UNO'S POV
MAHIMBING ang tulog ko nang magising ako dahil sa isang malakas na katok sa labas ng kwarto ko.
"Uno! Anak bangon na.." si Nanay. Pilit kong ibinubuka ang mga mata ko at sinilip ang saradong pinto ng kwarto ko.
"Uno! Bangon na!! Marami pa tayong gagawin.." paguulit ni Nanay. Hindi ko naman siya kinibo at dahan dahan akong bumangon.. at binuksan ang kwarto ko habang nagkukusot pa ng mata.
"Oh gising ka na pala.. ang cute cute talaga ng bunso ko hihih" bungad sakin ni Nanay at pinisil pisil ang pisngi ko at agad ko namang inilayo ang aking mukha..
"Nay naman malaki na ko.. wag mo na kong ganyanin.." inis na sabi ko.
"Nakuu ayaw nang magpalambing ng bunso ko.. halika na bumaba ka na at mag-agahan.. lilinisin pa natin ang kwarto ng Kuya Onse mo.." sabi ni Nanay at bumaba na.
Hinayaan ko naman siyang bumaba at pumasok ako sa kwarto para ayusin ang kama ko.. at pagkatapos ay bumaba na..
Nandoon na si Nanay sa kusina at naghahanda ng mga pagkain.. hotdog, itlog, tuyo at sinangag ang nakahanda sa mesa at kape..
Ang saraaap
"Hmmmm ang bango naman neto Nay hehe" nakangiting sabi ko.
"Aba ay siyempre para lumaki ka katulad ng Kuya Onse mo may mga muscles hahahah" si Nanay habang ipinapakita niya sakin ang braso niya.
Hindi tulad ko, si Kuya Onse ay malaki ang katawan habang ako naman ay payat. Si Kuya kasi ang kasa-kasama ni Tatay sa taniman noong nabubuhay pa siya kaya lumaki ang katawan dahil sa pagbubuhat habang ako naman ay nasa bahay lang ngayong bakasyon at walang pasok. Simula ng nawala si Tatay ay inaarkela nalang ng ibang magsasaka ang taniman namin at binibigyan nalang kami ng porsiyento sa benta nila ng palay. Nakakatulong kami sa ibang pamilya habang may nakukuha din kaming kapalit sa pagpapagamit namin sa lupa namin.
"Nay naman.. alam mo namang sanay yun si Kuya sa pagbubuhat ng mga palay.. huwag kang magalala Nay maggigym ako at lalaki din ang katawan ko hahah.." sabi ko tapos ipinakita din ang braso ko.
"Naku ikaw talagang bata ka.. tutulad ka ba sa Kuya mo na siyang nanalo sa pageant sa baranggay noon?"
Umupo na si Nanay kaya umupo na rin ako..
"Ayoko Nay ng mga pageant na yan.. ayokong maghubad hubad sa harap ng maraming tao.."
"Sabagay.. mabuti iyan at magaral ka nalang ng mabuti at nang magaya ka sa Kuya mo" si Nanay..
"Oo naman, Nay.. yan ang pangako ko kay Tatay nung mabubuhay pa siya.. magtatapos ako ng pagaaral at magiging doktor gaya ni Kuya.." masayang sabi ko.
Bakas sa mukha ni Nanay ang saya sa narinig sa'kin.. balang araw ay magiging ganap ako na doktor Nay, Tay.. balang araw.
Nagpatuloy na kaming kumain.. tawanan at kwentuhan ang pinagsaluhan namin ni Nanay sa hapag..
Pagkatapos naming kumain ay niligpit namin ang pinagkainan.. nilinis ko din ang kwarto ni Kuya para sa kanyang pag-uwi..
"Anak.. ako ay bibisita sa Lola Ystelita mo sasama ka ba?" tanong sa'kin ni Nanay na siyang naka silip sa pinto.
Kung sasama ako kay Nanay ay makikita ko lang ang Islay na yun.. nakakahiya ang nangyari sa amin kahapon at ayoko siyang makita..
Ano namang sasabihin ko kung magkita kami? Teka?! Bakit ko naman kakausapin yun? Wala akong dapat na sabihin sakanya!
BINABASA MO ANG
Memory Lane
Short StoryMuling pagtatagpuin ng tadhana ang pag-ibig na minsan nang nakaukit sa puso ng bawat-isa. Lumipas man ang panahon ay ibabalik ng tadhana ang pag-ibig na naudlot sa nakaraan. Nakalimutan na ba ni Isla ang lalaking minsan na niyang minahal noon? O kai...