Chapter 4 - The beginning

27 16 0
                                        

It's raining....

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko na jeep dahil basang basa ako ng ulan buti nalang ay nagawa ko na ilagay sa plastic ang mga dadalhin ko na gamit

Na naka lagay sa bagahe ko para hindi na mabasa pa ng ulan pero hindi ko alam kung tutuloy paba ako sa papasukan kong trabaho

Dahil nahihiya ako kung haharap ako sakanila na ganito ang itsura ko at hindi naka pormal haharap

Pero need ko na talaga mag simula ngayon dahil kailangan ko na ng pera para sa upcoming project namin at pambayad narin sa renta sa inuupahan ko

"Para po! ".. sigaw ko kay manong


dahil andito nako sa labas ng gate na papasukan kong trabaho, napatulala ako sa laki nitong gate sa harapan ko.

" Teka nga? Tama ba ang address na pinuntahan ko? "..

Tuliro ko na tanong sa sarili kaya dali dali akong tumawag sa numero na nakalagay sa hawak ko papel

" Hello po? Ito poba yung inapplyan ko na trabaho? Sa ******?"

" Oo iha, sandali" pag katapos ay pinatay nya ang tawag.

Nalilito ako dahil wala namang kabahayan ako na nakikita sa loob ng gate, napaisip ako bigla hindi kaya scammer to?

Napakamot nalang ako sa nuo at napa upo dahil sayang pera ko na pinamasahe na dapat pang dagdag nalang sa renta ko sa bahay.

"Ano ba yan Lord na scam pa ata ako" Papadyak ko na sambit..

Uuwi na sana ako nang may nakita akong matanda na may dala dalang payong at tumatakbo papunta sakin

"Ihaaaa! Sandali!!"

Hinihingal na sabi nya at napa hawi pa sa mahaba nyang buhok habang hinahangin

Ay taray mala commercial ang datingan nitong si manang ah ano kaya shampoo nito?

"Sandali iha ikaw yung mamamasukan na tumawag sakin diba? Halika samahan mona ako sa loob kanina pa kita inaantay "


Dali dali nya ako hinawakan sa kamay at inakaya papunta

Sa........


"Wait-tt wait po manang, lalakad papo ba tayo hanggang duon sa pinaka dulo na bahay nayun? Dun poba ako mamamasukan?"

Sabay turo ko sa napaka laking bahay sa pinaka dulong parte nitong lupain

Nanginginig ko na tanong dahil nilalamig nako sa basang suot ko at ang layo pa nang lalakarin namin nasa pinaka dulo pa yung bahay na sinasabi nya

May pumasok na kung ano sa isip ko..

Hindi kaya sindikato to? Maluha luha ako na nag lalakad habang hawak hawak ako ng matanda sa braso

tumango sakin ang matanda at tinignan ako na naka kunot ang nuo na parang binabasa ang isip ko

"Oo duon nga wag ka kabahan hindi kami masama at mabait ang magiging amo mo, kanina kapa nya inaantay"

naka ngiting sambit nya saakin
habang matawa tawa sa reaction ko, hindi naman siguro sindikato to diba? Dali dali kong pinitik nuo ko sa kagagahang iniisip ko.


_________________

  𝑭𝒂𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒕𝒐 𝒀𝒐𝒖𝒓 𝑨𝒓𝒎𝒔Where stories live. Discover now