Pagkatapos sa gymnasium ay bumalik naman kaagad kami sa kanya kanyang classroom.
It's already 4pm at nagsilabasan nadin ang mga kaklase ko. Tinext ko si Sean para itanong kung nagsimula na ba siyang maglinis at kaagad naman itong nagreply.
FromSean:
Still waiting for youInayos ko ang bag at lumabas. Dumaan muna ako sa locker room para magpalit ng damit. Ayokong madumihan ang uniform ko, ako din naman naglalaba.
Pagbukas ko palang ay naglaglagan ang mga colored papers na as usual ang laman ay mga korning love letter. Kinuha ko ang mga ito at saka itinapon. Medyo nahirapan pa ako dahil sa dami nun.
Nang makabalik ako sa locker ko ay kaagad kong kinuha ang t-shirt na nakalagay doon at isinuot. It's a black t-shirt, black kasi favorite color ko. Itinali ko din ang hanggang bewang kong buhok para walang sagabal at mapadali ang paglilinis ko mamaya.
Pagkatapos ay kaagad akong naglakad sa storage room para kumuha ng mga panlinis.
Ini on ko ang cellphone ko at saka kinuha ang head phone at nagpatugtog. Hindi naman ako takot sa multo kaya no need to worry. Agad kong ipini-(p)lay ang kanta ni Justin Bieber na 'that should be me' saka sumabay sa tugtug nito.
"That should be me! holding your hand!" malakas na kanta ko pababa ng hagdan kaunti nalang din naman ang mga tao at siguradong ang mga may practice o training nalang ang natitira kaya malamang ay wala nang makakarinig sa'kin. Ginawa ko ding microphone ang vacuum na dala ko at saka pumikit, dinadama ko yung sakit dre.
Napatigil ako sa pagkanta nang sa pag mulat ko ay naka salubong ko ang proffesor naming si sir Salvador sa hallway ng library, mukhang nanggaling ito doon. Mukhang nagulat din ito at hilaw na napangiti ng mapansin ako. Kinuha ko ang head phone sa tenga saka hinintay na makalapit ito saakin.
"A-Are you going somewhere?" kaagad na tanong nito habang sinusuri ang mga dala ko.
"Yes po, sa pool area kailangan kasi naming maglinis sabi nung guidance counselor," hilaw ko itong nginitian. At kasalanan mo kung bakit kami maglilinis ngayon, kung di ko ba naman kami pina guidance eh.
"With Mr. Clavejo?"
"Yes," napakunot ang noo ko nang makita ang pag bahid ng inis sa mukha nito. Nang makitang nakatingin ako sakanya ay kaagad itong ngumiti at nag paalam.
"Well then, mauna na ako sayo. Good luck to the both of you."
Napataas ang kilay ko, 'good luck?' nagkibit balikat ako at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Nasa tapat na'ko ng pool area nang mapansin kong may babaeng naglilinis doon. Ehh? Mukhang hindi lang kami ang nautusang mag linis ng library ah.
Pumasok ako, plano kong hanapin muna si Sean kung talagang naglilinis ba ito dito baka dinadaya ako eh. Hinanap ko si Sean sa lahat ng sulok ng library pero hindi ko na ito makita. San nagpunta yun?
"Ahm, excuse me? have you seen Sean?" tanong ko sa babaeng naglilinis doon. Humarap ito saakin nanlaki ang mata niya ng makita ako. Seriously? what's with the people today?
Tinaasan ko ito ng kilay, magsasalita na sana ako ng may nauna na sakin.
"Andra let's go," nilingon ko si Sean. His brows furrowed while his lips formed into thin line. Mukhang badtrip ah, napangisi ako gwapo talaga si Sean pero mas gwapo at hot siya pag nagagalit. Napansin kong may hawak itong itim na sobre.
"Ano yan?" tanong ko nang makalapit ito sa'kin.
Kaagad niya itong ibinulsa at nagpa tiuna nang maglakad sa'kin. Aba't! nagmartsa ako palapit sakanya saka inilingkis ang braso sa braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na nagsalita.
"Bat parang ang aga mong natapos sa paglilinis?" nilingon ko ito.
"Hindi ako naglinis,"
"Paano yung sa pool area?"
"I paid someone to do it."
Hinampas ko ito sa braso saka ako humarang sa daanan niya. Napatigil naman kaagad ito.
"Paano kung malaman ng guidance counselor?" I crossed my arms.
Napangisi kaagad ito saka kinuha sa bulsa niya ang isang USB. T-teka USB? para saan yan? "They'll never know."
Napa nganga ako nang ma realize kung anong tinutukoy niya. Malamang ay kinuha nito ang kopya ng cctv camera saka binura iyon doon sa files. Napatalon ako sa tuwa at pumalakpak.
"Thank you so much my dearest Rkive! 5 star ka sa'kin! " ipinakita ko dito ang limang daliri saka itinuro ang mukha niya. Hindi talaga ako nagka mali ng kinaibigan.
Hinawi nito ang kamay ko saka ako inakbayan. "Don't worry you also don't have to clean tomorrow.
Napangiti ako, "tagala? bakit?"
"Because tomorrow is saturday stupid."
Napanga-nga ako saka napakamot ng ulo. Kingina oo nga pala. Umismid ako saka siya hinatak. "Arat, bar tayo."
Nagpatianod naman ito kaagad, mabilis naming narating ang parking lot. Pagkatapos ay kaagad na nitong pinaandar ang sasakyan.
Kaagad akong bumaba ng tumigil ang sasakyan nito sa condominium namin.
"I'll knock on your door at 9pm." Sean
Tumango ako saka nauna nang pumasok ng condo. Tinext ko si Tari at pumayag naman itong mag bar kami.
Binuksan ko ang ref para maghanap ng pagkain nang makita kong wala na iyong laman. Bwiseeetttt! Napa face palm nalang ako saka nag text kay Tari.
To Taripot:
Hey biatch, nasa condo mo ka?
Kakasend ko palang ay kaagad naman itong nag reply.FromTaripot
I'm on set biatch, why?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Malas naman, muntik na akong mawalan ng pag-asa ng maalala kong may isa pa pala akong kaibigan. Napangiti ako, I think it's time to use my reserba. Chosss hahaha.
Mahina akong kumatok sa condo ni Cyd na katabi lang din ng akin, ilang beses akong kumatok pero walang nagbubukas. Nice.
Dahil bukod sa ganda ay may utak din naman ako, inalala ko ang mga araw na nakikita kong nagbubukas siya ng condo. Aha! kaagad kong in-insert ang birthday date ko 0523. Oo beng, saakin. Birthday date ko ang ginawa niyang pass at hindi ko alam kung bakit.
Pagbukas ko ng pinto ay kasabay nun ang pagbukas ng Cr. Bumungad saakin si Cyd na topless. Omg! kaagad kong tinakpan ang mata ko, wtf. My innocent eyes!
Nagulat siya sa ginawa ko, kaagad niya akong binato ng damit ng makita niyang naka silip ako. Oo beng, kunware nagtakip ako pero hindi talaga hahaha.
"What the fuck, are you doing here!"
Inis ko siyang binato ng unan na nasa sofa niya. "Asshole! kanina pa ako kumakatok."
Kumamot ito ng ulo, "naligo ako."
"Tss, halata naman," naglakad ako papunta ng kusina niya saka umupo sa dining table nito. Ipinatong ko ang ulo sa lamesa habang pinapanood siyang mag bihis.
Purong glass ang nasa loob ng condo niya, pag pasok mo palang ay bubungad saiyo ang maaliwalas na tanawin. At dahil sa purong glass ang nagsisilbing pader nito ay kaagad mong makikita ang bawat sulok ng condo niya. Even his room, kitang-kita ko siya mula dito sa kitchen na pinag uupuan ko. Nang makitang nakatingin ako ay kaagad nitong in-activate ang privacy para sa glass na nagsisilbing dingding niya.
Nang matapos siyang magbihis ay kaagad siyang lumapit saakin.
"Have you eaten?"
YOU ARE READING
Warmth of Summer
Teen FictionHandsome man is one of Andra Yvette Camelo's standard. She doesn't care about anyone else, she just wants to be with someone who gives off the same energy as her. She's smart but lazy, loves to cut class and crazy. She is a self centered but at th...