CHAPTER 7: HELP ME

1 0 0
                                    

*****KEVIN ZED POV*****

"Are you crazy? Bakit mo sinabi yun ha?"

Kasalukuyan kaming nagkakaroon ng masinsinang usapan ni Keanna. Actually hindi sya isang masinsinang usapan, isa syang malaking confrontation...

"I'm just saving you from hell Kuya. Can't you thank me for doing that?" Keanna

"But that hell makes your life at stake. Alam mo ba kung gaano kahirap ang mamuhay nang mag-isa ngayon ha? Without parents or family to help you?"

"Kuya, itataya ko ang lahat wag ka lang mapalapit dun sa babaeng yun." Keanna

"Keanna, you are way better than this."

"I am way better than this Kuya." Keanna

"Zane, hindi mo to kailangang gawin para sa akin."

"Edi ikaw ang gumawa." Keanna

Gumawa? Gumawa ng ano?..

"Ha?"

"Date my friend Honey Bee Elizante. Please maawa ka na sa akin oh. Maawa ka sa kanya. Maawa ka sa sarili mo Kuya." Keanna

"What the...ayoko! Idate ko lang ang lahat wag lang ang babaeng yun."

"Ok. Then who do you want to date? Sige nga Kuya. Sabihin mo nga." Keanna

And that's where I stopped. Hindi ko alam kung sino ang idedate ko...

Pero kailangan kong mag-isip. Hindi pwede na mapahiya ako sa kapatid ko. Baka magkalulong na at yung babaeng kpopers pa ang matagpuan ko...

"I'll find. I'll find someone except for that friend of yours. Ayoko sa kanya. Ayoko."

"Ok. Then who do you think would like to have a date with you? With that temper and attitude of yours, hahaha I bet na walang sinumang babae ang magtatangkang lapitan ka Kuya." Keanna

Just watch and see. Makakahanap din ako ng makakadate ko. Just watch and see, my sister. I'll save you from this mess that you've made...

*****

"Ano dude? Pinapatulong mo ako sa paghahanap ng kadate mo?"

Kasalukuyan kong kausap ngayon si Wendell Angelo Dawkins, my half-American best bestfriend/secretary/kabardagulan sa buhay. He was the one who understands my attitude and he was the only one whom I can trust the most. That's why I asked him for a favor like this...

"Bingi ka ba? I asked you already today for like so many times tapos ginagawa mo lang akong sirang-plaka dahil sa ginagawa mo."

"Eto naman. Nagagalit ka kaagad. Nakakagulat naman talaga kasi eh. All of a sudden nagpapahanap ka sa akin ng kadate mo tapos dati sasabihin mo sa akin na wala kang time na makipag-date." Wendell

"Well, ngayon meron na akong time na makipagdate. Hindi ka ba masaya para dun?"

"You're odd." Wendell

"Tol tulungan mo na kasi ako. Gustong-gusto ko na makipagdate na kaagad."

"Eh bakit nagpapatulong ka sa akin? Ano ba ang date na to para sa'yo? Free tasting lang ganun?" Wendell

"Eh bakit? Ganyan ka din naman ah. Kung sino-sino na nga lang ang nilalabas mo sa bar gabi-gabi eh."

"Well, dati pa yun. Ngayon hindi na kasi nagstop na ako. At isa pa, sino naman ang ipapakilala ko sa'yo eh wala na din naman akong mga access sa babae? Ba't yung kapatid mo nalang na laking Amazona ang tanungin mo? Madami namang mga kaibigang babae yun ah?" Wendell

"I don't know. Bad idea kasi na magtanong ako sa kanya eh. Alam mo naman siguro yung ugali ng kapatid ko diba?"

"Hayst. Ok. I'll hook you up. Sumama ka sa akin sa bar mamaya. Utang mo to sa akin ha?" Wendell

"Yes! Thank God. Thank God at makakatulong ka rin."

Saka na sya umalis. Yes! Step #1 success!..

Now I just need to prepare myself. Ngayon lang ako susubok na makipagdate, kaya gagawin ko ang lahat magtagumpay lang ako sa mga plano ko...

*****HONEY BEE POV*****

"Damn it! Hayst! Si Kuya kasi eh!!!"

Nakailang tubig na may yelo na si Keanna. Halatang problemado na problemado si Keanna sa Kuya nya kasi pati yelo kinakain nya na...

Hayst bakit pa kasi ako ang niyayaya nya na makipagdate sa Kuya nya eh halatang-halata naman na hindi kami nagkakasundo ng Kuya nya? At kahit hindi na sabihin pa, hinding-hindi na talaga kami magkakasundo ng Kuya nya forever...

"Bakit ba kasi pissed off na pissed off ka sa Jaycelle na yun? Wala naman ginagawang masama sa'yo yung tao eh..." Sitty

"Wala?! Ha! Kung makikita nyo lang talaga ang araw-araw nyang pagpapapapel sa pamilya ko lalo na sa Daddy ko, naku kukulo at kukulo lang talaga ang dugo mo kakatingin sa kanya. Alam nya naman na kay Kuya Kevin sya ikakasal eh doon sya lumalapit kay Daddy? Ano yun? Nepotism lang ganun?" Keanna

Wala na akong naiintindihan sa sinasabi nya ngayon. Wala akong naririnig. Hinding-hindi ako magsasalita...

"Kaya naman bess, hindi naman mahirap mahalin ang Kuya ko eh. Kung may issue kayo sa isa't-isa tungkol sa pagiging kpopers mo, well maaayos naman natin yan sa isang mabuting usapan. Either tatanggapin ka nya or iiwanan mo na ng husto ang pagiging kpop delulu mo." Keanna

What?! No! It can't be! Iwanan ko lang ang lahat wag lang ang kpop ko. Ang tanging bumubuhay sa puso ko! Ang tanging kasiyahan ko!..

Masira nang lahat, wag lang ang KPOP ko!!!

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

MAKE THAT HEART THROB 💓Where stories live. Discover now