NAPAKADILIM ng paligid, tanging ang repleksyon ng bilog na buwan sa mahinahon na dagat lamang ang tanging nakikita ko.
Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong mahinuhang tao sa paligid ko.
Nagtataka ako sa nangyayari!
"Uno!!" Isinigaw ko ang pangalan niya ngunit wala akong natanggap na sagot.
Matinding kaba ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Inilibot ko pa ang aking paningin sa madilim na paligid ngunit wala talaga akong makita.
Tanging ang ilaw lamang na nagmumula sa buwan ang nagbibigay sa akin ng liwanag at hindi iyon sapat upang maging malinaw ang nasa paligid ko.
Napabuntong hininga ako at bagsak ang dalawang mga balikat.
Hindi siya dumating sa bahay, ito ang ika-labingwalong taong kaarawan ko ngunit hindi siya sumipot. At kahit dito sa lugar ng pinagkasunduan namin ay hindi din siya nagpakita sa'kin.
Walang bakas ng presensiya niya.
Yumuko ako at nagumpisang maglaglagan ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilang maiyak.
Inaasahan kong makakasama ko siya sa mahalagang araw na ito ng buhay ko, pero wala siya. Kinalimutan na niya ako.
Napaupo ako sa buhangin, hindi ko ramdam ang lamig nun dahil sa mahabang baro na suot ko ngayon.
Napahagulgol ako ng iyak.
Ilang saglit pa ay umihip ang malamig na hangin at kasabay nun ay pagsindi ng mga apoy sa bawat sulo na naroon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at namangha ako sa nakapalibot sa akin na mga sulo ng apoy.
Mas lumiwanag ang paligid dahil sa mga tanglaw.
Napakaganda ng paligid.
Nagulat man ay natuwa ako sa nakikita ko.
Sa paglalayag ng paningin ko ay nadapo ito sa isang dako. Isang lalaki ang nakita ko at kahit malayo pa siya ay kilalang kilala ko ang tikas ng pangangatawan niya.
Tumayo ako.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa'kin.
Habang papalapit siya ay mas nagiging klaro sa aking ang kanyang mukha.
Siya nga. Matagal kitang hindi nakita.
"Nahuli ba ako ng dating? Sorry" nagsimula siyang magsalita. Parang natunaw ang puso ko at napapikit na lamang, matagal ko nang hindi naririnig ang boses niya.
Unti unting pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko lubos maisip na maririnig ko ulit ang boses na iyon.
Muli kong iminulat ang aking mga mata at tumitig sa kanya at napansin ko ang kanyang pamumutla. Lubog ang kanyang mga mata, at namumutla ang mga labi. Ngunit naagaw ang aking pansin ng muli siyang magsalita.
"Wala akong dalang regalo kaya sana ay magustuhan mo ang awiting isinulat ko para sa iyo" muli niyang sabi.
Pagkadako'y tumugtog ang musika at hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Inilibot ko ang paningin ngunit hindi ko mawari kung saan iyon nanggagaling.
Nang wala akong mahanap ay ibinalik ko nalang ang paningin sa kanya. Hindi ko napansin na may hawak pala siyang mikropono.
Ilang pulgada na lamang ang layo ko sa kanya at huminto siya sa paglapit sa'kin.
Nagsimula siya na kantahin ang awiting isinulat niya para sa'kin.
"See the moonlight
Isn't it shining through
See the heavens
Above us and see the brightening stars"
BINABASA MO ANG
Memory Lane
Short StoryMuling pagtatagpuin ng tadhana ang pag-ibig na minsan nang nakaukit sa puso ng bawat-isa. Lumipas man ang panahon ay ibabalik ng tadhana ang pag-ibig na naudlot sa nakaraan. Nakalimutan na ba ni Isla ang lalaking minsan na niyang minahal noon? O kai...