Chapter 16

11 2 0
                                    

First kiss

INAYA nya naman ako sa bleacher sa soccer field at nagkataon na maraming estudyante ang nandoon, including daphne, kairo and ryu's friends.

Napatingin sila sa amin at napatingin ako kay kai na nakangiti na nang-aasar, "Yun oh" sabi pa nito pero inirapan ko lang sya.

Umupo kami sa bleacher ni ryu at sakto namang may lumapit sa aming babaeng estudyante, "Omg ryu! ang gwapo mo pala talaga sa malapitan" kinikilig na wika nito at akmang hahawakan ang kamay ni ryu pero agad na nakaiwas si ryu at tumingin sya sa'kin.

"Ay bakit? hays sa bagay famous ka nga pala, by the way i'm rica in short your future wife" sabi pa nito kaya nakita ko namang pasimpleng umirap si ryu.

"Sorry miss but i'm not interested" seryosong sagot ni ryu.

"Bakit naman? single ka naman ah" sabi pa ng babae.

"Miss nandito yung girlfriend ko kaya kunting respeto naman" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, sya may girlfriend? nasaan naman?

"H-ha? ang akala ko ba single ka? nasaan yung girlfriend mo—" pinutol ni ryu yung sasabihin nya.

Tumingin ulit sa'kin si ryu, "Hindi mo ba nakikita yung babaeng katabi ko miss?" tanong nya sa babae kaya agad na lumingon sa'kin yung babae.

"G-girlfriend mo ryu? wait wait! kung girlfriend mo talaga sya then prove it" napataas ang isang kilay ni ryu.

"Kiss her infront of me para maniwala talaga akong girlfriend mo sya" parehas na nanlaki ang mga mata namin ni ryu nang dahil sa sinabi ni rica.

Biglang tumingin sa'kin si ryu na parang nagsasabing "let's prove it" agad akong napa-iling, subukan mo lang talaga ryu.

Agad na lumapit sa'kin si ryu at agad na hinawakan yung baba ko, kalma self.

Isang daliri na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa kaya unti-unti kong naramdaman na umiinit na yung pisngi ko, please don't or else mahuhulog ako sa'yo.

Unti-unti kong naramdaman na lumapat na yung labi nya sa labi ko kaya agad na nanlaki ang mga mata ko, this is my first kiss...

Then suddenly a scenario pop up into my mind.

"B-bakit mo ko hinalikan yuan?" tanong ko kay yuan nang bigla ako nitong hinalikan sa labi.

"Bawal ba miss calliope?" ngumisi sya na mas lalong ikinapula ng pisngi ko.

Napapikit ako dahil sa halik nya at sa ala-ala na biglang lumitaw na senaryo sa utak ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

This can't be...i-i'm falling in love again....

"Y-yuan nasaan ka na ba?" nanginginig na ang mga palad ko at nangingilid na din yung luha ko.

Nasa madilim ako ng parte ng kagubatan at pilit na hinahanap si yuan.

May naaninag akong anino sa di kalayuan, "Patay na ang iyong kasintahan binibini" ngisi ng lalake habang papalapit sa'kin.

"H-hindi ako naniniwala sa'yo!" sigaw ko doon sa lalake.

Bigla akong napadilat at naramdamang umiiyak na pala ako, bigla akong lumayo kay ryu nang matapos nya kong halikan sa labi, yung virgin lips ko.

"A-are you okay gwen?" lumapit sya sa'kin at agad na pinunasan yung luha ko.

Tumingin ako sa kanya at parang may naaalala, bakit parang ka-ugali nya si yuan at the same time parang magkamukha sila.

Hindi kaya'y...reincarnated sya?


Nahuhulog na sa'yo by noah alejandre.

Author's note: Same vibes pala tayo gwen kasi nahuhulog na din ako sa kanya charot, so btw guys sana ay magustuhan nyo ang chapter ng story na ito take care readers!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated (On-going)Where stories live. Discover now