*****HONEY BEE POV*****
Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi ito isang magandang ideya...
"Mga bessy. Bakit ba tayo andito? Baka mamaya eh mapagalitan ako nito eh."
"Kaya nga tayo andito diba? Don't worry. Ipinaalam ka na namin kay mama at papa mo kaya safe na safe ka na sa amin ngayon." Keanna
"Eh ayaw ko ba naman na pumunta dito kasi hindi ako naglalasing."
"One time lang naman eh. Tsaka mas mabuti na ngang ganito tayo eh kaysa naman puro ka nalang KPOP dyan. Eh hello, matanda na tayo noh? Para nalang yan sa mga immature ang KPOP² na yan." Keanna
Medyo nasaktan ako dun sa pagkakasabi nun ni Keanna. Palibhasa kasi hindi nyo ako naiintindihan eh. Sinubukan kong balingan ng tingin si Sitty pero...
"Ewan ko din bess. Bigla nalang syang nagyaya na pumunta dito eh. Di ko din alam kung bakit." Sitty
Hay naku. Wala din naman pala akong magagawa nito eh. Eh wala rin namang pagtanggi itong isang to. Sabay din sa flow kung minsan kasi si Keanna talaga yung tagaplano ng group namin. Kaya wala na din akong nagawa kundi ang sumang-ayon ng sapilitan sa kanila. Pero mamaya...
"Teka. May nasisiplatan ako ah." Keanna
Sinubukan naming tingnan ni Sitty ang tinuturo nya sa may gitna ng dancefloor. Pero wala talaga kaming nakikita eh. Eto talaga si Keanna eh, namumulat-mulatan lang sa kakatitig sa dancing lights eh nanlalabo na kaagad ang mga mata...
"Ano? Eh wala naman kaming nakikita bessy eh." Sitty
"Naku bessy pag ito talaga isa lang sa mga pakulo mo, pasasabugin ko talaga yang-"
"Si Kuya! Oo! Si Kuya nga! Ah. Kaya pala nagpaalam sya ng biglaan at walang dahilan kina Mama at Papa eh dito pala ang punta nya ha?" Keanna
Saka namin tiningnan ng maigi yung totoong tinuturo ni Keanna sa gitna ng dancefloor. At totoo nga. Andun nga talaga ang Kuya nya, nakikipagsayawan sa isang hot chick. Hahaha ano ba namang klaseng sayaw yan? Eh disco tapos yung kamay lang at paa ang sumasayaw. Kahit di ko man nakikita ang paa nya ay halatang-halata ko pa rin yun. Ikaw ba naman ay maging isang secret critic ng mga dancers sa KPOP na bawat galaw at synchronization ng galaw nila ay kitang-kita mo. Hahaha si Honey Bee Miranda Elizante ba naman to hahaha...
At yung mukha ng babae hahaha hindi naman hot chick yan eh. Siguro nga may perfect syang katawan at sexy pa sya manamit, pero puno ng kolorete ang mukha. Hahaha hindi pa naman Oktubre ah bakit may Maskara Festival na kaagad dito ha? Hahaha...
"Ah chaka ng ghurl. Puno ng semento ang mukha." Keanna
"Semento? What do you mean?" Sitty
"Foundation b*ba. Foundation is made of cement, you know." Keanna
"And steel too, you know." Sitty
"Steel hahahaha kasingtigas at kasingkapal nga ng bakal yung kolorete nya sa mukha eh ahahhaa. Oh? Ano pa ang hinihintay mo ha? Hihintayin mo pa talaga na ipagtulakan ka namin dun bago mo lapitan ang kapatid ko ha?" Keanna
"Ano?! Ayoko kaya! Bakit naman ako lalapit dun ah? Kita mo naman may kasayaw na iba yung kapatid mo eh."
"Eh wala namang kaso dun eh. Mas maganda ka pa nga dun kaysa sa babaeng yun eh. Light makeup na nga yang gamit mo eh maganda ka na." Keanna
"Ayoko pa rin! Hintayin nalang natin na bumalik sila dito. O pwede namang mauna na tayong umalis dito tutal wala din naman akong maisipan na gagawin dito. Tara na nga. Nakakabagot na dito eh."
Hinatak ko na sina Keanna at Sitty na umalis pero mas malakas pa rin ang hatak ni Keanna sa amin ni Sitty at tuluyan na nya kaming dinala patungo sa gitna ng dancefloor...
Ugh Keanna! Napakawalang hiya mo talaga!!!..
*****KEVIN ZED POV*****
Heto na ako at nakikipagsayawan na sa sinumang babae na nasa harapan ko ngayon. Pagkatapos naming mag-usap sa kanilang mesa, patuloy pa rin ang pagbibigay nya ng inumin sa akin. Paulit-ulit akong tumanggi sa kanya pero nang tiningnan ko si Wendell ay lulong na lulong na rin ito sa mga babaeng nasa tabi nya. Sinenyasan nya pa ako na wag ko nang tanggihan pa ang inumin na inaalok sa akin kaya wala na rin akong nagawa kundi ang inumin yun. Wala man lang malasakit sa kaibigan nya. Walang hiya...
Hanggang sa hinatak na ako ng babae sa gitna ng dancefloor. Hindi na rin ako pinigilan pa ni Wendell na busy pa rin sa mga babae nya, na lalo pa namang ikinainis ko sa kanya. Eh hindi pa naman ako marunong sumayaw. Kainis...
Puro padyak lang at galaw ng kamay ang kontribusyon ko sa sayaw namin. Habang ang kasama ko naman ay todo effort sa pagsasayaw, na malandi rin pala kung gumalaw at sumayaw kasi puro kembot at paalog-alog ng katawan. Kaya ayoko na pumupunta dito eh. Nagiging allergic lang ako dito lalo sa lugar na to...
Pero nagulat ako nang may babaeng tumulak sa kasama ko at pumartner na sya sa akin. Pero mas lalo akong nagulat nang nakita ko ang pagmumukha nya...
"Keanna?"
"Surprise, Kuya! I'm back!" Keanna
Jusko miyo. Bakit andito ang kapatid ko ha? Animal...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
MAKE THAT HEART THROB 💓
FanfictionA woman who is a big fangirl of KPOP had been challenged of her friends to fall in love with her friend's older brother and had a worse past with a KPOP fangirl as well. The man had been challenged to make that fangirl fall in love after his younger...