"WAKAS"
Saksi ang buwan at mga bituin
noong gabing naging tayo.Ang maliliit na huni ng mga kuliglig
na naging awit ng pag-ibig.Ang malamig na hanging dumadampi
sa balat nating dalawa na pilit
nilalabanan ng init ng ating katawan.At ang malakas na pintig ng puso ko
habang hawak-hawak ang kamay mo.Ikaw ang napakagandang gabi na lagi
kong hinihintay at inaabangan.Pero tulad ng gabi....
Lahat ay lilipas.
Lahat may wakas,
pagsapit ng bagong bukas.-Kuroru
![](https://img.wattpad.com/cover/54626000-288-k969949.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Mga Broken
PoetryInaalay ko ang mga tulang ito para sa mga taong nasaktan, umibig, nasaktan ulit at nawalan na ng pag-asang magmahal muli. Highest Rank: #1 in Mga Tula (12/19/20) #1 in Mga Tula (05/29/20) #3 in Mga Tula (05/26/20)