It's been days at hanggang ngayon ay hindi pa din ako pina pansin ni Sean. Ilang araw na din akong umuuwing mag isa kaya naman ay ginamit ko na ang kotse ko.
"Pauwi kana?" nilingon ko si Jarred ng magsalita ito sa likod ko. Nasa parking lot ako at pauwi na. Kakatapos lang ng practice naming dalawa para sa upcoming school event at masasabi kong boring iyon. Pang ilang sabak ko na to kaya naman sanay na akong maglakad at rumampa ang dami lang talagang ka artehan nung bakla. Sumasakit tuloy paa ko kaka suot ng 6 inches heels tuwing practice. Gusto pa atang mamaga ng todo ang paa ko hanggang sa araw ng Intramurals.
"How about the report? hindi pa natin nagagawa iyon."
Oo nga pala, bukas na iyon. Huminto ako sa harap ng sasakyan ko saka binuksan iyon. "Matalino ka naman diba? Ikaw na gumawa."
Isasara ko na sana ito nang pigilan ako nito. " I can do that, but you both have to study the topic too. I need to know your thoughts about the topic, hindi pwedeng magka iba tayo."
"I'll go with whatever idea you have in mind."
Kinuha ko ang calling card na naka ipit sa wallet ko saka iyon ibinigay sakanya, naroon ang mga numero at pati ang Gmail ko. Pwede niya namang i send nalang doon saka ko na babasahin. Tamad na sinulyapan ko ito saka sumenyas sakanya na umalis na. Binitawan naman kaagad nito ang pinto kaya naman ay mabilis kong pina andar ang kotse at pinaharurot iyon.
Nang maka baba ako sa harap ng bahay namin ay kaagad akong binati ng mga kasambahay na naka helira sa labas.
Dumeretso ako sa loob at tinahak ang daan papuntang library ng bahay namin. Tumawag si nanay Mersing kanina, umuwi na daw sila mommy at daddy kaya naman ay kaagad akong bumyahe dito nang malaman kong pinapatawag ako. Tiningnan ko ang oras at 5 minutes nalang para mag seven. I was told to meet them exactly at 7pm. Mas binilisan ko pa ang lakad at halos tumakbo ako sa pagmamadali. Bakit ba kasi ang lawak lawak ng hallway nitong bahay na ito asar!
Walang katok katok na binuksan ko ang pinto. There's no time for that, kailangan kong maka abot.
"You're late," bungad ni daddy sa malamig na boses.
Napatingin ako sa wrist watch ko at mariing napa pikit. "Isang minuto lang naman po," pilit akong ngumiti sa kanila.
Mabilis na lumapit saakin si mommy. Nang makarating siya sa harap ko ay mabilis ding lumapat ang palad nito sa pisngi ko. Napa sapo ako sa ako sa pisngi ko dahil sa sakit na dulot niyon. My mom is getting old, pero habang pa tanda ng pa tanda ito ay pa bigat naman ng pa bigat ang palad nito.
"Don't talk back to your dad like that, take that as a warning for our first meeting." Nagbabanta ang mga tingin na ipinukol nito saakin bago bumalik sa pag upo sa mahabang lamesa kung saan naroon din si Sandra. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa bumitaw ito noong tinanong ito ng daddy namin.
Pinasadahan ko ng tingin silang tatlo. My mom and dad has always been like this. Para bang hindi kami nito mga anak kung tratuhin. And I grow up always getting beaten up to death by them. Sa amin kasing dalawa ni Sandra ako daw ang mas matigas ang ulo. They always wanted to be obeyed and I hardly cooperate with that.
Sandra also get beaten up, but they favor her more than me. Mas madali kasi nilang mapa sunod si Sandra and she always meet the high expectations of my parents. Getting high grades , the top of the class, and most of all Sandra always flatters them. The only thing that I didn't. Why would I give them things I didn't receive?
"Maupo kana iha," iginiya ako ni aling Mersing sa lamesa. Umupo ako doon at tahimik pinagmamasdan sila. Napadako ang tingin ko sa isinerve na pagkain ng isa sa mga kasambahay namin. Seafoods.
Kaagad na kumuha doon si mommy saka masayang binalatan iyon. Paborito niya ang seafood, they all did. Kaya palaging halos lahat ng kinakain namin tuwing nandito sila ay may halong ganoon, at iba't ibang putahe. Mabuti nalang at may inihandang gulay si aling Mersing kaya naman ay iyon ang kinuha ko.
No one knows I am allergic to shrimps except aling Mersing at Travis. Aling Mersing was the one who took care of us ever since we were young, palaging umaalis noon ang parents ko para sa business namin. Madalang lang silang bumalik at halos limang taon pa nga bago sila bumalik kaya naman ay maski ang mga ayaw at gusto namin malamang ay hindi nito alam o mas mabuting sabihin na wala naman talaga silang pakialam. At si Travis ay nalaman lamang nito noong minsan akong naka kain ng shrimp na nakahalo sa pancit na bigay ni Kendra noon.
I ran as soon as I found out something was odd about the food I have eaten. Nag paalam ako kay Kendra na mag c-cr lang pero ang totoo ay mabilis akong dumeretso sa garden. Sumandal ako sa isa sa mga punong nandoon at pinakawalan ang mabibigat na hininga.
Napatingin ako sa balat ko at unti unti iyong nagkakaroon ng mga pantal. Sobrang kati niyon, pero alam kong magsusugat ito kapag sinubukan kong kamutin. Mariin akong napa pikit, binuksan ko ang dalawang botones ng uniform ko dahil unti unti na din akong nakaka ramdam ng init. Naiwan ko nga pala ang kit ko kung saan naka lagay ang gamot ko. Hindi magtatagal ay unti unting babagal ang hininga ko hanggang sa tuluyang malagutan ako. Ipinikit ko ang mga mata ko, I was ready to accept the fact that I could die any minute, and I was ready to accept my fate.
Namulat lamang ang mata ko noong may yumugyog sa balikat ko. Bumungad saakin ang nag aalalang mukha ni Travis, iniabot nito saakin ang gamot na hindi ko alam kung saan at paano niya iyon nakuha. Binalot nito ang jacket sa katawan ko.
"Why do you have that kind of medicine?" tanong ko sakanya noong medyo naging maayos na ako mula sa gamot na ipina inom niya. Sa pagkaka alam ko ay kailangan nito ng reseta sa doctor bago iyon mabili sa botika.
"I'm allergic to seafoods too, I saw how your emotion change when you got a taste of that shrimp."
Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. And that's how Travis found out.
"So how's your study?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni daddy. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at nakita kong sa akin ito naka tingin.
Alam kong alam nito ang sagot sa sariling tanong, ang akala ba nila hindi ko alam na sinisubaybayan nila ako sa school at binabantayan ang bawat galaw ko katulad ng palagi nilang ginagawa simula bata ako. Hindi din naman kasi mahirap na gawin iyon dahil pag mamay ari nila ang paaralang pinapasukan ko.
"Still lowest of low," walang emosyon na sagot ko. Napakunot ang noo nito at napapa iling na ibinaba ang kutsara.
"Mabuti na lang at nagustuhan ka ng anak ng kumpare ko, nagkaroon ka ng silbi kahit papano."
Napayuko ako at ikinuyom ang palad. Tingnan natin kung hanggang saan ang silbi ko kung ganoon. Dahil sisiguraduhin kong isusuka mo na ako pag dating ng panahon.
YOU ARE READING
Warmth of Summer
Teen FictionHandsome man is one of Andra Yvette Camelo's standard. She doesn't care about anyone else, she just wants to be with someone who gives off the same energy as her. She's smart but lazy, loves to cut class and crazy. She is a self centered but at th...