*****HONEY BEE POV*****
Ang kwarto ko ay parang isang malaking stadium. Punong-puno ng mga sari-saring grupo ng KPOP. May Blackpink, SHINee, BTS, EXO, Red Velvet, (G)-idle, SNSD, Twice, f(x) at Itzy. Napakadami man ng KPOP na nasa wall ng kwarto ko, sila pa rin ang nagugustuhan kong KPOP groups sa lahat.
Bias ko sa Blackpink ay si Lisa. Sa SHINee naman ay si Minho. Sa BTS naman ay si J-hope. Sa EXO naman ay si Chanyeol. Sa Red Velvet naman ay si Wendy. Sa (G)-idle naman ay si Soyeon. Sa SNSD naman ay si Seohyun. Sa Twice naman ay si Nayeon syempre. Sa f(x) naman ay si Victoria. At sa Itzy naman ay si Yuna.
Pasensya na ha? Eto na naman kasi ako sa pagiging KPOP fan ko na bukambibig ko na araw-araw eh. Wala kasi akong mapagsabihan nito bukod sa aking sarili eh.
Ano ba naman kasi? Lagi ko nalang bukambibig daw ang KPOP na yan. Eh 23 na ako bakit di pa daw ako maghanap ng jowa ko? Gagi meron ba yun? Yung babae na ang naghahanap kaysa sa lalaki? Remember, don't chase the prize, be the prize ika nga. Pinagmadali ba naman ako hay naku...
Pati daw sina Sitty at Keanna, na sya lang naman na naging sandalan ko sa hirap at ginhawa, ay naririndang din sa KPOP ko. Ano ba yan? Akala ko ba friends forever?
Baka ikaw ha? Marindang ka rin.
Eh eto lang naman ang nagpapasaya sa akin eh...
Oh eto may tumatawag sa akin. Masagot ko muna ha?
"Hello?"
"Hey bessy. Nasaan ka?" Keanna
"Nandito sa bahay bakit?"
"Hay naku. Nakatambay ka na naman dyan ha? Dyan sa KPOP mo?" Keanna
"Eh anong magagawa ko? Pag naboboring ako, eto ginagawa ko. Pag malungkot ako, eto tinitingnan ko."
"Tama na. Naririndang na ako talaga as in..." Keanna
Eto na naman sya...
"Pumunta ka dito muna saglit. May ipapakilala ako sa'yo." Keanna
"Ayoko nang pumunta dyan. Nakakasayang ng pamasahe eh."
"Sige. Eto search mo nalang sa fb ang pangalan nya." Keanna
"Ayan na naman tayo eh. Isesearch ko ang pangalan nya tapos di ko naman matitipuhan."
"Eh kasi nga mala-KPOP standards yang standards mo sa isang lalaki eh. Pwede ba bessy kahit kaunti lang? Pakibawas-bawasan mo yang mga standards mo. Ang taas kasi eh hindi maabot." Keanna
"I don't care bessy. If they are not within my standards, then they are not my type at all okay?"
"Sige. Pero bessy, tingnan mo muna ha? Nirerecommend ko sya talaga sa'yo promise." Keanna
"Promise mo yan ha? Siguraduhin mong gwapo yan at papasa sa standards ko. Kung hindi..."
"Oo na bessy. Kahit hindi sya pumasa sa standards mo, piliin mo pa rin sya ha?" Keanna
"Bakit ko naman pipiliin to ha? Sino ba talaga to ha?"
"Si Kuya." Keanna
"Yah. Nahihibang ka na ba ha? Yung kuya mong masungit at antipatiko. Yung kuya mong bumabasag ng ilang libong puso ng mga babae. Yun ba yun ha?"
"Babaguhin natin si Kuya para sa'yo bessy. 26 na sya at lonely pa rin sya sa buhay eh. May umaaligid kasi sa kanya na babae pero di nya rin natitipuhan. And I admit, napakasama nyang babae." Keanna
"Yah judgemental mo talaga. Bakit mo naman pinagsasalitaan ng masama ang babaeng pumapatol sa kuya mo ha?"
"Ang habol nya lang ay pera sa family namin, Bee. Alam mo naman na si Kuya ang may-ari ng pinakatanyag na IT sa bansa. At yun ang habol nya sa kuya ko. Kaya please, Bee. Gawin mo naman to hindi lang para sa akin, kundi pati na rin kay Kuya at sa buong angkan ko." Keanna
Ano ako? Angel with a mission? Pero kahit naman siguro sinong tao dyan di rin gusto na hahabulin sila ng tao nang dahil sa pera diba? Kaya...
"Fine. Tutulungan kita. Ano nga ang pangalan ng kuya mo sa fb?"
"Kevin Zed Demaculata Lopez. As in K-E-V-I-N Z-E-D D-E-M-A-C-U-L-A-T-A L-O-P-E-Z okay?" Keanna
"Ok. I get it."
"Good luck bessy. I'll set you up a date with Kuya soon. Sana nga ay pumayag sya huhuhu. Thank you bessy ha? For helping me. I will owe you always for that." Keanna
"Sige. Burger lang tsaka fries ha? Tapos chicken buffalo. Favorite ko kasi yan eh."
"You got it." Keanna
Saka nya na pinatay ang phone...
Kevin Zed Demaculata Lopez...
Ang pinaka-antipatikong lalaki na nakilala ko.
Bukod sa arrogante ay napakapihikan nya pa pagdating sa babae. Gusto nya daw yung hindi malandi. At yung hindi daw mukhang uod na nilagyan ng asin kung tumawa. Gusto nya daw yung walang arte sa katawan.
Aba baliw yun ah. Tapos irereto pa sya sa akin? Nahihibang na siguro ang mga barkada ko. Mukhang wala na silang magawa sa buhay nila eh.
Kawawa naman ako nito...
WELL, LET OUR STORY BEGIN 🇰🇷💖
PLEASE CATCH UP TO MY FOLLOWING STORIES:
📌 Suho and Jisoo Love Story BE MINE
📌 BOYFRIENDS NEXT DOOR
📌 SWAY (BTS Jin and Blackpink Jisoo)
📌 Kai and Jennie Love Story CAN WE LOVE AGAIN
📌 GIVE ME A SIGN
📌 IRIS (EXO Xiumin and Twice Mina)
📌 Chanyeol and Rose Love Story WE DO FIT TOGETHER
📌 Sehun and Lisa Love Story I'VE LOVED YOU
📌 BEAUTY AND MADNESS (BTS Jimin and Blackpink Rose)
📌 CATCH ME I'M FALLIN' (EXO Suho and Red Velvet Irene)
📌 THAT THING I CALLED FOREVER (EXO Baekhyun and SNSD Taeyeon)
📌 I LIKE YOU THE BEST (SHINee Minho and EXO Baekhyun)
📌 THOUGHTS OF BEING ME
📌 TEAM BELLISIMA
📌 PAST PRESENT PERFECT TENSE
📌 PRETTY BEAUTIFUL YOUPS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
Hope you will love it guys 😁💓
- Hey I'm Charlie 🌈
YOU ARE READING
MAKE THAT HEART THROB 💓
FanfictionA woman who is a big fangirl of KPOP had been challenged of her friends to fall in love with her friend's older brother and had a worse past with a KPOP fangirl as well. The man had been challenged to make that fangirl fall in love after his younger...