XXI

253 7 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XXI

Napasigaw si Anya at tatakbo na Sana ngunit agad na hinawakan ng itim na madre ang kanyang leeg... Sinakal siya nito... Ngumisi ang Madre at may ibinulong ito habang isinayaw sayaw nito ang ulo...

Hinawakan ni Anya ang mga kamay nitong nakahawak sa leeg niya at habol ang hiningang nagmamakaawa ang kanyang mga tingin...

Nagulat si Anya nang biglang bumukas ang bibig ng madre saka ito may niluwang mga uod, ipis, daga, at iba't ibang mga insekto... Walang mapaglalagyan ang takot na naramdaman ni Anya... Naramdaman niyang ang mga iyon ay pumunta sa kanyang bibig...

Sinikap niyang itikom ang bibig ngunit napabukas din dahil Hindi na siya makahinga... Umiiyak na siya at doon nagsipasukan ang mga ito...

Nabilaukan siya ngunit ang mas lalo niyang ikinagulat ay nang magluwa ang Madre ng mga lamang loob sa harapan niya...

Nang malunok lahat ng mga ipis ay bintawan siya nito. Akala niya ay makakahinga na siya ngunit Hindi, naisuka niya lahat ng nakain dahil sa matinding pandidiri at nagsisisigaw...

Iniluwa niya iyon lahat.

Napatigil siya nang biglang hawakan ng itim na madre ang buhok niya saka siya pinaharap dito

Halos takasan siya ng bait dahil sa nakita...

Ang Madre, may dalang patalim na may preskong dugo pa sa dulo na inambang isaksak sakanya...

Habol ang hininga dahil sa nakakadiring nakain niya... Biglang hinawakan ng itim na Madre ang leeg niya at ibinalibag siya...

Napasigaw siya sa sakit. May naramdaman siyang likodong lumabas mula sa likuran niya... Naramdaman din niyang sumakit ang ulo niya...

Napaubo siya ng dugo...

Hinawakan ng itim na madre ang leeg niya saka walang pag aalinlangang sinaksak ang leeg niya...

Napabulwak siya ng dugo at nakita ni Anya na ang ibang dugong gaking sa kanya ay napunta sa mukha ng Madre... Mas lalo siyang napasigaw sa sakit dahil mas diniinan ito ng Madre hanggang aa sumabit na siya dahil nakasaksak na hanggang sa dingding ang mataas at matalim na kutsilyong hawak nito...

Ngumisi ang madre sa nakikita. Tumawa ito habang sinasambit ang isang wika

"Inaalay ko po sa inyo panginoon ang buhay na ito"

"Inaalay ko po sa inyo panginoon ang buhay na ito..."

Tuluyan nang nawalan ng buhay si Anya. Nakalawit ang dila niya, habang nakadilat ang mga mata... Puno ng dugo sa leeg at nakabitay...

MARIE POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Naramdaman ko ang malambot na kamang hinihigaan ko... Nang bumangon ako ay agad kong nakita ang isang hindi pamilyar na nakaputing babae...

Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa salamin...

Hindi ko siya kilala... Bigla siyang humarap sa akin dahilan para matulala ako sa ganda niya... Tumitig ang mga magagandang mata niya sa akin... Doon ko napagtanto Kung sino ang nasa harapan ko...

Si Maria. Isa sa mga anak ni Don Custodio at Donya Isabella.. 

Tumayo ito at agad na lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Hindi siya umupo sa gilid ng kama bagkus ay nakatitig lamang siya sa akin

"Ilang beses na ba kitang binalaan?" Panimulang tanong niya sakin. Bagamat mahinahon ay alam kong galit ang boses niya...

"A-anong ibig mong sabihin?" Iniwas niya ang tingin sa akin

"Bakit ka nagpadala sa takot?" Biglang tanong niya sabay kuha sa isang... Notebook...

Nanlaki ang mga mata ko dahil ang hawak niya ay ang diary na nakita ko sa 4th floor ng library nila...

Dahan dahan niya itong ibinigay sa akin at kaagad ko naman itong kinuha

"Hindi titigil si Mariano sa pagkuha ng buhay ng mga inosenteng tao para ialay sa kanyang kinikilalang panginoon... Ang mga Diablo..." Tumitig siya sa akin

"Hindi ka makakalabas dito Marie, isinarado na nila ang pintuan papalabas sa mansyong ito... Para makalabas ka, kailangan mong wasakin ang panginoon na sinasamba niya sa ikalimang palapag ng bahay na ito..."

"Ang kabaong na makikita mo ay wag na wag mong bubuksan... Doon nakalagak lahat ng mga pinatay o inalay nilang mga babae..." Tumigil siya saglit bago seryosong tiningnan ako sa mga mata.

"Nasa kabaong din na yun ang mga kaibigan mo" Dahil sa sinabi niya ay agad akong siniklaban ng takot... Magkahalong takot at kilabot ang naramdaman ko ngayon

"Kailangan mong sunugin ang panginoon na sinasamba nila bago mo buksan ang kabaong na nasa harapan... Pagkatapos nun, tumakbo ka na... Wag na wag ka nang lilingon pa at kaagad ka nang lumabas sa masyon na ito at wag na wag nang babalik pa"

"Alalahanin mo Marie, mas malakas ka sakanila..." Doon ako tuluyang nalito dahil sa sinabi niya

"Anak ka ng itaas habang sila ay mga anak ng demonyo..." Hinawakan niya ang mga kamay ko bago ako tiningnan ng diretso sa mga mata

"Palagi mong itatak sa iyong isipan, Hindi nagwawagi ang mga masasama... Laban sa kabutihan..."

"Mananalo at mananalo ka... Kung itong susubukan... May tiwala ako sayo, naniniwala ako na makakaya mong lupigin sila... Talunin mo sila at..." Umiiyak akong tumingin sakanya

"P-papaano? Malalakas sila... Hindi ko sila kaya..."

"Kaya mo sila... Alalahanin mo ang mga kaibigan mo... Ang mga inosenteng tao na Hindi parin matahimik at nanghihingi ng hustisya... Isipin mo sila Marie... Wag mo silang hahayaan na makulong nalang sa impyerno ng tuluyan"

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong nanghina dahilan para makaramdam ako ng hilo... Pero bago iyon, nakita ko ang maamong mukha ni Maria... Nakatingin sa akin na puno ng pag asa

THE BLACK MANSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon