Chapter 4

5.7K 216 8
                                        

Sophia's PoV

Naririndi man sa ingay ng dalawa kong katabi ay hindi pa rin matatalo nang ingay ng pinagsama samang boses ng halos lahat ng mga studyante rito sa eskwelahan namin ang dalawang ito.

Kanina pa masakit ang ulo ko dahil sa ingay nila pero wala naman akong magawa dahil nature na ata ng tao ito.

Wednesday na at katulad nga ng nasa poster, ngayon bibisita ang ilan sa mga representative na pinadala ng Monteverde University sa school namin.

Ilan lang sila dahil ayon sa dalawang chismosang katabi ko, mayroon pang ibang mga eskwelahan ang bibisitahin ng iba pa para sa pagpromote ng school nila.

This year daw kasi ay nagdecide ang board ng school na iyon para iopen pa sa public ang university para mas maging well known ito not just locally but internationally.

It's not that it's not that well known University pero kasi puro mayayaman at may magandang reputasyon lang na pamilya ang nakakapasok doon sa mga nakalipas na taon.

Siguro way din nila ito para mas mapatunayan na hindi lang pangmayaman ang school nila.

Ito raw kasi ang first time na nagbigay ang school na iyon ng scholarship at nakapagtataka dahil it should maintain its name and pride but to everyone's surprise, it's now tainted. Joke.

Natanaw ko mula sa labas ng covered court ang magagarang sasakyan na paparating na mas nagpalakas pa sa hiyaw ng iba pang mga studyante.

"Omgg, they're here," napapikit naman ako nang yugyugin ako ng katabi kong akala mo kiti kiti dahil hindi mapakali sa upuan kalilingon.

"Ms. Marquez, act like a well-mannered woman, please. Hindi mga simpleng tao ang makikita niyo kaya 'wag niyo naman ipahiya ang school natin," natawa naman ako nang sawayin ng adviser namin si Mae kaya napatigil ito at hiyang hiyang umayos ng upo.

Napailing iling kami ni Krissa tsaka umayos na rin ng upo.

Hindi simpleng tao? Mayaman lang sila pero hindi sila mga maharlika ano.

Sumenyas ang principal namin na patahimikin ang mga studyante kaya nagsalita ang isang teacher sa stage ng 'quiet' na hindi rin naman nakapagpatahimik sa halos lahat.

"And to welcome the representatives of Monteverde University, let's give them a round of applause."

Napailing iling ako nang may kasama pang hiyawan ang pagpalakpak nila. Panong hindi mababaliw ang mga tao dahil tama nga sila Mae at Krissa, wala ngang panget sa lahi ng mga taga-university na iyon.

Apat sila, dalawang babae at dalawang lalaki at lahat sila ay seryoso ang mga mukha na akala mo napilitan lang na pumunta rito.

Mukha ngang ayaw nila rito lalo na nang mapansin kong nag-alcohol 'yong isang babae matapos nitong kamayan ang board of members ng school namin at maupo sa stage.

"Ang gaganda at gwapo nila, sis!!! Akin 'yong nakauniform na lalaki, ha!"

"Ha? eh dalawa 'yan silang nakauniform."

"Edi dalawa na lang sila."

Ilan lang 'yan sa mga bulungan ng bawat studyante na naririnig ko.

Hindi lang din siguro mga mukha at kutis nila ang nakapagpaganda sa kanila kundi pati na rin ang mga uniform nila. Above the knee ang skirt ng dalawang babae at long sleeves na puti sa loob at suit ang suot nila, habang sa mga lalaki naman ay slacks na itim at suit din na katulad ng sa kulay ng mga babae, itim na may white linings.

Lahat sila ay pare pareho na nakablack shoes maliban sa isang babae na nag alcohol, siya lang kasi ang naka-knee high boots na itim.

Nilingon ko si Mae na katabi ko at ang katabi nitong si Krissa at napabalik na lang ang tingin ko sa harap nang parehong kumikinang ang mata nila.

this nerd is a mafia princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon