"Besfreeeeeeng!" Nagulat ako nang nandito na sa loob ng kwarto ko si Cheche.
"Hoy ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok? Nakaboxer lang kaya ako!" Tinignan niya ko mulo ulo hanggang paa.
"So? Wala rin naman makikita dyan!" Sabi niya then, humiga siya sa kama ko.
"Anong wala? Baka kapag nakita mo yung abs ko!"
"Yuck abs? Huwag ka nang mangarap besfreng puro gitara yan! Anyways, may good news ako!"
Mapanglait talaga to sakin. Pasalamat siya mahal ko siya, pero wag kayong maniwala dyan may abs ako noh? Hindi ako payatot asa!
"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako!"
"Oo naman yes! I don't need your help anymore para kay Edward."
"Buti naman, bakit ano? Natauhan ka? Sabi ko sayo wala kang mapapala don!"
"Hoy hindi ah! He's cute kaya!"
"He's cute kaya. Yuck anong cute don? Bulag ka na ba talaga?"
"Shut up, I don't need your panglalait with him. Anyways, he asked me!" Sigaw niya habang nagtatatalon sa kama.
"He asked you what?"
"He asked me on a date! Isn't that great?"
Sobrang saya niya, ako? Parang namatayan yung itsura ko.
"Paano nangyari yun?"
"Idunno but i said yes! Syempre hindi ko palalampasin yun noh!"
Ang tanga mo Kirby. Ang bagal mo kase. Ayan tuloy nauunahan ka na ng hilaw na yun.
"Ahh good for you!"
"Yeah, tara labas tayo! Let's celebrate!"
"Masama pakiramdam ko, next time na lang."
"Besfreeeng! Dali naaaa!"
"No!"
"Hays bahala ka nga, si Edward na nga lang isasama ko."
Bigla naman akong napatayo.
"Teka! Maliligo lang ako!"
"Akala ko ba masama pakiramdam mo?"
"Tsk, pasalamat ka hindi kita matiis!"
Bigla naman siyang ngumiti at niyakap ako.
"Thank you besfreng!"
Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko, siya lang talaga nagpapabilis nito.
"Alam mo namang mahal na mahal kita eh."
"I love you too, besfreeeng!"
Sana totoo yan. Hindi lang bilang kaibigan. Sana mapansin mo rin ako.
BINABASA MO ANG
One Last Time (Completed)
ContoKirby feels threatened when he falls in love with his high school best friend. Will he make his move? Or will he just bury his feelings until they fade?