CHAPTER 3: AWKWARD DATE

3 1 0
                                    

*****HONEY BEE POV*****

Oh sh*t eto na nga sya. Ang lalaking sisira ng buong pagkatao ko.

Hindi talaga ako makagalaw nang umupo na sya sa harapan ko. Pakiramdam ko bawat sasabihin ko, kailangan ko munang kontrolin at pag-isipan bago ko sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin.

"Mag-oorder na ako? Ikaw, nag-order ka na ba?" Kevin

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi din ako makapagsalita sa harapan ko. Parang feeling ko kung anuman ang masabi ko ngayon sa harapan nya, parang ito ang makakapag-unlock ng demonyitong powers nya eh.

"Bee, kinakausap kita. Nag-order ka na ba o hindi na?" Kevin Zed

Yah. Is this real? Tinawag nya akong be? As in bebeloves.

"Yah Bee!" Kevin Zed

Saka nya hinampas ang mesa nang pagkalakas-lakas. Akala ko nga ay nabasag na yung glass sa hampas nya eh. Akala ko talaga ay babayaran na namin yun. Napatingin naman ang ibang tao dun sa amin kaya naman ako nalang ang humingi ng dispensa dahil sa mismong katangahan ko.

"Pasensya na. Kinokontrol ko lang kasi ang sarili ko eh."

"Kinokontrol? Kinokontrol tungkol sa ano?" Kevin Zed

Bwiset. Nananadya ba to o nangtitrip? Alam nya naman na alam ko din na ayaw na ayaw nya kapag nagsasalita ako tungkol sa KPOP diba? Nagka-amnesia kaya tong kumag na unanong ito? Oo. Unano nga sya. Kasi kung makaasta sya akala mo eh pagkatangkad-tangkad na eh. Pfft...

"Wala. Naka-order na ako."

"Naka-order ka na?" Kevin Zed

"Oo."

"Eh nasaan na yung inorder mo?" Kevin Zed

Agad akong napatingin sa mesa ko, at nakita ko lang dun ay ang isang basong tubig na may bawas pa.

Piste ano naman yung inorder ko eh hindi pa nga ako naka-order kanina b*ba!

"Eto. Yung tubig na to. Tag-piso lang naman to sa dispenser eh kaya ito nalang yung inorder ko."

Saka ko tinuro ang tubig na nakita ko kanina. Pero bigla nalang napa-face palm itong kasama ko. Uh-oh...

Lumalabas na yung dragon OMG!

"Miss, ang ibig kong sabihin na order mo ay pagkain. Ano ba ang sinasabi mo na tubig at dispenser dyan eh wala namang dispenser dito?" Kevin Zed

Saka ako napatingin sa paligid ko. Tanga wala palang dispenser na nakalagay dito. Bwiset kahit kailan talaga ay napakab*ba kong kausap.

Bwiset ka Kevin Zed. Kasalanan mo ang lahat ng to eh...

"Order what you want. Mag-ccr lang ako."

Saka na akong umalis na parang walang nangyaring kabobohan sa araw na ito...

"Sandali yung order mo! Haynaku!" Kevin Zed

Hindi ko na sya pinansin. T*ngina parang gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon din.

Pagpasok ko sa cr, doon na ako naghilamos at naghilamos ng mukha ko. Alam kong burang-bura na ang make-up ko ngayon at alam ko din na litaw na litaw na talaga ang pores ko. Pero sige lang. Baka sakali lang naman na maibsan ang kab*bohan na nananalaytay sa katawan ko ngayon.

Pagkatapos kong maghilamos ay napatingin ako sa salamin ng banyo. At kahit kailan talaga narerealize ko na ang pangit-pangit ko talaga kapag walang make-up...

Syempre charr lang. Artista lang yung maganda kahit walang make-up diba?

Napaisip nga ako. Tama ba itong ginagawa ko? Bakit feeling ko parang salungat talaga ang takbo ng mundo ngayon?

Naalala ko pa nga grabe ang galit sa akin ng mokong na yun kapag ako ang bida sa usapan naming magkakaibigan pag KPOP na yung pinag-uusapan eh. Medyo natakot ako dun dahil sa kanya, at hanggang ngayon ay baon ko pa rin ang takot na yun habang kaharap ko sya.

Gusto ko sanang tawagan si Keanna ngayon. Kaso baka ano pa ang sabihin sa akin nun at iisipin nya naman na KPOP na naman ang bukambibig ko sa kuya nya.

Si Sitty sana. Kaso wala naman syang pakialam dito sa eksenang ito. Kaya hindi ko nalang din sya bibigyan ng exposure sa chapter na to.

Hayst parang gusto ko nalang na manatili dito. Mabuti pa dito, walang tao na manghuhusga sa'yo.

Maya-maya ay naramdaman ko na parang pinipilit na buksan ang pinto ng cr. Shet nakandado ko pala yun nang wala sa oras. Kaya naman napapunta ako sa pinto ng cr at nagsabing...

"Sandali lang! Okay lang ako!"

Saka ko binuksan ang cr mula sa loob at nang pagbukas ko, nagulat ako na may mga rescuer na nakatingin sa akin. Nakita ko din na may ambulance sa labas at nakita ko si Kevin Zed na alalang-alala sa akin. Jusko anong ginagawa ng mokong na yan dito?

"Teka. Anong ginagawa nyo? Bakit may mga rescuer dito? Anong nangyayari?"

"Tinawagan po kami ni Sir Zed at ng waitress ng restaurant dito. Kasi po namumutla ka daw po kanina pagpasok nyo sa cr. Akala po nila may nangyari pong masama sa inyo dyan sa loob kaya naman nagbaka-sakali po kami na puntahan at tulungan kayo." Rescuer

ANO?! NAPAANO DAW AKO SABI NILA?!!!!!!

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

AUTHOR'S NOTE: Please be my companion as I celebrate my 1st Anniversary on Wattpad as Hey I'm Charlie 🌈, the author being this story and other stories behind my name. 💖 03/25 is the day. 🎂🎉💐😇

MAKE THAT HEART THROB 💓Where stories live. Discover now