CHAPTER 8: FINDING GF

1 0 0
                                    

*****KEVIN ZED POV*****

Nandito na kami ngayon ni Wendell sa bar na palagi nyang pinupuntahan. Wow kaya pala ang dami-daming tao dito kasi napakaganda din pala ng bar...

Ngayon palang ako naka appreciate ng bar, kaya pa di na ako nag-atubili pa na pumasok sa bar pagyaya ni Wendell sa akin...

Pagdating namin sa loob, ang dami-dami nang babae na nagsasayawan at nakikipagharutan na sa iba't-ibang lalaki na matitipuhan nila. Kaya ayaw ko na pumunta sa mga bar eh. Nang dahil sa mga babaeng ito na ubod ng landi...

Pero wala akong magagawa. Kailangan ko tong gawin. Or else yung KPOPers na yun ang mapapangasawa ko. Or else si Jaycelle. Jaycelle is a nice girl, pero aanhin ko naman kung hindi pabor yung Amazona kong kapatid sa kanya diba? Ayoko din naman na hindi magkakasundo sina Keanna at ang mapapangasawa ko soon. Or else riot lagi sa bahay...

"Doon tayo tumambay sa may counter. Wala pa namang chicks eh." Wendell

"Sige. Pagod na rin ako kakatayo dito eh."

"Sige." Wendell

At napagkasunduan na din namin na pumunta dun sa counter upang doon pumwesto. At syempre, dahil may mga nagsasayawan sa gitna ng dancefloor papunta sa counter, ay napilitan na din kaming gumiling habang naglalakad. Bilang parte na din ng kung anumang pumasok sa isip ng magaling kong kaibigan at naggiling-giling pa sya sa gitna. May balak ata magpaakit ng chicks to kaagad eh...

May mga nakakabangga din ako na ibang nagsasayawan, pero ningingitian ko lang sila at iniiwasan ng tingin. Mahirap na at dayo lang ako dito. Baka mapag-initan pa ako ng mga to. Lalo na at hindi din naman sila sasayaw kapag hindi nakainom diba?..

Ayoko magsayang dito ng energy para sa walang kwentang mga bagay. Nandito ako kasi may plano ako...

Nang nakaupo na kami sa counter,..

"Hay salamat at nakaabot na din. Grabe ganito ba talaga kadami ang mga tao dito gabi-gabi ha?"

"Siguro. Madami naman talagang tao na pumupunta dito eh. Ganito nga din kami kadami nun eh. Nung huli kong punta dito." Wendell

"So ano na ang gagawin natin ngayon?"

"So, hindi kaagad lalapit ang mga chicks na yan kapag hindi ka pa nakakatikim ng mga inumin nila dito." Wendell

"Required ba yun? Baka naman pupuntahan ka lang ng mga chicks na yan kapag matipuhan ka nila eh. Baka nga hindi nga ako nila matipuhan ngayon eh."

"Dude, wala ka bang tiwala sa sarili mo ha? Look at you. Gwapo ka naturally. Diba? Sino ba namang chicks ang hindi makakatipo sa'yo nyan diba? Eh kung ganyan lang din naman na wala kang tiwala sa sarili mo, edi pwede na tayong umalis ngayon at umuwi nalang kung gusto mo." Wendell

"Hindi. Oorder nalang ako. Waiter?"

"Yes sir?" Waiter

"Ano ba yung pinakamagandang inumin nyo dito sa bar? Yung hindi lang sana nakakalasing ha? May sasakyan pa kasi ako na dadalhin pauwi eh."

"Ano po type nyo sir? Beer o wine?" Waiter

"Ah. Lame naman nyan. Sige yung pinakamagandang inumin nyo nalang dyan. Isang baso nga. Kahit nakakalasing sige nalang."

"Opo sir." Waiter

Saka na kumuha ang waiter ng maiinom ko. Habang si Wendell...

"Kuya, yung usual ko ha? Yun nalang yung akin." Wendell

"Ok po." Waiter

"Ano ba namang taste nyan? Andito ka nga sa bar upang magpakalasing tayo beer o wine lang ang preference mo?" Wendell

"Sino ba ang nagsabi sa'yo na pumunta ako ng bar upang magpakalasing ha? Nandito ako para makahanap ng chicks na ipapakilala ko kay Keanna okay? Ngayon, hanapan mo na ako ng chicks dyan na maganda habang wala pa ang mga drinks natin."

"Hayst ako na naman ang pinahanap nya. Hay naku..." Wendell

Maya-maya...

"Eto na po sir ang mga drinks nyo. May honey po yang drinks nyo sir kaya hindi po kayo gaanong malalasing nyan. At eto na din po ang usual nyo sir. Tequila with more ice and lemon." Waiter

"Thank you. Record time ah? Good job." Wendell

"Nagdodouble time lang po." Waiter

"Thank you so much."

"You're welcome po sir." Waiter

Saka na may inasikaso na ibang customer ang waiter. Habang napatingin naman ako kay Wendell habang iniinom nya na ang tequila nya...

"Ah kaya pala para kang timang kung magtrabaho ka eh tequila pala ang tinitira mo ha?"

"Mild lang naman eh. Mild lang naman yung effects nya kapag malamig. At kapag may lemon. Pero taray ha? Never pa akong nakatikim nang drinks mo. Tara tikman mo tong tequila oh. Palit tayo." Wendell

Kukunin na sana ni Wendell ang drinks ko kapalit ng drinks nya pero mabilis ko tong iniwas sa kanya...

"Wag na. Baka mamaya malakas ang tama ko dyan eh hindi na ako mapakinabangan pa pagkakinabukasan."

"Damot eh. Porke marami kang pera dyan." Wendell

"Tahimik. Hindi ako nandito upang-"

"Ayun! Chicks!" Wendell

Napatingin ako kay Wendell at tsaka na namin nakita ang grupo ng mga kababaihan na kakadating lang sa bar. Wow maganda nga ah. At tipo din ni Wendell. Pwede na rin...

"Tara puntahan na natin." Wendell

"Goods."

Saka na namin sila pinuntahan ni Wendell. Malay natin dito ko pala mahahanap ang babaeng ipapakilala ko kay Keanna at dad...

At pag ganun na nga, hindi ko na kakailangan pa ang babaeng KPOPers na yun. Sana nga. Sana nga talaga...

AUTHOR'S NOTE:

"Hi everyone. This is Hey I'm Charlie speaking. I would like to thank all of you (the readers of this story) for having 50+ reads of my story. I believe there is still a long way to go for me but I believe that this is still a milestone for me. I will promise that I will appreciate every readers of the story and feel free to vote and share it to your friends. Feel free to have a convo with me guys. Again, thank you and God bless 😊"
     - Hey I'm Charlie 🌈

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

MAKE THAT HEART THROB 💓Where stories live. Discover now