Chapter 6 - What's going on

9 5 0
                                    

Naupo ako sa garden pansamantala at nag pahangin sandali para mabawasan ang pag aalala na namumuntawi sa isipan ko

I sighed. " Nakakapagod mag ikot sa bahay nila grabe feeling ko mawawala ako sa sobrang laki  eh"

Napag tanto ko sa aking utak na hindi ganito ang mga bahay na palagi kong nakikita kaya napaisip ako

" Wait.... "


" Bahay paba to?"

inikot ko ang mga mata ko sa bahay nila ,mali mansyon na pala kaya napatulala ako sa laki

" Grabe pala yaman ng lalaki nayun kaya pala ganun nalang ang ugali sabagay kahit ako man kung ganito kayaman baka nag tataray din ako" sambit ko.

katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko sa tutuluyan kong silid kaya naisipan kong lumabas muna para sana mag pahangin

Pero mukhang maliligaw ako pabalik sa kwarto ko napaisip ako kung paano ako babalik dahil paniguradong mahihirapan ako hanapin silid ko

Muli kong pinag masdan ang mansyon nila na sa tingin ko ay milyon milyon ang naubos para mapatayo ito

" Sabagay mayaman kasi si yabang kaya mahangin normal na yan sa mayayaman " kibit balikat kong sabi

wala sa sariling sabi ko kaya napa takip ako ng bigla sa bibig ko at inikot ikot ang tingin sa paligid dahil baka mahuli ako sa kagagahan ko at mawalan pa ako ng trabaho

Tinapik ko ng marahan bibig ko..

"Ikaw talaga shane!! Ipapahamak mopa sarili mo" kinakabahang sabi ko sa sarili.

" Sinasabi kona nga ba at tama ang hula ko na baliw ka talaga"

Napa piglas ako sa gulat dahil sa biglang may nag salita sa likod ko, kaya nilingon ko sya para makita at nawala ang kaba ko na mapag tantong si yabang lang pala

"Ganyan naba kadesperada si manang makakuha ng katulong kahit baliw tatanggapin fck!" Napintig tenga ko sa sinabi ng mayabang na lalaki nato.

" At sinong nag sabi na makinig ka sa sinasabi ko?, May lahi kabang chismoso?"

Pinang liitan ko sya ng mata na parang nakikipag laban sa mga tingin nya

" Well..... you're in my property remember?, so there's nothing you can do if I hear everything you say right? "

Oo nga pala ang tanga ko dapat tinikom ko nalang ang bibig ko wag naman sana , wag naman sana ako matanggal agad.

" So let's talk about how you got here " lumakad sya papunta sakin at hinitak ako patayo sa upuan at sya ang naupo


Abat!!! Tamo to!! Mokong to ah ...

Kalmaa shane......

Kalmaaa .......

boss mo yan ok? kumalma ka kung ayaw mo mawalan ng trabaho

"Kung ako sayo ay mag back out kana hanggat maaga dahil lahat ng nakatira dito ay mga halimaw"

and he smiled....

Ang creepy ng pag kakangiti nya ah, napa kunot nuo naman ako sa sinasabi nya pero  sya ata ang may tama sa utak.

" Kung ayaw mo maniwala fine...
basta wag mo ako sisisihin dahil pinag sabihan na kita " pananakot nya saakin.

" i warned you.... "

Mag sasalita pa sana ako pero tumalikod na sya at nag lakad papalayo pero bago yun humarap syang muli sakin

" Nga pala paki sabi kay manang na bukas na ako mag sisimulang pahirapan ka dahil wala ako sa mood ngayon naiintindihan mo? " and he gave me ok sign at patuloy nang lumakad.

" Kita mo sya ata ang baliw " i sighed again.

Napag pasyahan ko na bumalik sana sa kwarto ko pero nakalimutan ko ang daan patungo duon kaya hahabulin ko sana si mokong para mag pasama pero ang pusang gala nawala agad..

" May sa engkanto ata yun grabe ang bilis mawala" pag tataka kong sabi.

" hmm... sabagay mahaba kasi mga paa at may sa kapre kaya malalaki ang hakbang " I giggled.

  𝑭𝒂𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒕𝒐 𝒀𝒐𝒖𝒓 𝑨𝒓𝒎𝒔Where stories live. Discover now