VI

364 8 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER VI

Bumungad sa akin ang masangsang na amoy ng cabinet

May nagliliparang maliliit na lamok at bangaw...

"Ano yan? Yuck!" Napasigaw si Jessica habang ako ay napatingin lang...

Biglang pumasok sina Anya kasama ang iba pa

"Bakit kayo sumisigaw? Jessica? Marie? Ayos lang kayo?" Tanong ni Megan sa amin.

"Babe you okay?" Tanong ng boyfriend ni Jessica sakanya

"What's that smell?" Nandidiring tanong ni Anya...

Tiningnan niya ang cabinet at halos masuka sa nakita

"What is that?" Tanong pa ni Megan

"We don't know... Lalagyan ko Sana ng mga gamit kaso yan ang bumungad sakin" Sagot ko pa. Inilawan ni Terrence ng flashlight ang buong cabinet

"Kumuha kayo ng papel... May patay na daga dito" Saad niya. Nandidiri parin si Anya habang nakahawak sakin

"Lumipat na Kaya kayo sa kwarto namin? This room feels weird!" Reklamo pa ni Megan habang kinukuha ang mga gamit namin.

"Lumipat na tayo Marie... Goshh! Kinikilabutan ako sa kwartong toh... Sayang! Maganda Sana kaso may kababalaghan naman" Natawa ako...

"Dito nalang tayo... Ayos na kami dito Megan and Anya... Salamat nalang" Nag aalala naman nila kaming tiningnan...

"Sure kayo? Gossh, nag aalala na rin ako sainyo" Sabi pa ni Anya. Tumango lamang kami ni Jessica.

Nang umalis na sila ay naiwan kaming dalawa. Lumapit ulit ako sa cabinet. Ngunit nang buksan ko ito ay iba ang tumambad. Napasigaw ako sa nakita.

Laman loob ng tao. At may kasama na itong uod habang nangangamoy na

"Marie?"
"Marie?"

Narinig kong tawag ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang paligid at unti unting iminulat ang mga mata ko.

Bumungad sakin ang itim na kisame at ang ilaw na kulay orange. Masakit ang ulo. Maging nang aking katawan

Nilingon ko ang mga nasa gilid ko. Nakita ko sina Anya, Jessica at Megan na nag aalala akong tiningnan

"Hey! Okay ka na ba?" Hinawakan ni Jessica ang ulo ko

"You okay? Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Terrence sa akin.

Bumangon ako. Napahawak sa ulo dahil kumirot ito. Tumibok tibok pa.

May nag abot sakin ng tubig at ininom ko naman iyon. Ngunit agad ko itong naibuga dahil sa masamang lasa...

"Wtf?!" Narinig kong sigaw nila... Napalayo silang lahat sakin. Pinahiran ko ang bibig ko

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanila. Nagkatinginan sila bago nagsalita si John. Ang boyfriend ni Megan

"According to Jessica, you fainted. Pagod ka ba?" Tiningnan ako ni Anya. Nag aalala ang mukha nito at parang sinisisi ang sarili

"Gutom lang siya. Remember, galing pa tayong biyahe at hindi pa tayo nag hahapunan. Let's go to the kitchen" Inalalayan ako ni Anya na tumayo

"Oo nga pala... Malapit nang mag alas diyes yet di pa tayo kumakain" Rinig Kong Saad ni Kevin, ang boyfriend ni Jessica

"I didn't feel hunger..." Rinig kong Saad ni Anya.

Habang naglalakad kami, biglang nagsalita si Kevin. Ang taas ng hallway at ang dilim. Buti nalang at may nagdala ng flashlight

"Hindi niyo ba napapansin? This house is really weird... Kanina lang parang may narinig akong naliligo sa CR. Guys do you think may multo talaga dito?" Tanong niya samin

"I think yes, maybe. May nakita rin si Marie kanina... Isang bata" Sagot ni Terrence... Nagtataka naman ang mga mukha nila while Anya feel scared

"What if umalis nalang tayo dito?" Biglang tanong ni Megan

"No! Sayang bayad!" Saad pa ni Anya Kaya Wala kaming magawa

Tahimik ulit kaming naglalakad nang biglang...

"Anong ingay yun?" Napatigil kami. Nakarinig kase kami nang parang may kumakalabog sa itaas.

Nagpatay sindi ulit ang ilaw dahilan para humigpit ang hawak ni Anya sakin.

Humarap si Megan sa aming lahat

"As what nanay Esther said, wag nating bigyang pansin ang mga naririnig. Tara na. Magpatuloy na tayo" She said. Wala kaming nagawa kundi pumunta nalang ng kusina

Napatingin ang gawi ko sa bandang likuran ng cabinet... May nakita akong parang nakaitim na dumaan. Kinurap ko ang mga mata ko.

Ngunit wala na.

THE BLACK MANSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon