XVII

246 6 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XVII

HINDI ako nakasigaw dahil sa matinding takot... Parang anumang oras ay sasabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba... Bigla akong nakarinig na parang may bulong ng kung sino... Na parang nananakot

Biglang nagawi ang tingin ko sa isang bagay sa ibaba... Isang kabaong. Mas lalo akong nagilabot. Ang kabaong ay kulay itim na makintab. Halatang parang pinapangalagaan din ito na para bang araw araw ay may naglilinis dito...

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Nagkaroon ulit ng sariling isip ang aking mga kamay at dahan dahang binuksan ang kabaong ..

Gusto ko nang umalis dito pero parang may nagtutulak sakin para buksan ito...

Binuksan ko ito ng dahan dahan...

Katahimikan...

Nang mabuksan ko ito ay napatakip ako sa ilong. Masangsang ang amoy nito... Parang nabubulok na ewan na hindi ko alam kung ano... Madilim at Wala akong Makita...

Nagulat ako nang biglang magpatay sindi ang ilaw... Napatingin ako sa itaas. Biglang humangin ang buong paligid at nang tingnan ko ang kabaong na nasa harapan ko ay napasigaw ako...

Maraming mga kalansay na nasa loob. Nangangamoy na ang mga ito at pakiramdam ko ay parang nakangiti silang lahat habang nakatingin sa akin.

Agad akong tumakbo at bumaba ng hagdan... Hindi ko na Alam. Wala na akong pakialam kung ano ang madadatnan ko sa baba. Basta ang gusto ko lang ay makaalis ako sa ikalimang palapag...

Kinatok ko ang iba't ibang pintuan ng kwarto sa 4th floor habang tinatawag ang mga pangalan ng mga kasama ko at nagbabakasakaling Makita ko sila

"ANYA! MEGAN! TERRENCE!" sigaw ko habang panay ang iyak

"ASAN NA KAYO! GUYS! UMALIS NA TAYO DITO!" Dagdag ko pa ngunit wala ni Isa mang sumagot sa sigaw ko.

Agad akong napababa hanggang sa umabot ako ng 3rd floor. Kinatok ko rin ang iba't ibang pintuan ngunit gaya ng kanina ay Wala parin...

Napasigaw ako nang may dumaang batang tumatakbo sa harapan ko... Para na akong aatakihin dahil sa mga nakikita ko... Hindi ko na alam Kung anong gagawin

"MEGAN! ANYA!" Tawag ko sakanila... Nagulat ako nang may Makita akong nakalinyang itim na Madre habang may winiwikang hindi ko alam kung ano...

Naglakad sila papalapit sa akin habang may dala dalang mga kandila at nakakakilabot ang mga tinig at mukha nila...

"Wananahghanahahahannhahah" Nakakakilabot nilang wika nang sabay sabay at diko man Lang maintindihan...

Natuod ako sa kinatatayuan at dapat Sana ay tatakbo na ako pero eto parin ako, takot na nakatingin sa mga madreng papalapit sa akin. Walang ginawa. Gusto kong maglakad papaalis ngunit diko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko

"Tumakbo ka na..." Bulong ng kung sino sa likuran ko... Dahan dahan akong napalingon at agad na napasigaw nang biglang may Makita akong babaeng nakakatakot ang itsura

"AHHHHHHHH!" Tuluyan na akong nakatakbo at Hindi ko na Alam kung saan ako pupunta... Takot at sigaw na may kasamang iyak ang ginawa ko...

"MARIE?!" Narinig ko ang boses ni Megan habang papanaog ako sa hagdanan.

At doon ako nabuhayan ng loob. Nakita ko ang mga kasama ko. Sa 2nd floor habang nakapalibot na parang may ginagawa

Agad akong tumakbo at lumapit sakanila at agad na niyakap si Megan... Umiiyak ako ngayon sa bisig niya at takot na takot dahil sa mga nasaksihan ko...

"Marie... Kanina ka pa namin hinahanap... Bakit ka ba humiwalay?" Tanong ni Megan saka ako niyakap ulit... Napahagulgol ako ng iyak saka sila tiningnan

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko pero..." Nahinto ako nang Makita ang nakahigang katawan ni Anthony sa sahig. Nagdurugo ang ulo niya at dilat ang mga matang nakatingin sa itaas.

Hindi ako makapaniwala... Umiiyak si Anya sa gilid habang panay parin ang hagulgol niya habang si Terrence naman ay nakaalalay sa likuran ng kapatid

"Anthony!!!" Umiiyak niyang tawag dito ngunit Hindi na ito sumagot pa... Maging ako ay naiyak sa nakita. Nakita Kong napaiyak rin si John at halata ang takot sa mga mata niya

"Anong nangyari sakanya?" Tanong ko Kay Megan... Tumingin siya sa boyfriend dahilan para lumingon din ako dito

Nakatulala si John at Maya maya pa ay biglang umagos ang luha sa mga mata niya. Humagulgol din siya ng iyak dahilan para yakapin siya ni Megan

"J-john... Anong nangyari?" Tanong ko. Alam Kong may alam siya sa nangyayari sa kaibigan niya...

"N-nakita ko..." Panimula niya... Suminok sinok pa siya bago nagpatuloy

"M-may naghulog Kay Anthony mula sa taas" Dagdag pa niya. Tumayo si Anya bago tumingin Kay John

"John! Please do tell me Kung anong nangyari sa boyfriend ko?! Bakit namatay siya?! Bakit?!" Niyakap ko si Anya dahil naaawa ako sakanya

"M-may nakita akong babae! Hindi! Isang Madre! Madreng itim! Sinakal niya si Anthony bago hinawakan at binalibag at inihulog sa baba... Takot na takot ako nun... Hindi ako makapagsalita..."

"K-kitang Kita ko lahat... H-hindi basta basta ang pumatay sakanya..." Umiyak siya dala na rin ng takot...

"M-madreng itim..." Napatingin sila sakin nang bigla akong magsalità

"May mga madreng itim akong nakita kanina sa itaas... May dala silang mga kandila... Nakakatakot ang mga itsura nila at habang papalapit sila sakin ay may salita silang Hindi ko naiintindihan... Parang Latin... Hindi Sana ako makagalaw nun pero... May babaeng nakakatakot na bumulong sakin na tumakbo dahilan para mapatakbo ako" Saad ko...

"Tinawag ko si Anthony... Kami yung magkasama. Hindi ko alam kung anong nakikita niya pero Sabi niya may madre. Hindi ko alam na Hindi pala siya nakasunod sakin nung tumakbo ako at nang nasa baba na ako. Saka ko Lang napansing, Wala siya sa likuran ko at nang tiningnan ko ang itaas, sakal sakal na siya ng Madre..."

"Guys! Nawawala ang katawan ni Kevin sa baba!"

THE BLACK MANSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon