Chapter Three

0 1 0
                                    

UNO's POV

Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na andito na si Islay. Nakasalubong ko siya kanina sa labas nung pauwi ako galing tambayan ko, sa mangga. At hindi maganda ang muling pagkikita namin.

Alam ko na uuwi siya pero hindi ko inaakala na ngayon pala ang uwi nila. Sa narinig ko kay Nanay ay umuwi sila para dito ganapin ang ika-labingwalong taong kaarawan niya.

Mayaman naman talaga sila noon pa man.

Ang totoo ay magkakilala ang pamilya niya at ang pamilya ko. Maliban sa magkalapit lang ang bahay namin ay masiyadong malapit sina Nanay at Tatay kina Lola Yste at Lolo Ignacio.

Nung mamatay si Lolo Ignacio ay naroon ang pamilya namin upang makiramay, ipinagtataka ko lang kung bakit hindi umuwi ang pamilya ni Islay noon, masiyado pa akong bata noon para makialam. At nung mamatay din ang tatay ko ay tinulungan din kami ni Lola Yste sa mga bayarin at gastusin. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa tulong ng pamilya nila.

Noong bata pa kami ay magkaibigan kami ni Islay, halos hindi kami mapaghiwalay kaya nagtataka ako sa sinabi niya kanina sakin.

Kilala mo ba ko?

Kilala mo ba ko?

Bakit naman niya itatanong sakin kung kilala ko siya? Nakalimutan niya na ba ako?

O nagpapanggap lang siya na hindi niya ko kilala kasi nagiguilty siya sa pangiiwan niya sakin noon?

Pero bakit parang totoong hindi niya ko kilala base sa kilos niya kanina? Hmm malamang magaling sa pagpapanggap yun!

Nagpapanggap ka pa talaga ah? Tsk tsk tsk

Naiinis ako sa iniisip ko kaya mula sa pagkakahiga ay umayos ako ng upo. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Tumayo na ako upang lumabas ng makita ko ang lata na nakapatong sa mesa ko.

FLASHBACK

"Ano yan Uno??" inosenteng tanong ni Islay. Nakatingin siya sakin habang itinatali ang tali upang hindi lumusot sa butas ng lata na ginawa ko kanina.

"Telepono to Islay..." sagot ko habang ipinapakita sa kanya ang lata.

"Telepono??" naguguluhan niyang sabi. "... paano naging telepono yan.. eh lata naman yan?" nagtataka at nakangusong sabi ni Islay.

Ang cute mo talaga.

"Hawakan mo to.." binigay ko sa kanya ang isang lata na kadugtong ng lubid sa lata ko. "Ilagay mo sa tenga mo.. teka lang lalayo lang ako ng kunti.. ready ka na ba??" sabi ko sabay atras ng bahagya, sinunod naman niya ang sinabi ko at tumango bilang tugon.

Inilagay ko sa bibig ko ang lata at nagsalita.

"Hello Islay..." sabi ko habang nasa bibig ko ang lata.

"Halaa.. naririnig ko nga.." nagugulat ngunit masaya niyang sabi. "Ako naman.. ako naman.." masaya niyang sabi. Inilagay ko naman sa tenga ang lata at siya naman ang nagsalita.

"Uno.. dos.. tres.. kwatro.." tukso niya sakin na ikinainis ko.

"Nanunukso ka na naman Islay eh.." nakasimangot kong sabi sa kanya. Ipinakita kong naiinis ako at binitawan ang lata.

"Eh wag mo na din akong tawaging Islay... ginagaya mo naman si Lola.." nakatawang sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ayaw kasi niyang tinatawag ko siyang Islay. Ayaw daw niya ng palayaw na yun.

Napuno ng tawanan namin ang kwarto ko.

END OF FLASHBACK

Lumapit ako sa mesa at tinitigan ang lata. Kinuha ko ito at hinawakan ang lubid na nakakonekta sa lata na naroon kay Islay. Binuksan ko ang bintana at tinignan ang latang naroon sa terace ng kwarto niya.

Memory Lane Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon