CHAPTER 4: CLUELESS HER

1 0 0
                                    

*****HONEY BEE POV*****

Agad kaming umalis sa restaurant na yun. False alarm lang ang nangyari at dahil na rin sa kahihiyang ginawa namin dun sa restaurant ay nagpasya nalang kami na umalis dun bilang dispensa na rin sa mga empleyado ng restaurant at mga rescuers na tinawag pa ng mokong na ito kanina.

Pero bakit? Bakit sya nag-aalala sa akin kanina ha? Bakit?

"Wag mo akong tingnan. At baka malusaw ako." Kevin Zed

"A-assuming."

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Di ko pala namalayan na nakatingin pala ako sa kanya kanina pa. B*ba.

"So ngayon, saan mo ba balak pumunta ha? May gusto ka bang puntahan ngayon? My treat." Kevin Zed

Treat mo mukha mo. Eh kinabahan din ako kanina sa ginawa mo eh. Bahala ka dyan. Manigas ka dyan.

"Look, it should be a date at dapat nakikipag-usap ka sa akin ngayon. Ginagawa ko lang to upang tantanan na ako ni Keanna which happens to be your bestfriend as well. Kaya naman, makipag-cooperate ka sa akin please? Kanina ka pa eh..." Kevin Zed

Eto na naman at nagagalit na naman sya. Kaya ayoko nang magsalita eh. Kasi kapag magsalita ako, parang tinutulak ko na din ang sarili ko sa sariling kong kapahamakan eh.

"Wala. Wala lang ako sa mood."

"Ha. Nakikipagdate ka ba sa akin ngayon kahit wala ka sa mood? Alam mo bang pwede mong maihawa yang mood mo sa ibang tao na kasama mo ha? Ang laki din yan ng epekto sa ibang kasama mo, alam mo ba yun ha?" Kevin Zed

Oo. Alam ko. Alam na alam ko.

"No. This won't do. Kailangan mong matakot." Kevin Zed

"Ha?"

"We'll go somewhere. Tara at samahan mo ako." Kevin Zed

"Teka. Eh saan naman tayo..."

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla nya nalang akong hinatak. Eh ang lakas-lakas nya eh tapos wala pa ako sa mood na maglakad.

Oo. Kahit na unano sya ay malakas pa rin ang biceps nya. Kaya naman mapapahatak ka nalang talaga ng biglaan kahit labag sa will mo ang pupuntahan nyong dalawa.

Teka. Eh saan ba talaga kami pupunta ngayon?

Naramdaman ko nalang na isinakay nya ako sa kotse nya sa passenger's seat. Saka din naman sya sumakay sa driver's seat at agad na pinaharurot ang sasakyan. Alam kong malayo-layo ang pupuntahan namin ngayon.

At alam kong hinding-hindi ko magugustuhan ang lugar na pupuntahan namin.

*****

Teka? Sky Tower. Teka!

Eh eto ang isa sa mga pinaka-main attraction ng lugar namin ah. Pero paano na nagka-access sya dito eh mga yayamanin lang ang nakakapunta dito?

Oo nga pala. May kaya nga diba?...

Literal na napanganga talaga ako sa ganda ng Sky Tower kasi ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Pero itong kasama ko, parang wala lang sa kanya ang pinuntahan namin. Siguro nga naman, ilang beses na syang pumupunta dito kasama ang mga naging girlfriend nya. Kaya naman parang wala lang sa kanya na pumunta kami dito. Teka bakit ko ba iniisip yun ha?

Pagdating namin sa taas, kinilabutan ako. Akalain mo namang 123 yung floor dito sa Sky Tower tapos wala pa kami sa kalahati ng tower ay ang taas-taas na. May fear pa naman ako sa heights.

Pero dapat ay maging professional ako. Ayokong ipakita kay Kevin na natatakot ako. At baka kung ano na naman ang sabihin nya sa akin.

"This place is so good. Akalain mong may pinatayo talaga silang Sky Tower dito." Kevin Zed

Bwiset ka. Pasalamat ka at takot na takot akong gumalaw ngayon. Kung hindi ay naihulog na kita dyan sa baba.

"Honey Bee Miranda Elizante, himalang hindi ka nagko-Korean ngayon ha?" Kevin Zed

Agad na inalalayan nya ako papunta sa gitna ng Sky Tower. Agad ko namang tinapik ang kamay nya sabay sabing...

"Hindi ako takot."

"Hindi ka takot?" Kevin Zed

"Oo."

"Eh bakit hindi ka dyan makagalaw kanina pa? Hindi daw takot eh." Kevin Zed

"Paki mo dun."

"Well, kung hindi ka takot, gusto mo bang umakyat tayo sa pinaka-top floor?" Kevin Zed

Top floor?! Jusko miyo!

"Wag na. Mas maganda na dito eh. Baka sumayad na yung clouds sa ulo ko dun eh."

Agad naman syang napangiti. Bwiset na ngiti yan akala mo naman gwapong-gwapo eh...

Well...

"Takot ka lang. Ayaw mo pang magsabi." Kevin Zed

"Eh bakit ikaw? Bakit hindi ka na natatakot na pumunta dito? Dahil ba madami ka nang dinalang babae dito ha? Dahil ba nasanay ka na ha?" Kevin Zed

"Nasanay? Eh wala naman akong dinadalang babae dito ha?" Kevin Zed

"Sus ayaw mo lang aminin eh. Bakit? Sila ba ang nang-iwan sa'yo ha? Sila ba?"

"Hindi. Sadyang wala lang talaga ako time na makipagdate." Kevin Zed

"Ha? Dahil ba sa trabaho mo?"

"Hindi." Kevin Zed

"Eh bakit?"

"Sinaktan ako." Kevin Zed

"Sinaktan?"

"Oo. Sinaktan ako ng isang KPOP fan na kagaya mo." Kevin Zed

"Ano?!"

Di ko masink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi nya. Ano? Literal na may galit talaga sya sa aming mga KPOP fan kaya ganito sya sa akin?!

OMG! Oh my gosh!

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

MAKE THAT HEART THROB 💓Where stories live. Discover now