nang nakasimangot, eto na susuyuin na kita.

"H-hi hehe" bati ko dito pero nanatili lang na nakasimangot yung mukha nya.

"S-sorry for what i've said before" (pakitama na lang po yung grammar ko kung mali) kabado kong saad.

"Pasok." Seryoso nyang saad kaya nagtaka naman ako, wait wait wait! anong gagawin namin sa kwarto nya? overthink pa self.

"H-ha? a-anong gagawin?" kabado kong tanong pero hindi man lang sya sumagot.

"Ay oo sabi ko nga eh" dere-deretso na kong pumasok sa kwarto nya, pinagmasdan ko ang kwarto nya hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa isang realistic painting.

Isa itong babae na inaamoy yung rosas, parang pamilyar sa'kin yung mukha ng babae. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, a-anong nangyayari sa'kin?

Napa-upo ako sa sahig at unti-unting naramdaman na tumutulo na pala yung luha ko, bakit ako umiiyak? anong nangyayari sa'kin?

Merong senaryo na unti-unting kong nakikita, merong isang babae at isang lalake. Nakaluhod yung lalake at umiiyak.

"Patawad mahal" ani nito sa babaeng mahaba ang buhok at naka-saya.

Umiiyak din ang babae at pilit na pinapatayo yung lalakeng nakaluhod, "T-tumayo ka na dyan lucas" ani ng babae na umiiyak pa din.

Lucas? pamilyar sa'kin ang pangalang lucas, ito ba yung nabasa kong libro?

"Mas mahal ko si yuan kaya tumigil ka na" ani pa nga babae, yuan, pamilyar din sa'kin ang pangalang yuan.

Bigla nanikip yung dibdib ko nang dahil sa narinig, "Patay na sya calliope..."

Calliope
Calliope
Calliope
Calliope

Tama ba ang narinig ko? o imahinasyon lang ang nakikita ko ngayon?  ito ang nabasa kong libro na nabili ko sa mall na ang title ay "Bring back the time".

"Gwen, ayos ka lang ba?" Nag-aalala na tanong sa'kin ni ryu, agad nyang pinunasan ang luha ko.

"R-ryu...n-nanghihina ako" saad ko at nakita ang kamay kong nanginginig.

"T-teka gwen, gwen!" hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nya dahil nawalan na ko ng malay.

Reincarnated (On-going)Where stories live. Discover now