Tula #84

78 4 2
                                    

"Ikaw Ang Paborito Kong Pahina"

Alam kong isang katangahan
Ang pagpipilit kong madungtungan
Ang pag-ibig nating matagal nang winakasan
Kaya kahit malabo ay sinusubukan
Na pagdikitin ang mga napunit na pahina
Kahit hindi alam kung pwede pa ba
Kung matatanggal pa ba
Ang mga sugat at pilat sa ating dalawa
Gayong naglaho na rin ang tiwala
Pero umaasa pa rin ako
Na magkapatawaran tayo
Hindi ko sinasabing ngayon na
Pero baka bukas, samakalawa
O sa mga susunod na taon pa
Tuluyan na nating mapalaya
Ang mga bagaheng nakaimbak
sa puso ng bawat isa

Magkaganoon man, tandaan mong
Ikaw ay mananatiling paboritong
pahina na may espesyal na kabanata
sa libro ng buhay kong may
maraming paksa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon