Sophia's PoV
"Sophia!!!!!!" napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang marinig ko ang matinis na boses ng kaibigan ko, si Mae.
Magkasunod sila ni Krissa at pareho akong nawiwirduhan sa kanila. Kunot noo ko silang tinitigan at ramdam ko rin na ganoon ang ginagawa ng iba namang mga kaklase, pero silang dalawa ay ang laki ng ngiti.
"Sophia Francia!!!!" nanlaki ang mata ko nang yugyugin pa ako ni Mae pagkalapit saka tumalon talon pagkatapos.
Nangungusap ang mga mata kong binaling ang tingin kay Krissa pero wala akong natanggap dito kung hindi kindat at maaliwalas na mukha.
"Marquez, nagpapahinga ang mga tao rito sa classroom kaya pwede bang hinaan mo ang boses mo?" maotoridad na saway ng president ng klase namin kaya napatigil si Mae.
Katatapos lang kasi ng practice namin ng graduation ceremony kaya halos lahat kami ay narito sa loob ng classroom. Hindi naman ngayong Friday ang last practice dahil sa Wednesday pa iyon pero nakakapagod pa rin, napakatagal ba naman naming tumayo.
Ang iba pa nga'y natutulog at kung hindi nga lang nagsisigaw itong si Mae ay baka nakatulog na rin ako.
"Whatever..." mahinang usal ni Mae saka tinarayan ito.
Lumingon naman ito sa akin saka kinikilig na niyakap ako.
"B-bakit ba?" nahihiwagaan ko nang tanong dahil hindi talaga siya mapakali.
"Sophia, valedictorian ka!!!" pasigaw nitong sambit pero siniguro niya nang kami kami lang ang makaririnig.
Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Krissa para itanong kung niloloko lang ba ako ng kaibigan namin pero tango lang ang natanggap ko.
Mukhang naipost na sa bulletin board ang awardees dahil hindi muna sinabi kanina sa practice kung sino ang mga may award para surprise raw. Surprise pero inilagay sa bulletin board.
"Sis, pwede ka ng makapag-aral sa college. Sigurado akong kahit saang university ka mag-aral ay magkakaroon ka ng scholarship!"
Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkabigla. Ni minsan naman kasi ay hindi ako nahirapan sa kahit na anong lesson namin sa buong senior high school, parang halos lahat kasi ay familiar na sa akin. Pero hindi ibig sabihin noon ay ako ang laging nangunguna sa lahat.
"Hoy, okay ka lang?" tapik sa akin ni Krissa na ngayo'y nasa harapan ko na at bakas sa mukha niya ang pag aalala.
Sunod sunod akong napatango saka naiiyak na niyakap silang dalawa.
"Sophia," tawag nila pero patuloy ko lang sila niyakap at naramdaman ko naman ang pagyakap din nila sa akin.
Sigurado akong matutuwa si lola pero ganoon din ba ako?
Kahit naman valedictorian ako o hindi, buo na ang pasya ko na wag nang tumuloy pa sa kolehiyo.
"I'm so proud of you, sis," saka pinindot pindot pa ni Krissa ang ilong ko.
Masaya akong naglalakad pauwi habang hindi na makapaghintay sabihin kay lola ang balita ko.
Alam ko naman kasi na sa lahat ng pangarap sa akin ni lola ay isa na itong makakuha ako ng kahit isang achievement sa eskwelahan.
Finally, magpapaid off na rin lahat ng hirap ni lola mapag-aral lang ako.
Ilang lakad na lang at makikita ko na ang bahay namin dahil sa itaas pa ito nang makarinig ako ng tatlong sunod sunod na putok.
Nabitiwan ko ang dala dala kong supot na may lamang halo-halo na pasalubong ko sana kay lola, saka dali daling tumakbo para makauwi na.
Hindi naman ako sigurado sa narinig ko pero hindi iyon kalayuan kaya alam kong sa bahay namin iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/39367159-288-k937477.jpg)
BINABASA MO ANG
this nerd is a mafia princess?!
ActionShe's the third child and is expected to be hidden from all of the people inside and outside the underground world. But as things got out of hand, she just found out herself ruling the kingdom she never wanted to own. And now, the Monteverde's pri...