XI

273 6 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XI

Hindi ako makaget over sa nakita. Hindi ako nagkakamali. May nakita akong Madre. Napahinto ako sa paglalakad. Tiningnan ang mga kasama ko na walang Alam kahit na ano. Hindi ko sinabi sakanila ang lahat ng nakikita ko dahil ayokong takutin sila

"Marie? Ayos ka lang?" Tanong ni Kevin sakin. Tumango lang ako sakanya

"Bakit di ka pa pumapasok?"

"A-ahh... Iinom lang ako ng tubig" Pagdadahilan ko sakanya. Tumango lang siya sa sinabi ko bago Naunang maglakad

Pumunta ako sa baba... Kumuha ako ng tubig. At agad iyon ininom. Nang humarao ako ay halos mapasigaw ako nang biglang may Makita akong dugo na nasa sahig...

Binundol ng kaba ang dibdib ko. Nagkalat ito. Sandali akong natahimik at napatakip ng ilong nang makitang ang dugong lumalabas ay nanggagaling sa isang lumang cabinet .. umaagos agos ito...

"AHHH!" Sumigaw ako dahil sa takot...

Dahan dahan kong nilapitan ang cabinet... Kitang Kita ko ang mga preskong dugo na lumalabas galing dito at may naamoy din akong masangsang na parang nabubulok na ewan. Nakakasuka ang amoy...

Dahan dahan kong hinawakan ang parang maliit nitong pinto at ang buksan ko ay tumambad sa akin ang nabubulok at napakabahong parang karne na nasa loob...

Napasuka ako dahil sa nakita at dali daling pumunta sa lababo... Nakita ko rin ang ilang nakapack na dugo na nasa loob at nangangamoy na rin ito... Mas lalo akong napasuka dahil Hindi nakayanan ng sikmura ko ang mga nakikita...

Tiningnan ko ang nasa loob ng cabinet, nandidiri ako dahil parang may uod na at nabubulok na talaga ang karne na nasa loob

"I can't believe this!..." Nahihirapang usal ko. Tinakpan ko ang tenga ko bago aalis na Sana nang makitang may batang nasa likuran ko...

Napasigaw ako ngunit ang bata ay dali daling pumunta sa cabinet bago kinuha ang nabubulok na karne... Tinitigan ko ito. Napatanong sa sarili kung bakit may batang nandito...

Nakasuot ito ng pantulog at namumutla... Hindi ko alam ang sasabihin. Nagulat ako nang bigla niya itong sinubo dahilan para mapasigaw ako

Humarap ito sa akin na puno ang bibig at ngumisi... Wala akong magawa kundi ang matakot nalang...

Napaupo ako dahil sa matinding takot. Napatakip ako sa tenga at napapikit habang panay parin ang sigaw ko...

Nang mapagod ako ay kaagad akong Tumigil at nang imulat ang mga mata ko ay halos maghiwalay ang kaluluwa ko dahil sa nakita. Duguan na ang bata habang nakangiting nakatingin sakin

"Gusto mo po?" Pag aalok niya sa mabaho at nabubulok na karneng kinain niya kanina... Napasigaw ulit ako

"Marie?"
"Marie... Gising!"
"Marie! Ganito nalang ba ulit?"

Napaigtad ako dahil sa may tumapik sa pisngi ko. Agad akong napabangon at agad na napahawak sa ulo ko...

"Marie ano na naman ito? Bakit lagi kang nahihimatay?" Nag aalalang tanong ni Anya sa akin. She hugged me

"May sakit ka ba? Gusto mo dalhin ka namin sa hospital?" Tanong ni Megan sa akin

Tiningnan ko silang lahat

"K-kailangan nating makaalis dito..." Panimula ko

"M-may Hindi magandang nangyayari sa bahay na ito..." Dagdag ko. Nagtataka naman ang mga mukha nila.

"What do you mean?" Hinawakan ni Terrence ang mga kamay ko bago ako nag aalalang tingnan

"S-sapat na siguro ang mga panaginip at mga pagpapakita nila sakin para umalis na tayo dito..." Nagsimulang umiyak si Jessica

Napatingin kami sakanya. Hinagod ng boyfriend niya ang likuran niya

"I told you guys, parang may something sa bahay na tuh" Umiiyak na Saad ni Jessica. Maski si Anya ay hindi na mapakali

"Wag naman kayong manakot oh. It's scaring me out..." Reklamo ni Anya at yumakap Kay Anthony na halatang natatakot na rin

Hinawakan ni Terrence ang balikat ko at magsasalita na Sana nang biglang makarinig kami ng kalabog sa itaas...

Biglang kumulong ng malakas dahilan para magsigawan sina Megan. Napasiksik kaming lahat sa iisang lugar nang biglang mamatay ang ilaw...

Humangin ng malakas at bumuhos ang malakas na malakas na ulan... Nagpatuloy ang kalabog at Hindi na namin alam ang gagawin. Narinig namin ang nakakabinging kalabog sa itaas na parang ginigiba...

Tumigil ang kalabog at naging tahimik ang paligid. Nawala ang napakalakas na hangin pero maririnig parin namin ang buhos ng ulan sa labas. Kumulog at kumidlat ng konti at rinig na rinig namin iyon...

"We need to get out of here... I have a bad feeling" Saad pa ni John saka hinawakan ang kamay ni Megan at aalis na Sana sila nang pigilan ni Terrence

"San kayo pupunta?" Tumingin ito sa amin

"Kukunin lang namin ang mga gamit natin..." Tumayo sina John, Terrence at Kevin

"Kami na... Girls, dito Lang kayo, magdasal Lang kayo na walang mangyayari" Saad ni Kevin. Nilapitan siya ni Jessica bago hinalikan sa labi ganun din sina Megan at Anya kina John at Anthony...

Wala na akong pakialam at kaagad na nilapitan si Terrence at niyakap siya ng mahigpit... Alam Kong pinagtitinginan nila kami

"Mag iingat ka Terrence... Balikan mo ulit ako" Tumingin siya sakin nang kumalas ako ng yakap saka tumango at binigyan ako ng isang halik saka nagpatuloy sa pag akyat sa itaas.

Umupo ulit ako at niyakap si Jessica na natatakot na. Agad kaming nagtago sa isang madilim na sulok at nagsusumiksik kaming apat.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit Wala parin silang apat. Nag aalala na si Anya at panay na rin ang dasal ni Megan... Napa sign of the cross na rin ako

Maya maya pa ay biglang may mga kalampag kaming naririnig na parang papanaog sa hagdan...

Tumayo si Jessica para Sana salubungin si Kevin nang biglang iba ang nakita namin... Napaatras siya at agad na bumalik dahil sa takot

Maga nakalinyang madreng itim... Walang mga mukha

THE BLACK MANSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon