Chapter Five
Bye showbizDaniel's POV
Balita na sa buong Pilipinas ang pagaalis ko sa showbiz. Ang daming interview noong nakaraang araw puro tungkol sa pag-alis ko.
"Bakit ka ba talaga aalis ng showbiz? tanong ng reporter
"Kasi po gusto ko magaral ng normal na tao yung hindi ako si Daniel Jairus. Yung simple tao na gusto magaral sa magandang unibersidad" sabi ko. Lagi na lang ganyan yung mga tanong nila. Di ba sila nauumay sa tanong nila
Sa Montefalco University ako magaaral. Di ko sinasabi sa mga interviews ko na dun ako magaaral kasi baka yung mga fangirls ko ay dun magenroll.
Bakit ko naisipan sa Montefalco University magaral? Simple kasi dun nagaaral si Kathryn. Nagpaimbestiga pa ako tungkol sa kanya. Alam ko na kung san siya nakatira hehehe .
Nakapagenroll na nga ako. Si mama ang nagenroll sa akin. Ako ang nagsabi kay mama na gusto ko magaral sa isang malaking university. Buti pumayag si mama. Yessssss
Buti kaklase ko si Kathryn sa halos na subjects ko kay choki lang sabi nga ni chichay.
Kaya nga excited na ako sa pasukan kasi makikita ko na si labidabs Kathryn. Ang dami pala chechebureche sa pagaayos ng papers pag magaaral ka jusq kaya ayaw ko dati pumasok hehehe
Si mama ang nagaayos ng mga papers kaya ako pachill chill lang dito. HAHAHAHAHA
"DANILOOOOOOOOO!!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko
Bakit ba nasigaw si mama may sunog ba jusko paano?
"BAKIT MA?" iritado kong sabi
"Oh pera bumili ka ng school supplies mo" sabay abot ng pera
"Mama kayo na bumili" sabi ko
"Ako na lagi, Ako lagi, napapagod din naman ako tao lang din naman ako" sabi ni mama
"Whoaaaa ma WHOGOATTTT" sabi ko DRAMA NI MADERR
"Ikaw ha, ikaw na kasi ang bumili" sabay batok sa akin
"OO NA MA JUSQ" irap ko kay mama
"Thank you baby bubot" aambang hahalik sa aking pisngi
"Ma ano ba ma. Baby bubot kayo dyan" sabi ko sabay ilag para di ako mahalikan
"Oh sige anak una na ako maggym pa ako with kumares" sabi ni mama jusq maggym na naman for sure gutom uli to mamaya
"Gege na bye" sabay sarado ko ng pinto
"Danilo tutuktukan talaga kita" sigaw ni mama sa labas
Napatawa na lang ako sa sinabi ni mama
Naligo na ako. Habang nagtotoothbrush ako napatingin ako sa salamin. Grabe no ang gwapo ko talaga hayys ang hirap maging gwapo sa panahon ngayon lagi nagkakandarapa sayo ang mga babae. Napatawa na lang ako sa naisip ko
Pagkatapos ko maligo syempre nagbihis na ako alangan naman pumunta ako sa mall ng hubot' hubad edi hihiyaw sila dahil makikita nila ang aking 'baby bubot' down there. Natawa na lang uli ako sa naisip ko.
Nagsuot lang ako ng skinny jeans at white tshirt tsaka vans. Sabi nga ng ibang fans ko SIMPLE PERO HOT. Nagdala din ako ng hoodie tsaka shades para di agad ako mapanasin.
Pumunta na ako sasakyan.
"Good Afternoon sir" bati sa akin ng driver namin na si Mang Kanor
"Good afternoon din manong"
"San po kayo pupunta?" tanong ni manong
"Ah sa mall. Pwede ba manong pagdrive niyo ko" sabi ko kay manong
"Oh sige tara" pagbubuksan sana ako ng pinto ni manong pero pinigilan ko siya
"Wag na manong ako na magbubukas kaya ko naman" sabi ko
"Oh sige" at sumakay na ako.
----------------------------
Habang papunta kami sa mall si Kathryn lang lagi ang naiisip ko. Nababaliw na ba ako? Para di ko siya masyado isipin, natulog na lang ako hehehe."Sir sir gising na po nandito na po tayo" habang niyuyug ako para magising
Umayos ako ng upo at sinuot ko muna yung hoodie bago lumabas. Pumunta agad kami ni Mang Kanor sa bookstore.
Kumuha na agad ako ng notebook at ballpens habang pumipili ako ng design na notebook nahagip ng aking paningin ang isang binibini.Di naman ako naiinform na pupunta pala ngayon si Kathryn sa bookstore hayyy tuloy palihim akong kinikiliyesss. Nababading ka na daniloo
Palihim ko na lang siya tiningnan, malapit ko na din siya makausap kasi di ba sa MU din siya napasok
Di pa niya alam na magkaklase kami kasi sa first day of school daw makikilala yung mga kaklase mo. Nagparequest kasi ako na sana halos lahat ng subjects ay magkaklase kami pumayag naman ang school. yesss
Pagkatapos namin mamili ng school supplies, umuwi na kami ni mang kanor.
Kinuha ko na din yung pinamili namin konti lang naman kaya ako na ang nagbuhat.
"Oh nandito na ka na pala" irap na sabi sa akin ni Raylie
"Batukan kita dyan eh" sabi ko. Binababa ko muna yung mga pinamili ko sa table.
"Sige nga try n--" di ko siya pinatapos yung sasabihin niya at bigla ko na lang siya binatukan
"MAMA SI KUYA NAMAMATOK!!!" sigaw ni Raylie
"May megaphone ba dyan sa bibig mo lagi nasigaw eh letche dyan ka na nga" sabi ko at tumayo na
"Oh kadating mo lang?" tanong ni mama
"SECRET" sabi ko kay mama sabay ngiti na nakakaloko.
Tumakbo na agad ako paakyat sa kwarto ko at gusto ko na magpahinga.
--------------------------
HI GUYS SANA NAEENJOY NIYO STORY KO MWA LOVE YOU GUYYS THANK YOU SO MUCHH DAHIL BINABASA NIYO STORY KO TYSM :*
BINABASA MO ANG
Journey to Forever
Fanfiction(ON—GOING ) Inlove ako sa artista? Oo siya ang hinahangaan ng mga kabataan ngayon, at ako simple lang na babae na fan niya. Pinapangarap ko na makita ko siya kahit isang beses lang. All rights reserved 2015