"Ayoko Ng Maging Matalino"
Sabi nila maswerte raw ako
Naiinggit sila dahil matalino ako
Naiinggit sila sa mga medalya ko
Naiinggit sila sa mga achievements
na natatanggap ko
Pero hindi nila alam na naiinis ako
Sa tuwing naririnig ko iyon sa
kanilang bokabularyoHindi naman ako matalino sa
lahat ng aspeto
Dahil sa larangan ng pag-ibig
ako ang dehado
Nagmumukhang bobo at
inosente masyado
Mas pinaiiral ang puso kaysa
sa sinasabi ng utak koKaya kung may isang bagay man
akong pinagsisisihan
Iyon ay ang pairalin ang aking katangahan
Dahil may mga taong kaya
kang paglaruan
Bubulagin ka ng pag-ibig na
pawang kasinungalinganAyoko ng maging matalino
kahit na kailan
Walang silbi ang utak dahil
puso ang kahinaan
Dahil kung laro ang pag-ibig ako ang
laging talunan.-RoRu
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Mga Broken
PoetryInaalay ko ang mga tulang ito para sa mga taong nasaktan, umibig, nasaktan ulit at nawalan na ng pag-asang magmahal muli. Highest Rank: #1 in Mga Tula (12/19/20) #1 in Mga Tula (05/29/20) #3 in Mga Tula (05/26/20)