Chapter 4

27 2 0
                                    

Umayos ako ng upo nang magsimula na itong magturo.

Napalingon ako sa katabing upuan ko na bakante parin ito hanggang ngayon. Nag-skip ba ng class si Sean?

Napatigil si sir sa pagsasalita ng bumukas ang pinto.

"I'm sorry I'm late," malamig na saad ni Sean habang  nasaakin ang tingin. Problema nito?

"And you are?" nagtatakang tanong ng bago naming  professor.

"Sean Rkive Clavejo, and I'm from this class." Naglakad ito palapit saakin saka padabog na umupo sa tabi ko . Tss, kahit kailan talaga ang bastos nito.

Napatingin ako sa bagong professor na ngayon ay nakamasid saamin pareho. Napataas ang kilay ko, bakit pati ako kasama?

Nag-iwas ito ng tingin at nagsimula na ulit na magturo.

"You didn't wait for me," napalingon ako ng mahinang magsalita si Sean. Wtf? Ano na namang problema nito?

Mariin itong nakatitig saakin. Tinaasan ko siya ng kilay at saka bumulong.

"What the fuck is your problem?"

Inilapit nito ang mukha saakin. Aatras na sana ako ng higpitan nito ang kapit sa braso ko. Mas lalo nitong inilapit ang mukha saakin na halos magdikit na ang labi namin pareho.

Magsasalita na sana ako ng isang malakas na kalabog ang nagpatigil saakin. Nanlaki ang mata ko at umatras, humarap ako at sumalubong ang galit na galit na mga mata ni Mr. Salvador.

" You two! In the guidance office... now!" Dumagundong ang malakas na sigaw nito sa buong classroom namin. Natahimik ang buong class, napayuko ako sa hiya. Damn, I'll fuckin' kill you Sean! 

Tumayo si Sean saka hinigit ang pulso ko.

"Sure," nakangising saad nito. Napatiim bagang si Mr. Salvador kasabay ng pag igting ng panga nito.

Lutang akong nagpatianod sa higit ni Sean. Gulat na gulat ako sa pangyayari, not because of our proffesor being mad but because of Sean being so fuckin playful! Nawala ang ngisi nito ng makalabas kami ng room. Seryuso itong naglakad papunta sa guidance office.

Napaawang ang labi ko. What the fuck is happening right now?

"What you did in the classroom was PDA. And it is against the school rules. Take this as a first warning," seryusong saad ng guidance counselor.

Tumango ako at humingi ng paumanhin. Nanatili namang walang reaksyon si Sean.

"And as for your punishment, you are both assigned to clean the pool area for the entire week and you will start now after class."

Napangiwi ako, at napatingin kay Sean. Ang alam ko kasali sa swimming competition si Gideon sa paparating na intramurals. Hindi magka sundo sila Sean at Gideon, simula elementary at hanggang ngayong nasa college na kami. Kahit nga noong naging boyfriend ko si Gideon ay mainit padin ang ulo nila sa isa't isa. And that's also the reason why Gideon and I broke up, nagagalit kasi ito tuwing mag kasama kami ni Sean dahil palagi niya itong pinag seselosan.

Isang malakas na batok ang ibinigay ko kay Sean ng makalabas kami ng office.

"What the fuck is your problem?"

"Ikaw, kinginamo. Kung di sana sa katarantaduhan mo edi sana wala tayong lilinisin ngayon at sa iba pang mga araw." Inis na sigaw ko, at nagpatiuna nang maglakad.

"I didn't even kissed you!" pahabol na sigaw nito.

Lumingon ako at nakitang naka ngisi na ito ngayon, at nakatitig sa likod ko. What's with him?

Warmth of SummerWhere stories live. Discover now