Tula #36

1.6K 54 13
                                    

"Sugat Ng Kahapon"

Naglalakad ako sa isang iskinita
Di sinasadyang makasalubong ka
Nagtitigan tayo, mata sa mata
Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nating dalawa
Pareho tayong nakikiramdam
Hindi alam kung dapat bang mag-unahan
Pero sa huli kumurba ang labi mo
Pabulong kitang binati at ika'y tumango
Saka muling nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo
Una kang naglakad at nilagpasan ako
Masakit man sa loob tinatagan ko ang sarili ko
Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko
At unti-unting naglakad na taas ang noo

"Mahal, Matuyo man ang luha sa
mga mata ko,
Ang sugat ng kahapon ay mananatiling presko sa puso ko".

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon