Chapter Four

12.6K 221 1
                                    

SA HINDI mabilang na pagkakataon ay muling nilingon ni Ethan si Celine na tahimik na nakatanaw sa harap nito. Pagkatapos siyang ipakilala nito sa mga kamag-anak nito ay pinakain muna siya ng Tito nito kahit na tumanggi siya. Wala naman talaga siyang planong makikain pa doon. Balak lang talaga niyang puntahan si Celine kung sakaling kailanganin nito ng tulong niya. He can't help it. Alam niya ang relasyon nito sa mga kamag-anak nito dahil noon pa man ay problema na nito iyon. Kaya naman naisip niyang puntahan ito sa debut party ng pinsan nito.

     Nang matapos siyang kumain ay agad silang nagpaalam sa mga kamag-anak nito at sa kapatid nito na tiningnan pa siya ng mataman bago siya tinanguan. Base sa tingin nito sa kanya, alam niyang wala itong tiwala sa kanya. Naiintindihan naman niya iyon dahil nag-aalala lang marahil ito sa kapatid nito. Sa mga hindi nakakakilala kina Celine at Liam, masasabi ng mga itong hindi malapit ang dalawa sa isa't-isa but he knew better. Hindi lang talaga expressive ang mga ito sa isa't-isa.

     Bumuntong-hininga si Celine bago nangalumbaba sa nakabukas na bintana ng sasakyan niya. Dinala niya ito sa tambayan niya sa loob ng village nila. Minsan na itong nakapunta doon at alam niyang gustong-gusto nito ang ambiance sa lugar na iyon. Tahimik kasi sa malawak na park na iyon sa loob ng village nila.

     "Kausapin mo naman ako. Mapapanisan ka ng laway, sige ka." biro niya. Simula nang umalis sila ng hotel ay hindi na siya kinausap nito o tinapunan man lang ng tingin. Naiintindihan niya ito. Ayaw lang talaga nito nang binibigla at pinangungunahan. Idagdag pang hindi talaga maganda ang ginawa niya. Hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili niya.

     Hindi pa rin ito humarap sa kanya. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Lumigid siya sa kabilang side at tumalungko para magpantay ang mga mukha nila. Inirapan lang siya nito bago umupo ng maayos.

     "Ano ba talagang problema mo?" pinaiiral na naman nito ang katigasan ng ulo nito. Ganoon talaga ito kapag naiinis, walang kinakausap na kahit sino at basta na lang totopakin.

     Nilingon siya nito at tiningnan ng matalim. "Bakit kasi sinabi mo pa na boyfriend kita?" nasa tinig nito ang inis.

     Bumuga siya ng hangin bago tumayo at dumukwang sa nakabukas na bintana. "Wala na kong ibang maisip na gawin eh. Obviously, kailangan mo ng tulong and I was there kaya tinulungan kita."

     "Pero kailangan mo pa bang gawin iyon? Kailangan mong halikan ako at magpakilalang boyfriend ko sa harap ng Tito ko at kapatid ko? Hindi mo alam kung gaano ka-tsismoso ang pamilya ko. Hindi palalagpasin ng kapatid ko iyan. Mamaya lang, siguradong alam na ng mama ko iyon at kakalat na iyon sa buong angkan namin." litanya nito.

     Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa paglilitanya nito. She's actually making a big deal out of it. At kung may makakarinig sa pag-uusap nila nang mga sandaling iyon, siguradong pagtatawanan din sila niyon dahil mukha silang tanga. Walang katuturan ang pinagtatalunan nila.

     Pero dahil alam niyang naiinis talaga ito ay wala siyang magagawa kundi humingi ng tawad dito. Huminga siya ng malalim. "Okay, I'm sorry kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko kanina. I'll take full responsibility of what I've done. Kung kinakailangang magpanggap tayo bilang couple sa harap ng mga tao, okay lang sa'kin."

     Naiinis na ginulo nito ang buhok nito. Wala itong pakialam kung mawala sa ayos ang magandang pagkakaayos ng buhok nito. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo."

     "I know what I'm talking about, okay? So, stop fussing about it." naiinis nang bulalas niya.

     Naiinis na binuksan nito ang pinto ng sasakyan ngunit dahil nakasandal siya doon ay hindi agad ito nakalabas. Tumayo siya at tumabi upang makalabas ito. Nang makalabas naman ito ay basta na lang nito hinubad ang high heels nito bago naglakad palapit sa bench.

Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon