Chapter 5

1.5K 114 33
                                    

ALOU'S POV

Pangiti-ngiti na lang ako habang pinapakilala ako ni Kyohei bilang girlfriend niya sa mga kaibigan nila. Sina Jerson at King na nasa tabi ng girlfriend nilang sina Evelyn at Queen ay halatang nagpipigil ng tawa dahil sila lang namang apat ang nakakaalam na ang Tatay ng batang ito ang tunay kong boyfriend.

Mabuti at kakaunti lang ang mga ininvite ni Jerson na nandito sa bar kung saan sine-celebrate ang 23rd birthday niya. Mga piling kamag-anak at kaibigan lang kaya panatag ang loob ko sa ginagawa ni Kyohei na pagkakalat ng maling balita at saka hindi naman ako isang kilalang personality kaya anong pakialam nila sa love life ko, hindi ba?

Kyohei sat beside me, smiling from ear to ear, after talking to his acquaintances whom Jerson also knows.

"Masaya ka na niyan?" sarkastiko kong tanong at tinaasan siya ng kilay.

He nodded at umakbay sa akin. I sighed, trying to keep my emotions in check.

"Of course, Alou. At least kahit ngayong gabi lang ay nagkaroon ako ng girlfriend, right?" He said as he placed his drink on the table.

I massage my nape. I had no idea Kyohei could be so playful. Mahiro is completely correct, and I can see how Kyohei is being too loud and talkative inside this bar.

"Alam mo Ate Alou, kung hindi lang namin alam na ikaw ang girlfriend ng Dad ni Kyohei ay mapagkakamalan talaga namin kayong magjowa!" sabi ni Queen na sinang-ayunan din ni Evelyn.

"You don't look 29, Ate Alou; you look younger than your age and younger than Kyohei," Evelyn remarked.

"At anong akala mo sa akin, matanda na sa edad ko, huh?" masungit na tanong ni Kyohei kay Evelyn.

"Try to argue with my girlfriend, Kyohei or else lalanding ang kamao ko sa mukha mo?" Jerson warned him.

"Oh no bro, I'm scared!" Kunwaring natatakot na sabi ni Kyohei na tinawanan namin while Jerson appears serious.

He is overly protective and clearly in love with Evelyn.

Nag-eenjoy naman ako dito sa bar kasama sila. Mas umiingay dahil sa mga kwento ni Kyohei na dinadagdagan niya ng joke. He is truly Mahiro's son na mahilig rin magpatawa para lang pagaanin ang araw ko.

Hindi ko na masyadong iniintindi ang pag-akbay at paghapit ni Kyohei sa baywang ko. Iniisip ko na lang na walang malisya ito dahil anak siya ni Mahiro at pinaninindigan lang ang pagpe-pretend naming magkarelasyon ngayong gabi. Kawawa naman at baka gusto lang talaga ma-experience na magkaroon ng girlfriend.

Ewan ko ba dito kay Kyohei, imposible naman kasing walang babaeng nagkakagusto sa kanya, napapansin ko nga ang iilang mga babae dito sa bar na napapatingin sa direksyon namin para lang tignan at obserbahan si Kyohei.

Kyohei, King, and Jerson are all handsome and attractive men, but Kyohei is more appealing to me because he's cute and Asian-looking, whereas the other two appear more foreign and matured.

Biglang nagyaya si Evelyn sa amin ni Queen na sumayaw daw kami sa dancefloor. Sasama sana sina Kyohei at Jerson nang pinigilan niya ang mga ito.

"We girls want to dance kaya dito na lang kayo." Evelyn said.

"What? Evelyn, there are a lot of predator guys here, paano na lang kung makipagsayaw kayo sa gano'ng mga lalake, ha?" Naiinis na sabi ni Jerson.

"Don't worry, Jerson. Sasayaw lang kami sa dancefloor at hindi makikipagsayaw sa ibang lalake. We'll keep an eye on your girlfriend," Queen said with a smile, while King simply nodded at us.

"Hayaan n'yo na muna sila, Kyohei at Jerson. Makikita naman natin dito kung may lalakeng mambastos sa kanila." ani King.

Tumingin ako kay Kyohei. Nakasimangot siya at pabagsak na umupo sa couch.

You're Mine, Senpai (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon