Chapter 1

3.1K 154 55
                                    

ALOU'S POV

"Mahiro milabs!" naiiyak kong sambit nang salubungin ako ni Mahiro pagkalabas ko mula sa loob ng airport.

"Alou milabs ko!" nakangiti namang sabi ni Mahiro at niyakap ako.

Naluluha ko siyang niyakap pabalik. Isang linggo lang naman akong nagbakasyon sa Fukuoka ay sobrang namiss ko na kaagad si Mahiro. Hindi yata ako masanay-sanay na wala siya sa tabi ko.

Ganito nga talaga siguro kapag sobrang in love ka sa isang tao. Wala ka rin'g pakialam sa age gap ninyo at sa panghuhusga ng ibang tao sa relasyon n'yo.

Mahiro is 13 years older than me, and he has a son who is only 7 years younger than me; his son's name is Kyohei, and I am his Karate instructor.

"Mommy!"

Napangiti ako nang makita ang five years old kong anak na si Akio. Itinaas niya ang kaniyang dalawang braso para magpakarga sa akin. Kinarga ko naman siya at pinaulanan ng maraming halik sa pisngi.

Akio is my son from my ex-boyfriend, Dan Emil. May mga relasyon talaga na kahit ipaglaban mo ay hindi magiging matatag kung one sided lang iyon. Akio's father did not cheat on me, but the fact that he still can't get over his ex-girlfriend and got me pregnant because he reminds me of her is reason enough to break up with him.

Hindi naging hadlang ang break-up namin ni Dan para hindi niya sustentuhan at suportahan ang kaniyang anak. Every weekends sa tuwing day-off niya sa trabaho ay bumibisita siya sa condo unit ko para dalawin si Akio at ipasyal sa mall o amusement park at ayos lang iyon kay Mahiro. Gosh! Mahiro is the most understanding and kind person I've ever met, and it's one of the reasons I fell in love with him.

"How's my baby boy? Nagpakabait ka ba sa bahay ni Daddy Mahiro mo?" I asked my son.

"Yes po, Mommy! Daddy took me to an Amusement park yesterday and bought me a car toy." sagot ni Akio at tumingin kay Mahiro na ngumiti sa amin.

Gustuhin ko mang dalhin sa Fukuoka si Akio ay hindi ko tuluyang magawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matanggap ng grandparents ko at ng parents ko na nagkaanak ako kay Dan. Noong una ay tutol na talaga sila kay Dan para maging boyfriend ko dahil hindi raw ito Japanese at nayayabangan sila rito. Dahil mahal ko si Dan ay pinaglaban ko siya sa pamilya ko at iyon ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob ko sa sarili kong pamilya.

Nang maghiwalay kami ni Dan ay tinanggap ko ang sangkatutak na sermon ng grandparents at mga magulang ko hanggang sa naging maayos ulit kami ngunit hindi pa rin nila tanggap si Akio.

Ayoko sanang bumalik ng Fukuoka pero nakiusap si Ojiisan (grandfather) na dalawin ko si Obaasan (grandmother) sa Japan dahil may sakit na ito at gusto akong makita. Pinagbigyan ko na lang sila dahil kahit papaano'y mahal ko pa rin ang pamilya ko kahit hindi nila matanggap ang anak ko.

My name is Adiel Louisiana Yu Saito, but everyone calls me Alou. I'm half Japanese/Chinese. My family is from Fukuoka, Japan, but we lived in the Philippines due to my Japanese father's furniture business. I've spent almost my entire life in the Philippines, and I enjoy being here.

"Salamat sa pag-aalaga mo kay Akio, milabs, ha? Pasensya ka na at-"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan, milabs? Anak ko na rin 'yang si Akio at gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya. Huwag na tayong magdrama dito sa labas ng airport at umuwi na tayo sa bahay para makakain na tayo ng hapunan." Hinapit ni Mahiro ang baywang ko at hinalikan ang noo ko.

Ngumiti at tumango ako sa kanya hanggang sa nilagay nito ang dala kong maleta sa likod ng kaniyang BMW 5 at sumakay na kami sa loob.

Nakatira kami ni Akio sa isang condo unit na malapit lang sa bahay ni Mahiro at ng binata niyang anak na si Kyohei. Bukod sa Karate teacher ako ay isa rin akong bank branch manager ng kilalang bangko dito sa Pilipinas. Graduate ako sa kursong Bachelor of Business and Commerce in Banking and Finance at ang naipon kong pera ang ipinambili ko ng condo unit para sa amin ni Akio.

You're Mine, Senpai (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon