"Andra!" nilingon ko si Lance nang kunin nito ang bag ko. Nasa front gate ako ng school namin. Yes it's monday again, ang bilis ng panahon no? Dati kayo pa tas ngayon may iba na siya bwahahaha!
"What?" pilit kong kinukuha ang bag ko nang inilayo niya iyon saakin.
"Ako na magdadala, hatid kita sa classroom niyo." Napairap ako, tsss. Like as if hindi ko alam yang mga galawang yan. Mga lalaki talaga eh no.
"Huy Lance! Sinasabi ko sayo, wala kang pag-asa saakin-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan nito ang bibig ko.
"Alam ko, pang bawi mo to saakin dahil hindi man lang tayo nakapag usap nung isang gabi sa bar."
"Eh sa wala naman tayong pag-uusapan."
"Meron,"
Napadaing naman siya sa sakit ng sabunutan ko ang buhok nito. "Ikaw, pag nalaman kong may gusto ka sakin sasapakin kita," pabiro ko ding kinurot ang tagiliran nito. Ayaw ako tigilan eh.
"A-araaayyy!"
"Iyak gago!" I shouted raising my middle finger at him. Mabilis akong tumakbo ng makita kong masama ang tingin nito.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may humigit sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Gideon iyon. Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa bewang ko bago ako tuluyang bitawan.
"W-what the-"
"May paparating na kotse,"
Napalingon ako sa likod kung saan nakatuon ang paningin niya. Napataas ang kilay ko ng makitang ilang metro pa ang layo nito saakin.
"Are you fuckin' serious!? Pinaglalaruan mo-
Naputol ang sasabihin ko ng maramdaman kong dumapo ulit sa bewang ko ang kamay nito. Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ko ang labi nito sa tenga ko. "Ayan na," bulong nito na nagpatindig ng balahibo ko.
Narinig ko ang tunog ng sasakyan at nang makitang nakalampas na ito saakin ay sinubukan kong makawala sa pagkakahawak nito. Napatigil ako sa pagpiglas ng mas lalo ako nitong hinigit palapit sakanya. What the fuck does he think he's doing? Napalunok ako ng maramdaman ko ang labi nito sa ibaba ng tenga ko. "I missed you,"
I was too stunned to speak. Ilang beses akong napakurap habang pinapanood ang pag alis nito, hindi ko alam kung anong ire-react ko pagkatapos ng pangyayaring iyon.
"Hey! Are you okay?"
Napalingon ako sa babaeng tumapik sa likod ko. I composed myself saka huminga ng malalim bago humarap sakanya. I was about to speak when I saw our professor looking at us from his office. Umiwas ako ng tingin saka nauna nang maglakad kay Tari. Mabilis naman itong sumunod at nagsalita habang naglalakad.
"Ang weird mo naman today, tulala ka kanina pag dating ko."
"Hindi maganda tulog ko kagabi, that's why."
Hindi na ito nagsalita pa at sumabay na sa paglalakad. Mabilis akong umupo sa upuan nang makarating ako sa class room. Nauna na si Tari dahil nasa third floor lang naman ang room nila. Just like I've said, hindi ko kaklase si Tari dahil magka iba kami ng kurso. Architecture ang kinuha niya samantalang business management naman ang akin. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 6:30am palang. Ilang sandali akong natulala ng maalala ko ang nangyari kanina. He missed me? Anong ibig niyang sabihin dun?
I was distracted by that thought at hindi ko na napansin na dumating na pala ang guro namin at ngayo'y nagtatawag na ng pangalan para sa attendance.
"Ms. Andra Yvette Camelo."
"Present," I lazily raised my hand. Ang boring amp. Mukha ba kaming grade one na dapat araw araw may attendance?
Inilibot ko ang paningin sa paligid at saka ko lamang napansin ang bakanteng upuan sa tabi ko. Oh? Hindi pumasok si Sean?
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko habang nanatiling nasa harapan naman ang paningin. Mahirap na, baka ma budol ni ma'am hahaha.
Ako:
Asan ka? Bat di ka pumasok?Bago ko pa man i send iyon ay pinindot ko ang silent mode. Syempre para di huli. My phone experienced being confiscated ayaw kung mangyari ulit sa baby ko iyon.
From Sean:
I'm not feeling well.Ako:
Oh bakit? Ano nangyari?Sean:
Are you in class?Ako:
Yeah, bakit? Ayos kalang ba talaga?Ako:
Mag a-absent naba ako?Hindi na ito nag reply, nag antay ako ng ilang minuto ngunit wala na talaga akong natanggap na message mula sakanya. Nag kibit balikat ako, hayaan na. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya.
"Aside from poverty what is the common problem that we are facing right now?"
Tiningnan ko ang oras, haytss wala pang 30 minutes parang gusto ko na lumabas ng classroom ah. Inilibot ko ang paningin at halos tumalon ang puso ko sa kaba ng bigla kaming nagkatinginan ng prof ko. Pa simple akong nag iwas ng tingin at nag kunwareng nagbabasa ng librong nasa lamesa.
"Do you have an idea miss Camelo?"
Napalunok ako, lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay nasa akin. I was about to answer him nang may kumatok sa pinto, at dahil doon nabaling ang atensyon naming lahat. Nakahinga ako ng maluwag, saved by the knock phwewwss!
Narinig ko ang bulungan ng mga kaklaseng nasa harap at mayroon pang ang iba ay tila ba kinikilig sa kung ano mang nakikita nila mula sa labas. Tatayo na sana ako para tingnan kung sino at kung anong meron sa labas nang mapa upo ako ulit. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ang lalaking naglalakad sa harap.
"By the way class, this is our new student." Proffesor
"I'm Jarred Lee Lianzon, I'm looking forward to learn with ya'll." Impit na mga tili at mahihinang palakpakan ang namayani sa buong room. Sino ba namang hindi mapapa sigaw eh, ang sikat lang namang Jarred Lee Lianzon na anak ng governor ang biglang magiging kaklase mo. At hindi lang dahil sa anak ito ng governor naging maingay ang kanyang pangalan kundi dahil bukod sa gwapo ito ay sobrang talino din nito at talentado.
Ang alam ko'y dati itong valedictorian noong highschool at ang number one student sa dating eskwelahang pinapasukan. At kung nagtataka kayo kung bakit ko ito kilala aba beh pag gwapo walang nakakalampas sa listahan ko lahat ng linya ng notepad ko tiba tiba. Nakapagtataka lang dahil ano namang ginagawa ng isang matalino at ulirang estudyante sa eskwelahang ito?
"Okay occupy the chair next to Ms. Camelo we'll request one more chair for you by tomorrow. Since Mr. Clavejo is absent feel free to occupy his seat."
Tumango ang lalaki saka naglakad palapit sa upuang katabi ko. Nang maka lapit ito ay kaagad itong umupo saka tahimik na nagmasid. I examined his face, mas gwapo pala ito sa malapitan. Makapal ang kilay nito at may inosenteng mga mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi na mas kissable pa ata sa lips ko. Kaya lang ayaw ko sa matalino eh, kaya naka ekis na ito sa listahan ko. Napatingin ito saakin nang makitang naka titig ako, awkward akong ngumiti at kumaway. Ngunit binigyan lamang ako nito ng weird look at hindi manlang ngumiti. Ha! napaka arogante din naman pala.
Kinuha ko ang notepad ko kung saan naka lagay ang mga pangalan ng mga lalaking crush ko. Nasa mahigit sampu iyon at sa iba ibang eskwelahan pa. At si Travis lang ang naka lista na school mate ko. Hinanap ko ang pangalang Jarred saka iyon minarkahan ng isa pang ekis, at sa ibabaw nun ay nilagyan ko nang dahilan kung bakit. Ilang minuto din ata akong naka tulala sa notepad ko nang mapag pasyahan kong itiklop iyon.
Jarred Lee Lianzon
✔️ Gwapo
✔️ Mayaman
✔️ Magaling pumorma✖️ matalino
✖️ arogante at mukhang masungit
YOU ARE READING
Warmth of Summer
JugendliteraturHandsome man is one of Andra Yvette Camelo's standard. She doesn't care about anyone else, she just wants to be with someone who gives off the same energy as her. She's smart but lazy, loves to cut class and crazy. She is a self centered but at th...