"KUMUSTA ka na, Celine?"
Tumigil si Celine sa pagsubo nang marinig ang tanong na iyon ni Ethan. Nasa isang restaurant sila dahil doon siya pilit na dinala nito.
Ibinaba niya ang kubyertos bago ito muling binalingan. "Okay naman. Buhay pa at masaya naman." sagot niya.
Tumango-tango ito. "Wala na kasi kaming narinig na balita sa'yo simula no'ng umalis kaming lahat. It's been already five years kaya natutuwa ako na nakita uli kita." sinserong sabi nito.
"Naging busy kasi ako sa paghahanap ng trabaho. Hindi ko na rin masyadong nabubuksan iyong email ko. Pati facebook at twitter, minsan ko na lang buksan kaya tahimik ang mundo." kibit-balikat na aniya. Hindi niya maaaring sabihin dito na hindi talaga siya nagtatangkang puntahan ang mga accounts nito sa facebook at twitter dahil gusto na niyang kalimutan ito.
Na hindi mo naman nagawa, 'di ba?
Shut up!
"Ano na nga ba ang trabaho mo ngayon?" puno ng kyuryosidad na tanong nito sa kanya.
"Teacher na ko. Then part-time photographer at freelance writer."
"Hindi mo pa rin pala sinusukuan ang pagiging writer ha? Iyon lang yata ang alam namin tungkol sa'yo dahil kumpleto kami ng mga sinulat mong nobela, Miss Sunshine Elise."
Nagulat siya. "Talaga?" hindi mahilig magbasa ng mga tagalog romance books ang mga ito kaya naman talagang nagulat siya na kumpleto ang mga ito ng mga na-publish na niyang libro.
Natawa ito dahil sa reaksiyon niya. "Oo naman. Nakalimutan mo na bang magkaibigan tayo? Syempre suportado ka namin. We're proud of you."
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. "Salamat." Natutuwa siyang malaman na sinusuportahan siya ng mga ito kahit na malayo siya sa mga ito. Parang may kamay na humaplos sa puso niya dahil sa kabila nang mga nangyari noon ay hindi siya kinalimutan ng mga kaibigan niya at proud pa ang mga ito sa narating niya.
Nang matapos silang kumain ay hinatid siya nito sa apartment niya. Nalaman niyang malapit lang pala doon ang condo unit nito at ng mga kaibigan nito. "You mean, magkakasama kayo sa isang building?"
"Yes. Magkakatabi lang ang mga unit namin."
Napailing-iling siya. "Ayaw n'yo talagang magkahiwa-hiwalay 'no? Hindi naman tumutol ang mommy mo?" mahal na mahal kasi ito ng mommy nito at ayaw ni Tita Grace nang nahihiwalay ng matagal sa anak nito.
Natawa ito. "Hindi mo lang alam kung anong klaseng pagda-drama ang ginawa ni mommy para lang hindi ako umalis sa bahay." Pagku-kuwento nito. "Pero umuuwi pa din naman ako sa bahay kapag naglalambing siya."
Nang maiparada nito ang sasakyan nito sa tapat ng bahay niya ay niyaya niya itong pumasok sa loob. Kung kanina ay naiilang at kinakabahan siya sa muli nilang pagkikita, kakatwang nawala na iyon lahat ngayon. Komportable na siyang kausap ito katulad noon.
Dumeretso siya sa kusina upang ilagay ang mga grocery bags doon. Pagkatapos ay pinaghanda niya ito ng juice. "Mahal ka lang talaga ng mommy mo kaya ang gusto niya magkasama kayo." natatawang komento niya. Ayaw kasi nito kapag bine-baby ito ni Tita Grace.
"I know. Pero kailangan ko din namang masanay na mamuhay mag-isa para wala na siyang iniisip 'di ba?" nakasimangot na pangangatwiran nito.
"Oo na nga. Wala na akong sinabi." sumusukong sabi niya. Kapag ganoong sumisimangot na ito, alam niyang naiinis na ito. Isa rin sa mga ayaw nito ang inaasar ito nang walang kalaban-laban. Palagi kasi itong may panlaban sa pang-aasar nila dito noon. Siya nga lang ang madalas na makatalo dito sa pakikipag-asaran at sa pagde-debate.
BINABASA MO ANG
Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete)
RomanceMinsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa...