"Hindi pa pala ako nagpapakilala.. ako nga pala si Isla Ysabelle Clemente de Asis.." malapad ang mga ngiting inaabot niya ang kamay.
Matagal ko nang hindi nakikita ang mga ngiti na yan. Hindi ka nagbago, palangiti ka pa rin, Islay.
Tiningnan ko muna ang kamay niya bago ito kunin at
Kinuha niya ang kamay ko at nangiti.
"Juan Ernesto Miguel Salente Ramos" pagpapakilala ko.
"Ngayon alam ko na kung bakit Uno ang palayaw mo hahahah.." natatawa niyang sabi. Pangiti naman ako dahil sa iniisip niya.
"Kaya Uno kasi nga Juan hahah.."sabi ko
"Hahahahahahah.." malakas na tawanan ang namayani sa pagitan namin ni Islay.
"Ayos din ang nagbansag sa'yo ng palayaw mo ah?? Ang taba ng utak hahaha.." sabay kaming natawa sa sinabi niya.
"Si Tatay.. si Tatay ang nagbigay sakin ng palayaw na yun" sabi ko. Hindi naman siya umimik at tumingin sa dagat.
Masaya akong makita ka ulit.. Islay.
Nang makita ko siya kaninang napapahiya ay kinain ako ng konsensiya ko. Pangalawang araw palang niya dito sa amin pero hindi na naging maganda ang nangyari sa kanya. Ayokong maging pangit ang pagbabakasiyon niya.
Kinalimutan ko na rin ang nangyari danakaraan. Masakit man na nakalimutan na niya ako pero marahil ay dahil sa sobrang bata pa namin nung mga panahong iyon. Sabihin na nating naalala ko pa rin ang nakaraan pero pwede ding dahil sa mga nangyari sa kanya sa Maynila ay natabunan ang mga ala-ala niya nung nandito siya.
Ayoko na ding magalit at magkimkim, maging masaya nalang ako na nagkita ulit kami ng dating kaibigan ko.
Kahit ako nalang ang nakakaalala ng lahat.
Pero susubukan kong alamin kung naalala mo pa rin ba ako..
"Isla?" marahang tawag ko sakanya habang nakatitig siya sa dagat.
"Hmm?" sagot niya at unti-unting tumingin sa'kin.
"Alam mo bang nakapunta kana dito dati, nung bata ka pa?"
Bumalatay sa mukha niya ang pagkagulat.
"Yan din ang sabi ni Mom sa'kin.. nabanggit ni Mom na nagbaksyon kami dito.." bakas ang pagiisip sa kanyang mukha. Pilit inaalala ang nakaraan.
"Pero wala talaga akong maalala.. after nun hindi na nagkwento si Mom at Dad tungkol dun.. di ko lang sure pero parang iniiwasan nilang mabanggit ang bagay na yun.." makungkot na sabi ni Islay.
"W-wala ka bang naalala kahit na maliit na detalye?" kabadong tanong ko.
"W-wala eh.." nagiisip na sabi ni Isla. "Wala talaga.." paninigurado niya.
Kaya pala.
"Magugulat ka ba kung sabihin kong.. dati tayong magkaibigan?" marahan kong sabi.
Unti-unting lumaki ang mga mata ni Islay at napatakip siya ng kamay sa bibig.
"Talagaaa??" gulat na gulat niyang sabi. Inilayo niya ang paningin at parang may inalala.
"Oo.."
"Eh.. si Maribel??" nakatingin saking tanong niya.
"Matalik mo siyang kaibigan.. halos hindi nga kayo mapaghiwalay noon.." sabi ko. Mas lalong lumaki ang mga mata niya sa gulat.
"Oh Gosh!!" bulalas niya. Hindi makapaniwala. "Kaya pala tinanong niya sa'kin kahapon kung nakikilala niya ako.. at nahahalata ko ring lumalayo siya sa'kin.." malungkot niyang sabi. Halata sa ekspresiyon ng mukha ang pagkonsensiya nito.
BINABASA MO ANG
Memory Lane
Short StoryMuling pagtatagpuin ng tadhana ang pag-ibig na minsan nang nakaukit sa puso ng bawat-isa. Lumipas man ang panahon ay ibabalik ng tadhana ang pag-ibig na naudlot sa nakaraan. Nakalimutan na ba ni Isla ang lalaking minsan na niyang minahal noon? O kai...