Den
"See ya!" Sigaw ni Ly habang patakbong lumalabas ng BEG. May 'Friendly date' daw kasi sila ni Rad.
Okay. Hindi naman lingid sa lahat (pwera kay Ly) na may gusto si Rad kay Ly and lately nga, napapadalas ang pag labas labas nila ni Rad and Maddie. Kasabay ng pagbibigay ko ng chance kay myco. Oo. Tama ka ng basa. Si maddie ay gumagawa na din ng mga hakbang at binigyan ko talaga ng chance si myco kasi sayang naman diba? Mukha namang magtitino na sya.
So, ayun. Wala nang oras sa akin si Ly at napapansin ko rin na iwas sya saken. Bakit kaya?
"Shall we?" Untag ni myco saken. Oo nga pala. May dinner date kame.
While having the dinner, wala. Lipad ng lipad ang isip ko kung san. Kung nasan si Ly to be exact. Hay nako. Kainis naman kasi. Buti pa sila maddie. Saka ano kaya ang problema? Bakit iwas sya saken? Is it about me and myco? Dahil ba parang binalewala ko ang ginawa saken ni myco? Nagtatampo ba sya towards my action? Oh crap den. Ano bang nagawa mo? Wala ka ng feelings pero binigyan mo pa ng chance?!
"Sila Ly un diba?" Sabi bigla ni myco.
Agad akong nag angat ng tingin at tinignan ang direksyon na tinutukoy nya. Si Ly nga! With rad.
Parang slow motion. Habang nagtatawan ang dalawa at inalalayan ni aly si rad sa bawat pag galaw nito. Yun dimples, yung tawa. Urgh! Ano ba den?!
Parang kinalabog ang dibdib ko ng magtama ang mga mata namen pero saglit lang yon dahil nagbawi ito ng tingin ng makita si myco.
I mentally slap myself. Whats happening to me?!
"You like her?" Myco asked out of nowhere.
Napalingon ako sa kanya.
"Huh?"-me
"Alyssa Valdez" sagot nito.
Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni Ly.
"Of course! I like aly for rad. " sabi ko. Kahit alam ko namam kung ano ang tinutukoy nya.
Nagbuga ito ng hangin at nag aya nang umuwi.
Its your fault myco antonio! Now im thinking over and over again if i like my bestfriend!!!!!!