Chapter 4

1.5K 123 34
                                    

ALOU'S POV

"K-Kuya? Nandito pala kayo," gulat kong sambit nang pinagbuksan ko ng pintuan sina Kuya Daisuke at Kuya Hideaki.

Tumingin ako kay Manang Liz na abala sa pagsusuklay ng basang buhok ni Akio na kakapaligo lang. Si Manang Liz ay isa sa mga katulong namin sa bahay ng parents ko na kinuha ko para magbantay at mag-alaga kay Akio sa tuwing abala kami nina Mahiro at Dan sa trabaho.

Namatay ang asawa niya at pinagbakasyon ko muna sa probinsya nila ng isang linggo. Kakauwi niya lang kanina at pinasalubungan kami ng mangga at pinya ni Akio na galing daw sa maliit nilang farm.

Nagulat rin si Manang Liz nang makita ang mga kapatid ko. Napatayo siya sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan sila. Kinuha niya din ang dalawang malaking paper bags na dala ng mga ito.

"I like your condo unit." sabi ni Kuya Hideaki na naunang pumasok sa loob at umupo sa sofa.

Nilibot naman ng tingin ni Kuya Daisuke ang condo unit ko bago tumabi kay Kuya Hideaki.

This is the first time they have visited my condo. They never visited me and our parents because of my son, Akio, but I'm still not sure if my brothers dislike Akio because I can't see them disliking him but rather ignoring him.

"Bakit hindi man lang kayo nagsabi kay Alou na pupunta kayo dito? Nakapamalengke sana ako at nakapagluto ng kakainin n'yo." Manang Liz said as she placed the two paper bags on the table.

"We bought some food, and it's inside the paper bag," Kuya Hideaki said at tumingin kay Akio na nakaupo sa kabilang sofa at abala sa nilalarong online games sa cellphone ko.

Nilabas naman ni Manang Liz ang mga pagkain sa isang paper bag at isang take-out food iyon sa restaurant.

"Kakauwi mo lang ba galing sa pinapasukan mong trabaho?" tanong ni Kuya Hideaki.

I nodded. "M-may kailangan ba kayo kung bakit kayo nandito, Kuya?" nag-aalangan kong tanong.

"We just came to check on you and your son," Kuya Daisuke said as he crossed his arms, still sporting his poker face expression from when we were kids.

Naantig ang puso ko sa sinabi niya at parang gusto kong maiyak sa tuwa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang sila nagpakita ng pag-aalala para sa akin. I rarely see them because they are preoccupied with work or their brotherly bond while ignoring me, but it makes me happy that they still care about me and my son.

Napangiti si Manang Liz sa sinabi ni Kuya Daisuke. She knows my brother so well because she was in charge of caring for me and my siblings when we were young.

"Mabuti naman at dinalaw n'yo dito si Alou, mga anak. Ginagawa niya ang lahat para lang mabigyan ng magandang buhay si Akio na hindi umaasa sa mga magulang n'yo." saad ni Manang Liz na hinahanda ang pagkain.

Napatingin si Akio kina Kuya Daisuke at Hideaki. Natigil ito sa paglalaro sa cellphone ko at dahan-dahang lumapit sa akin habang nakatingin pa rin sa mga Tito niya. He is unfamiliar with them, having only seen them when he was one year old.

"Your son is a carbon copy of his dumbass father," Umiling si Kuya Hideaki at sumandal sa sofa na nakatingin kay Akio.

"Mommy, sino po sila?" tanong sa akin ni Akio.

"Those are my brothers, Akio, your Tito Daisuke and Tito Hideaki," I explained.

Akio nodded at lumapit sa mga kapatid ko. "Are you my Titos po?" he asked innocently.

"Yes, I'm your Tito Hideaki, and this is your Tito Daisuke," Kuya Hideaki said, pointing to Kuya Daisuke, who was watching my son.

Biglang yumakap si Akio kay Kuya Hideaki na ikinabigla ko. Natawa si Manang Liz samantalang si Kuya Daisuke ay namangha sa ginawa nito.

You're Mine, Senpai (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon