Chapter One

3 1 0
                                    

ISLA'S POV

"MALAPIT na tayo hon" sabi ni Daddy kay Mom.

Nagising ako dahil sa sinabing iyon ni Dad, tiningnan ko ang cellphone ko at inoff iyon sabay tingin sa labas ng kotse.

Ngiti lang ang isinagot ni Mom kay Dad.

"Are we already here na?" sabi ko.

"No Baby, pero malapit na tayo sa bahay ng Lola mo" sa Dad.

Tiningnan kong maiigi ang paligid at hindi ito ang iniexpect ko sa lugar na to.

Ang sabi ni Mommy ay maganda daw dito at mageenjoy ako pero sa tingin ko ay nilinlang niya lang ako para sumama.

Sabagay wala din naman akong choice kasi lahat kami ay kasamang nagbakasyon dito sa Leyte.

So, ito ang lugar nina Mommy.

Province nga.

Tulad ng nakikita ko sa facebook, andaming puno, palayan, maliliit na bahay, at malubak na daan.

Naninibago ako. Malayo to sa lugar na pinagmulan ko.

Sa Maynila maraming sasakyan, matataas na building, maraming tao, maraming kainan, at maraming pasyalan.

Malayong malayo sa lugar na 'to.

Sabi daw ni Mommy ay nakapunta na ako dito noong bata pa ako pero seriously wala akong matandaan!

As in wala talaga! Swear!

Siguro nga masiyado pa akong bata noon para matandaan pa ang mga nangyari.

Nandito ang family ni Mommy sa province kaya lumuwas kami. Kakatapos lang ng pasukan at Summer Vacation na namin.

Pero ang totoo gusto daw kasi ni Lola na makita ako at makasama sa debut ko kaya napagpasiyahan nila Mommy na dito ko nalang daw icelebrate ang birthday ko kasi hindi na daw kaya ni Lola ang magtravel lalo na at matanda na siya at marami rin daw naman kaming relatives dito.

Kaya kami nalang ang pumunta!

Namimiss ko naman si Lola pero parang ayoko talaga sa lugar na 'to.

Pakiramdam ko ay mabobored lang ako dito. Kaya halata sa mukha ko ang pagkabagot at hindi ito maipinta.

"Anak, Isla. Wag kang magalala at marami kang pinsan dito, marami kang makakalaro" si Mommy.

Nahalata ata ni Mommy na hindi ko trip ang magbakasyon dito.

Napatingin ako kay Mom sa may rear view mirror ng kotse. Nakangiti siya sa'kin ngunit hindi ko na iyon pinansin at ibinalik ang paningin sa labas.

Bale ang posisyon namin ay sa driver  seat si Dad katabi niya si Mom sa passenger seat. Sa likod naman ay kaming magkakapatid, ako,  si Ian sa gitna at si Illana sa kabilang dulo.

Ako ang panganay, kasunod si Illana at bunso naman ay si Ian.

Patuloy pa rin ako sa pagmamasid sa labas ng bintana ng kotse...

Nang biglang basagin ng kapatid ko ang katahimikan.

"Mom, anong year na ba ngayon?" maarteng tanong ni Illana kay Mom.

Napatingin naman kami ni Mom at Dad sa kanya, si Ian naman ay sobrang cute lang na natutulog sa pagitan namin ni Illana. He's 4 years old.

"It's year 2020 baby, why??" si Mom. Kita sa rear view mirror ang mukha ni mom na tulad ko ay mukha ring nagtataka.

"Kasi look at the place oh? Parang bumalik tayo sa year 1892.. yung house, yung people, at yung environment seems like an old setting talaga just like sa story na I Love You Since 1892" si Illana. Nakaturo pa siya sa labas habang sinasabi iyon.

Memory Lane Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon