Chapter 10

7 4 0
                                    

Check up

NANDITO kami sa clinic malapit sa school ng SPUQC, nandito kami para daw magpa-check up ako.

"May trauma po ba ang anak nyo misis?" Tanong ng nurse kay mama kaya tumingin naman sa'kin si mama.

"Hindi naman po namin sya sinasaktan mula nung bata sya hanggang ngayon" sagot naman ni mama, tama naman ang sinabi ni mama dahil kahit nung bata ako ay hindi ako nakaranas ng palo.

Tumango lang ang nurse at tumingin sa papel nya, "Base po sa nalaman ko ay wala naman po syang sakit" wika ng nurse.

"Sige po salamat nurse" tumayo na si mama at inalalayan ako, "Aalis na po kami nurse salamat po" pagpapaalam ni mama sa nurse kaya ngumiti lang ang nurse.

Lumabas na kami ng clinic pero nagulat ako nang makita si ryu na nakatingin sa'kin, lumunok ako nang bigla syang lumapit sa'kin.

Biglang nag-ring yung phone ni mama, "Saglit lang ah tumatawag si papa mo" sabi ni mama at saka umalis.

"B-bakit ka nandito?" tanong ko kay ryu.

"Bawal na ba kitang puntahan dito? come on nag-aalala lang ako, ang sama ko namang bestfriend kung hindi kita kakamustahin diba?" dere-deretso nyang saad kaya napalunok naman ako.

Shaks nung una naming kita sa mall ang sungit nya pero nandito na sya sa harap ko para kamustahin ako, "Kalma lang" saad ko naman.

"Maayos na ba yung pakiramdam mo? o nanghihina ka pa?" tanong pa nya.

"Kalma lang, maayos na ko" ngumiti ako pero parang hindi sya nakumbinsi sa sinagot ko.

Kaya nag-flex ako ng muscle, "Oh diba sabi sayo eh" pagbibiro ko kaya bigla naman syang ngumiti.

"Pasalamat ka talaga ay kaibigan kita kung hindi ay baka natulak na kita dyan" ani nya at saka ngumiti, pati talaga yung tawa ang gwapo.

Wait wait wait! nahuhulog na ba ako sa kanya? no self, wag.

"Ang saya nyo anak ah" biglang sumabat si mama kaya napalingon naman kami sa kanya.

"Baka mamaya nyan may apo na pala ako" pang-aasar ni mama at saka tinapik yung balikat ni ryu.

"Mama naman" inis kong saad at saka umirap, kahit kailan talaga tong si mama.

"Biro lang anak, ikaw naman di na mabiro" tumawa si mama pero nanatili lang akong tahimik.

"Ehem, ryu susunduin mo ba si gwen? sunduin mo na" pang-aasar ulit ni mama, parang gusto ko na lang mag-walk out.

Ngumiti lang si ryu at saka tumingin sa'kin, "Ma maglalakad na lang ako bahala kayo dyan" nakakapikon kasi si mama lagi na lang akong inaasar.

Akma akong maglalakad nang bigla akong pigilan ni ryu, "Ihahatid na kita sa inyo gwen—" pinutol ko na yung sasabihin nya.

"Shhhh! kaya ko na sarili ko" saad ko at saka naglakad papalayo sa kanila, humabol naman sa'kin si ryu at si mama.

"Anak nagbibiro lang naman ang mama eh" sabi naman ni mama.

Biglang nahawakan ni ryu yung kamay ko kaya agad akong napahinto at saka unti-unting tumingin sa kanya, k-drama na ba this?

"Ihahatid ko na nga kasi kayo ni tita" sabi pa nya at saka ako hinila papunta sa kotse, pinapasok nya na ko sa kotse pero ako naman tong nagkibit-balikat lang.

Tss papansin kasi si mama pereng ene.

____________________________________________

Author's note: Hello coffees, coffees na po ang tawag ko sa mga readers ko hehe btw sana po ay nagustuhan nyo ang ginagawa kong story hehe good evening everyone. And also good luck to your studies keep it up coffees!

Reincarnated (On-going)Where stories live. Discover now