AGAD na pumasok ang mga bisita ni Celine sa loob ng apartment niya nang makarating sila doon. Walang paalam na umupo ang mga ito sa sofa bago bumaling sa kanya.
Iiling-iling na lang siya nang isara ang pinto bago binalingan ang mga ito. "Ano pong gusto n'yong kainin, mga kamahalan?" sarkastikong tanong niya. Bakit nga ba niya nakalimutan na mayayaman ang mga ito at ang alam lang ng mga ito ay ang mag-utos.
You're doing it again, Celine. You know them better than that.
"Wag ka nang mag-alala, Celine. Magpalit ka na lang ng damit at bumalik dito. Nag-text na si Ghenny kina Cyril para magdala ng mga pagkain." sabi ni Ethan sa kanya.
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang mga ito isa-isa. "Ang ibig n'yong sabihin, nagtawag pa kayo ng ka-tropa n'yo?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Pinamaywangan niya ang mga ito. "Ang laki ng bahay ko eh 'no? Kasya tayong lahat dito." nanunuyang aniya. Kahit kailan talaga ang hilig mag-desisyon ng mga ito nang hindi nagtatanong.
"Okay lang naman eh. Katulad ng dati lang ang gagawin natin. Bonding session kahit na super sikip ng space." ani Ghenny.
Tumango ang iba pa. Naiinis na ginulo niya ang buhok niya bago nag-martsa paakyat sa kuwarto niya. Ilang araw pa lang nang muling mag-krus ang landas niya at ng magka-kaibigan na ito ay sumasakit na ang ulo niya. Walang pinagkaiba ang mga ito sa mga estudyante niya pagdating sa kakulitan.
Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay hindi agad siya bumaba. Nagbukas siya ng laptop at tiningnan ang email niya. Napangiti siya nang makatanggap siya ng magandang balita. Approve na ang dalawang manuscripts na pinasa niya nang nakaraang buwan. Ang ibig sabihin niyon, may maidadagdag na naman siya sa ipon niya sa bangko.
Binuksan niya ang ibang emails na natanggap niya at lalong lumawak ang ngiti niya nang makatanggap siya ng mensahe galing sa Tito Ian niya na siyang boss niya sa pagiging part-time photographer niya. May bagong assignment itong ipagagawa sa kanya sa susunod na linggo.
Pagkatapos niyang ma-check ang mga emails ay pinatay na niya ang laptop bago nag-dive sa kama. Nakaramdam siya ng excitement sa susunod niyang gagawing photoshoot. Kahit na kasi hindi siya professional photographer ay tinanggap siya ng Tito niya sa maliit na negosyo nito. Ang sabi nito, may potential daw siya sa pagkuha ng litrato kaya siya kinuha nito.
Sa dalawang taong pagta-trabaho niya dito, wala naman siyang angal sa pinapa-suweldo nito sa kanya ganoon din sa trabaho niya dahil hindi naman siya hinihigpitan nito. Alam kasi nito na abala rin siya sa ibang trabaho niya.
Napaigtad siya nang makarinig ng katok. "Celine? Tapos ka na bang magbihis? Nandito na sina Alex, kumain ka muna." tawag sa kanya ng boses ni Mae.
Agad siyang tumayo at pinagbuksan ito ng pinto. Saglit na nawaglit sa isip niya na may mga bisita nga pala siya. "Sorry, nag-check pa kasi ako ng email eh. Halika na." sinarado niya ang pinto ng kanyang silid bago sumunod dito pababa.
"MAY gagawin ka ba bukas?"
Tumango si Celine sa tanong na iyon ni Kuya Cyril. Fiancé ito ni Ghenny. "Debut ng pinsan ko eh. Sa Edsa Shangrila. Hindi puwedeng hindi ako pumunta kasi susunduin ako ni Liam dito."
"Sinong pinsan?" curious na tanong ni RJ, nobyo ni Alex.
"Si Trixia. Ang sabi kasi ni Liam, mahigpit na bilin daw nina Ninong Vince na pumunta daw ako." Ang totoo ay hindi niya gustong pumunta sa naturang pagdiriwang kung hindi lang talaga siya inimbita mismo ng Ninong Vince niya. Pinsan ito ng papa niya.
BINABASA MO ANG
Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete)
RomanceMinsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa...