Tula #42

1.2K 44 10
                                    

"Ang Daya Mo Kasi Mahal"

Unang araw noong ikaunang buwan
Bandang ala una iyon ng hapon
Tayo ay nagkita sa unang pagkakataon
Doon sa unang kanto pabalik
sa bahay niyo.
Gusto kitang lapitan pero
nag-aalangan ako
Baka kasi may tao ng
nagmamay-ari sayo
Pero matapos ang ilang
segundong titigan,
Ngumiti ka bago muling humakbang.
Gustong-gusto kong itanong ang
iyong pangalan,
Pero dahil sa hiya ay hindi ko
na nagawa,
Ni hindi ko inasahan ang paglapit mo
Nabigla ako at masaya sa ginawa mo
Hanggang sa nauwi ang lahat sa palitan ng pangala't numero.

Simula nung araw na iyon,
Naging sobrang close tayo
Hanggang sa isang araw napagtanto ko,
Na tuluyan na akong nahulog
sa isang tulad mo
Ikalawang araw noong ikalawang buwan
Bandang alas dos ng hapon iyon
Hinintay kita sa dati nating tagpuan
Tatlong libo't anim na raang segundo akong naghintay
Katumbas iyon ng animnapong
minutong pagninilay-nilay
At isang oras na pag-asang pilit
na binubuhay
Pero ba't di ka dumating mahal?
Ang inipon kong lakas ng loob ay unti-unting nawala't namatay
Hanggang sa pati sistema ko ay
tuluyan na ring bumigay
Nagdesisyon akong umalis pero napahinto ako saglit.

Nakita kita na kasama siya
Masaya kayong nagtatawanan sa bawat isa
Habang mga kamay niyo'y pilit
na pinag-iisa
Luha sa mga mata ay nabuo at nagbabadyang tumulo
Mahal, bakit mo ko pinasa't hinayaang mahulog?
Sa bangin ng pag-ibig kung di mo kayang ako'y isagip.
Kung alam ko lang sa umpisa, ako na sana ang dumistansiya.
Kung alam ko lang na kayo na, hindi na sana ako nangulit pa.
Kung alam ko lang mahal, edi sana hindi na dumating sa punto na kita ay minahal.

Mahal,
Una tayong nagkakilala
Sadyang madaya lang talaga siya
Para unahan ako pagdating sayo
Pero sana wag mong ibigay ang pag-ibig mo ng buo
Baka kasi dumating yung punto na
siya ay magloko
At baka sa araw na iyon, hindi na
kita masasalo
Ang daya mo kasi mahal!

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon