XXVI (LAST CHAPTER)

551 13 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XXVI   (Last Chapter)

(2 WEEKS LATER)

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang puting kisame. Agad akong gumalaw at napabusangot ang mukha dahil sa sakit ng katawan na naramdaman...

Inilibot ko ang tingin sa paligid. May dextrose na nakalagay sa akin. Walang ibang taong nandito... Pinilit kong alalahanin ang lahat kung bakit ako nandito pero Walang pumasok sa isipan ko...

Biglang bumukas ang pintuan dahilan para mapatingin ako doon. Nakita ko si mama na natuod sa kinatatayuan habang nakatingin sa akin.

Maya maya pa ay napatalon siya sa tuwa at kaagad akong niyakap

"Jusko! Salamat sa panginoon at nagising ka na anak!" Nakita kong umiyak siya. Ngumiti ako habang yakap yakap niya ..

"May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo sa akin anak Jusko!" Nataranta siya. Agad kong hinawakan ang braso niya...

"Ma... Ayos na po ako" Mahinang Saad ko. Kumalma naman siya bago napahinga ng malalim...

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo... Nagulat nalang ako nang may nagbalita sakin na nasa ospital ka raw" Hinawakan niya ang balikat ko.

Yumukod siya saka ako tiningnan ng mabuti. May pag aalala ang mukha niya

"Anak... Buti naman at ligtas ka" Niyakap niya ulit ako...

Nang bitawan niya ako ay nagsalita siya saka may kinuha sa bag na dala dala.

"Ibinigay sakin yan ng babaeng nagdala sayo dito sa ospital... Sabi niya sayo na daw iyan" Inabot niya sakin ang lumang notebook.

Agad ko itong kinuha... Tinitigan ko ito.

"Tatawagin ko lang ang nurse huh? Dito ka lang" Bilin niya saka ako iniwan.

Unti unti kong binuklat ang notebook. Naamoy ko ang kalumaan nito. Walang nakasulat sa harapan nito... Nang buklatin ko ang isang pahina ay may nakita akong sulat kamay ng kung sino... Isang talaarawan

'Maging payapa na Sana ang daloy ng iyong buhay. Wag ka na sanang niyang gambalain maging sa iyong mga panaginip... Maraming salamat sa pagwakas mo sakanyang kasamaan. Pansamantala mo munang makakalimutin ang mga nangyari at hinihiling ko na sana mahanap mo ang kapayapaan pagkatapos ng lahat ng iyong mga naging karanasan'

                                                 - Maria

Doon bumalik sa akin ang lahat. Unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Binuklat ko ang ibang mga pahina. Doon ko nabasa lahat ng mga sinulat ni Maria. Doon ko nalaman na kasama ang mga bangkay ng mga kaibigan ko sa nasunog. Nasunog ang ilang bahagi ng mansiyon at nakasama Doon ang mga katawan ng kaibigan ko at Wala na akong babalikan pa

Nalaman ko rin na tuluyan nang nawakasan ang kasamaan ni Mariano. Nagpasalamat siya sakin. Ngunit...

Mabigat pa rin ang damdamin ko. Masakit parin at hindi ko alam Kung kailan ako makakalimot sa nangyari...

Hinanap ko si Nanay Esther. Alam kong alam niya na mayroong nangyayari sa mansiyon nila. Alam ko na masasagot niya ang lahat ng mga tanong ko.

Ngunit nabalitaan ko sa Isa nilang kamag anak na nakatira sa Amerika na pumanaw na siya sa Hindi malamang kadahilanan. Wala naman daw iyong sakit at dalawang linggo na rin ang nakakalipas...

Malakas ang kutob ko. Na si Mariano ang dahilan ng pagkawals niya... O di kaya, may iba pang dahilan





Nakasakay ako ng tricycle at papunta ako sa Black Mansion para bumisita at tumingin Doon.

Nagtaka ako nang huminto ang driver at nagsalita

"Ma'am hanggang dito nalang po... Hindi na po ako pumapasok sa loob" Saad niya na ipinagtaka ko.

"Bakit po?" Tumingin siya sakin

"Wala na pong ibang bahay na nandiyan bukod sa haunted Mansion na nandiyan . Yun pong Black Mansion..." Sabi pa niya.

Nagkunwari akong walang alam.

"Ano po bang meron sa bahay na yun? O mansiyon?" Tanong ko. Sandaling napaisip ang driver bago nagsalita

"Hindi ko Alam pero... Sabi po kase ng Lola ko na may kababalaghan daw na nangyayari sa bahay na yun ma'am... Sa katunayan nga po ay Wala nang nagpupunta diyan dahil sa mga kaso na nababalitang nawawala daw ang mga turistang pumupunta... Akala nga po nila serial killer ang pumapasok pero hindi po pala..." Sabi pa ng manong

"Kumukuha po talaga ng buhay ang mansiyon na yan. Ang dating may ari daw niyan na anak nina Donya Isabella at Don Custodio na naiwan... Si Señorito Mario... Marino? Mariano ata Yun, sumasamba daw yun sa mga Diablo..." Lumapit siya sakin

"Nandiyan pa rin daw yung Diablo na rebulto sa loob..."

Bigla akong kinilabutan kahit alam kong totoo ang mga sinasabi ng manong

"Mukhang natakot ko ata kayo ma'am namumutla ho kayo... Tutuloy po ba kayo?" Tumingin ako sakanya bago tumango...

"O-opo..." Nauutal kong sagot...

"Pasensya na ma'am pero Hindi ko po kayo masasamahan doon. Natatakot ako sa lugar na iyon" Sabi niya.

Bumaba ako at binayaran siya bago ngumiti.

"Salamat po..." Tumango siya at agad na alis Kaya naiwan ako.

Nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam pero gusto kong Makita ulit ang mansiyon. Nandun ang mga kaibigan ko... Namdun ang mga katawan nila.

Alam kong delikado pero... Ilang gabi na silang nagpapakita sa panaginip ko. Natatakot din naman akong bumalik dito pero gusto ko malaman kung anong gusto nilang iparating...

Bigla akong kinilabutan nang Makita ang itim na gate ng mansiyon. Tiningnan ko ang bahay... Ganun parin ngunit napansin ko ang maliit na sunog sa kabilang banda nito... Malamig na simoy ng hangin ang naramdaman ko. Sumasayaw rin ang ilang dahon sa malaking puno.

Naglakad ako hanggang sa mapunta ako sa harap ng mansiyon. Tiningnan ko ang buong bahay...

Tahimik na tahimik... Walang tao. Walang ingay. Akala ng marami, walang Wala na ito pero meron pa pala... May mga naiwan pa sa loob...

"Patawarin niyo ko Anya, Megan, Jessica, Terrence, John, Kevin, at Anthony... Matahimik na Sana kayo... Sumalangit nawa ang kaluluwa niyong lahat..." Saad ko bago nagdesisyong umalis pero...

"Marie? Sasamahan mo ba kami dito?" Natuod ako sa kinatatayuan dahil sa narinig

Nangilabot ako at pakiramdam ko'y namanhid ang buo kong sistema... Hindi ako maaaring magkamali... Boses niya iyon

"Marie ba't ka naunang umuwi? Di ba sabay sabay tayong uuwi?"

Nangilid ang luha ko... Di ko Alam ang gagawin

"Halika Marie! Pasok na tayo!" Napatakip ako sa tenga...

"TAMA NA!!!" Buong lakas kong sigaw at napaharap sa likuran ko...

"Bakit mo kami iniwan sa loob? Bakit mo kami hinayaang patayin at ikulong nila?!"

Halos manginig ang tuhod ko...

"Akala ko ba kaibigan ka namin?! Sarili mo Lang iniisip mo Marie!"

Silang lahat... Nandito... Sunog ang buong katawan at nakakatakot ang mga itsura...

Nakakakilabot... Napailing ako at walang nagawa kundi ang...

"AHHHHHHHHHH!!!"

⚠️THE END⚠️

THE BLACK MANSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon