Nagmamadali akong tumayo at naglakad palabas ng coffee shop. Tinext ko din si Tari at mabuti nalang ay pasakay palang siya ng taxi.
We both have our own car pero pareho kaming tamad mag drive. Mas madali kasi pag taxi, di ka ma momroblema kung saan magpa park.
1:30pm na'ko nakarating, mabuti nalang ay pinapasok naman ako ng guard. I am late for my first subject in the afternoon at balak kong sa second sub nalang pumasok.
Bumili muna ako ng chichirya sa canteen saka naglakas papuntang garden para doon na maghintay para sa second subject. Tahimik akong kumain at nagpatugtog. Oh diba? Suki lang ng cutting classes ang peg.
Tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko sa text ni Tari.
From Taripot:
Gaga! Sarap ng kain natin ah.Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa mahagip ng mata ko ang second floor ng building namin na hindi kalayuan sa garden. Kung saan ay opisina para sa mga proffesors.
Nakabukas ang bintana nito kaya kita ko ang nasa loob.
To Taripot:
Ginagawa mo diyan?Nakita kong dinukot nito ang cellphone habang pa simpleng sumulyap saakin.
From Taripot:
Actually, Ikaw pinapatawag, bwesit ka bat ka kasi nag skip?Nakita kong mabilis nitong itinago ang cellphone at saka ngumiti sa ginang.
Nakita kong umalis na si Tari kasabay ng pag ring ng bell hudyat na oras na para sa pangalawang subject.
Tumayo ako at uminom ng tubig. Kailangan ko nang umalis. Naibuga ko ang iniinom ng mahagip ng tingin ko ang prof namin na mariing nakatitig saakin. Si Mr. Salvador.
Katabi nito ang opisina ng ibang mga guro. Nakaharap ito sa bintana kung saan ay kitang-kita ko mula dito.
Nag-iwas ako ng tingin. Inayos ko ang mga gamit saka naglakad na palapit sa building.
"Pinapatawag ka ni Ms. Andrade," napahinto ako sa pag-lalakad ng may humawak sa braso ko.
Nag-angat ako ng tingin at kaagad na nanlaki ang mata ng makitang si sir Salvador iyon.
"Y-yes sir," binawi ko ang braso at magalang na yumuko.
"Don't."
Nag angat ako ng tingin at naguguluhang nagtaas ng kilay.
"Don't bow your head like that."
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. "I have to go sir," umasta akong aalis ng hawakan ulit nito ang braso ko.
Fuck! Shett Andra kalma... breathe in breathe out.
"By the way, you dropped this."
Nanlaki ang mata ko ng inilahad nito ang susi ng condo ko. Paanong nasa kanya yan?
"I was the one you bumped with yesterday."
Napansin niya ata ang pagtataka ko kaya nagsalita ito. Tumango ako at nag pasalamat. Hinintay kong magsalita ito muli ng wala na iyong masabi ay nagpa-alam na ako.
Napasandal ako sa pinto ng opisina ni Ms. Andrade. Shettt, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba pero parang may something talaga sa proffesor naming iyon eh. Pinakalma ko muna ang sarili bago kumatok at pumasok.
"Oh, Ms. Camelo please have a seat."
"Alam naman natin na sa susunod na buwan ay ang Intramurals."
Tumango ako, "please direct to the point ma'am."
YOU ARE READING
Warmth of Summer
Teen FictionHandsome man is one of Andra Yvette Camelo's standard. She doesn't care about anyone else, she just wants to be with someone who gives off the same energy as her. She's smart but lazy, loves to cut class and crazy. She is a self centered but at th...