Chapter 3

5.8K 226 14
                                        

Sophia's PoV

"Sophia, this is Zabrina, my daughter," saka niya nilahad ang kamay niya sa harap ko.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa batang babae na kaharap ko. She's smiling and I hate it.

Lumapit siya sa akin saka umambang yumakap pero umatras ako. Ayoko siyang yakapin.

Bahagyang natawa ang babae na nagpakilala sa batang kaharap ko sa akin saka ako nilapitan.

"Oh my, you're really growing into becoming like us, huh?" sinuklay suklay niya pa ang bangs ko saka ngumiti sa akin bago humarap sa batang babae na ngayon nga'y naiiyak nang nakatingin sa akin.

"Sophia, I want you to be like Zabrina. Copy everything about her so that you can be a carbon copy of her, understand?" tumingin ito sa bata ng may halong pagbabanta kaya wala ng nagawa pa ang bata kundi ang tumango kahit nakikinita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nito.

Humahangos akong napaupo sa kama ko nang magising.

"Panglima," mahina kong usal nang tingnan ko ang kalendaryo na nakakabit sa likod lang ng pinto ko.

Ito na ang ikalimang araw ko na napanaginipan ang batang 'yon at sa limang araw na iyon, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.

Sophia... pareho kami ng pangalan? Hindi kaya ako iyon?

Napahawak ako sa aking dibdib na hindi ko na ata maaawat sa sobrang bilis ng tibok.

Seryoso, kahit na mukha namang mabait ang batang iyon ay nakakatakot pa rin siya. Sandali, Sophia rin ang pangalan niya. Hindi kaya doppelganger ko siya?

Sa isiping iyon ay lalo akong kinabahan kaya binatukan ko ng very light ang ulo ko.

Natigil lang ako sa kalokohan nang bumukas ng kaunti ang pintuan at saka dumungaw si lola. 

"Apo, gising ka na pala," ngumiti siya sa akin ng malaki at lumapit sa kama ko.

"Opo, lola, pasensya na po at medyo nalate po ako ng gising, hindi ko po tuloy kayo naipaghanda ng umagahan."

"Naku, ang apo ko talaga. Tapos na akong magluto kaya 'wag ka na mag-alala. Sige na mag-ayos ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo."

Tango na lamang ang isinukli ko kay lola bago ako tumayo at magdesisyong maligo na.

Hindi ko naman iniisip bago ako matulog pero parang lagi ko na lang napapanaginipan sila Sophia at Zabrina. Hindi ko naman sila kilala at mas lalong hindi sila parte ng nakaraan ko.

Ni wala nga akong kamukha sa kanila.

Natatanaw ko na ang malaking gate ng school na pinapasukan ko nang may bumatok sa akin mula sa likod.

"Lalim ng iniisip natin ah. Iniisip mo siguro kung kanino ka kokopya nung assignment natin sa Math." bati sa akin ni Krissa, kaibigan ko.

Nagkakamot ako sa ulong tumingin sa kanya saka siya ginantihan. Baka kaya sa kababatok nito ay napupuruhan lalo ang ulo ko.

Pero teka, "may assignment tayo?"

"Hoy, alam mo ba may mga students ng Monteverde University ang pupunta dito para ipromote 'yong school nila. Naku, kinikilig na agad ako kasi balita ko puro magagandang lahi lang ang nandun," chismis ni Krissa habang ngumunguya dahil nandito kami sa cafeteria at lunch na.

"Asa ka naman na makakapasok ka dun, ano? Pang rich kid lang 'yon," pagsabat ni Mae na kauupo lang din dala dala ang lunch niya.

"Ay, boba! kaya nga magbibigay sila ng scholarship. Sawa na ata sila sa mga pagmumukha nila at naisipan nilang magrecruit ng mga bagong mukha galing sa lower class, charot!" segunda na naman ni Krissa.

this nerd is a mafia princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon