XX

253 8 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XX

Habang patuloy ang pagdadasal ay umiiyak na walang nagawa si Anya... Nakita niya kung paano saksakin ng isang nakaitim na Madre ang kaibigan at nang maalala iyon ay bigla siyang napasigaw...

Agad na napatingin ang Isa sa mga madre at natigil din ang pagdarasal ng mga ito. Sabay sabay siyang nilingon ng iba pa dahilan para mataranta at agad siklaban ng takot... Kinabahan siya na baka siya na ang susunod

May winiwika na Naman na hindi niya naiintindihan ang mga madre kasabay niyon ay ang paglalakad nito papunta sa kanya... Napatakbo siya at Hindi niya Alam ang gagawin.

Agad niyang tiningnan ang katawan ng kanyang kuya ngunit laking gulat niya na Wala na ito Doon. Ipinagsawalang bahala na nalang niya ito bago tumakbo...

Wala siyang pakialam kung saan siya mapadpad. Ang nasa isip niya lang ay ang makatakas mula sa mga nakakatakot na madreng humahabol sakanya...

Napahinto siya sa may 3rd floor...

Pinakiramdaman niya ang paligid dahil sa parang may naramdaman siyang Hindi magandang presensya...

Napaigtad siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid... Naging maganda rin ang buong kwarto...

Napaatras siya...

Nagulat siya nang may makitang isang magandang babae na umiiyak. Maganda rin ang kasuotan nito at panay ang hagulgol... Kasunod nito ang isang lalaking Hindi niya kilala...

Hinahabol ang babaeng kanina Lang ay nakita niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Parang Wala sa sarili si Anya na nakasunod sa dalawa

"Isabel! Isabel tigil!" Nakita niyang hinawakan ng lalaki ang braso ng babae

"Ano ba?! Ano pang kailangan mo Mariano?!" Doon nanlaki ang mga mata ni Anya dahil sa narinig...

Napakurap kurap siya habang tinitingnan ang dalawang taong nag uusap

"Mariano? Isabel? Sila ba Yung mga anak nina..." Napatakip siya sa sariling bibig...

"Isabel mag usap tayo... Pakiusap" Nagtaka si Anya Kaya dahan dahan siyang Lumapit at agad na nagtago sa Isa pang kwarto

"Anong dapat natin pag usapan? Ano?! Sumagot ka Mariano?!" Mas lalo siyang nagtaka.

"Mag usap tayo... Hindi ko sinsadya ang nangyar---

Napatakip sa bibig si Anya nang makitang sinampal ni Isabel si Mariano

"Hindi mo sinsadya? Hindi mo sinasadyang mabuntis ako? Ha?! Mariano? Hindi mo sinsadya?!" Mas lalo syang napatakip sa bibig

"OMG! so it means nabutis niya yung sister niya?" Napahawak si Anya sa dibdib dahil sa nalaman... Napahawak din siya sa ulo niya

"Pananagutan ko naman yan! Pakiusap Isabel! Wag mong ipapatay ang anak natin!" Sinampal ulit siya ni Isabel bago gakit na nagsalita

"Paano?! Paano kapag nalaman nina mama at papa ang nangyari?! Paano?! Kakamuhian nila tayo! Itatawil! Malalaman ito ng iba! Kahiya hiya ito!" Malakas niyang sigaw...

Agad namang nilapitan ni Mariano ang kapatid bago niyakap...

"Nakikiusap ako Isabel... Wag na wag mong patayin ang anak natin... Mahal Kita... Mahal na mahal!" Rinig niyang Sabi ni Mariano dahilan para mandiri si Anya sa narinig

"Yuck! Incest! What the f*ck!" Napatakip siya sa bibig nang makitang hinalikan ni Mariano ang kapatid...

Tuluyang napasuka si Anya sa nakita.. 

"Kadiri!" Sabi pa niya.

Napaigtad siya nang may magsalita sa likuran niya

"Anong ibig sabihin nito?!" Napatingin si Anya sa likuran at nakita ang isang matandang babae ngunit mababakasan parin ng ganda kasama ang isang makisig na matandang lalaki...

"Owemjiiii! Kayo ba ang parents ng mga yan?! Nag halikan po sila! Yuck!" Sabi ni Anya pero di siya narinig ng mga ito...

Nakita niyang namutla si Isabel habang si Mariano ay matapang na nakatingin sa mga magulang nila

"Mariano? Isabel? Ano itong aming nakita?" Walang emosyon ngunit nagtitimping tanong ni Don Custodio sa mga anak

Nagulat siya nang biglang lumugod si Isabel dahilan para magreklamo si Anya

"Papa... Mama patawarin ninyo kami... Hindi namin sinsadya!" Nagulat siya nang biglang sampalin ni Donya Isabella ang anak niya

"Mga walang hiya! Nakakadiri kayo!" Sigaw ng matanda... Umiiyak Naman na hinawakan ni Mariano si Isabel

"Kahihiyan ito sa pamilya natin! May relasyon kayong dalawa?! Magkapatid kayo! Hindi ba kayo nag iisip ha?!" Sigaw ni Don Custodio sa mga anak...

"Pananagutan ko si Isabel... Pananagutan ko siya at walang makakapigil sa akin! Kahit mga magulang ko pa kayo!" Sigaw ni Mariano saka hinawakan ang kapatid...

Hindi makapaniwalang nakatingin ang mga magulang nila... Maski si Anya ay hindi nakapagsalita dahil boses na pinakawalan ni Mariano

"At anong gagawin mo?! Nabuntis mo ang kapatid mo! Mariano! Ano ba?! Wala na si Maria pati ba naman kayong dalawa ay mawawala na sa maling landas?" Umiiyak na tanong ni Donya Isabella

"Pakakasalan ko siya mama. Magpapakasal kaming dalawa" Dahil sa sinabi ay agad na sinuntok ni Don Custodio si Mariano dahilan para mapahiga ito sa sahig...

Agad namang tumayo si Isabel dahil sa narinig

"Nahihibang ka na! Hindi ako magpapakasal sa isang katulad mo! Hinding Hindi!" Sugaw ng babae saka humarap sa kanyang ama...

"Papa... Ipapalaglag ko ang bata... Wag kang mag alala" Napatayo si Mariano dahil sa sinabi ng kapatid at kaagad na hinablot ang braso ni Isabel at saka masama itong tiningnan

"Hinding hindi mo ipapalaglag ang anak ko Isabel! Gawin mo lang at papatayin Kita!" Napadaing si Isabel dahil pinilipit ni Mariano ang braso ng kapatid...

Papagitna na Sana si Donya Isabella para awatin ang mga anak nang biglang bumagsak si Don Custodio at napahawak sa kanyang dibdib...

Namimilipit ito sa na parang sumasakit ang dibdib niya. Napatakip din ng bibig si Anya at Hindi na niya maramdaman ang sarili...

"Custodio?" Natigil sila at napatingin sa kanilang padre de pamilya na ngayon ay namimilipit sa sakit

"Papa?" Tawag ni Isabel saka nilapitan ang ama habang natuod naman sa kinatatayuan si Mariano at hindi alam ang gagawin

Inalog alog nila ang matanda habang tinatawag ang pangalan nito ngunit mas lalo lang itong Hindi makahinga hanggang sa tuluyan na itong bumagsak...

Napasigaw si Isabel at si Donya Isabella habang tinitingnan ang nakaratay na si Don Custodio...

Nagulat si Anya nang biglang mapatingin sa gawi niya si Mariano. Masama ang tingin nito at napalaki ang mga mata nang makitang nagkulay pula ang mga mata nito...

Nakita niya ang pagngisi nito dahilan para mapaatras siya at agad na tumakbo paalis ngunit sa pagharap niya...

Bumungad sa harapan niya ang madreng itim... May dalang kandila at may nakakatakot na itsura

THE BLACK MANSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon