Chapter 23: Celine

2.3K 62 18
                                        


Sarah's PoV

"Guys!! Wake up! May good news!" napamulat ako ng mga mata ko nang marinig ko yung sigaw ni Haven. Ang aga aga pa ah? Pipikit na sana ako ulit ng mata para ituloy yung pagtulog ko nang  biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Kristina! Dalii!" napaikot ko yung magaganda kong mata nang makita ko si Drake na nasa pintuan ko. Simula nung naging part na 'ko ng gang nila nalaman na din nila Drake na ako yung batang babae dati na lagi nilang kaaway. Paano nangyareng naging kakilala ko sila dati? Dating alliance ng family namin ang family nila.

Kung iniisip nyong kilala din nila si Sophia, hindi a big NO! Sa ibang bansa kasi siya lumaki, nakatapak lang siya dito sa Pilipinas nung 10 years old na siya at nangyari na nga ang hindi inaasahan.. yung ano..

"Huuy! tulala ka na? Tara na may sasabihin daw si Haven." napakurap pa ulit ako bago nagsink in sa akin na ang daldal ko na pala sa isipan ko. Enebe. 

Bumaba na ako sa hagdanan ng hindi man lang nag aayos. Paki ba nila? Pagkakita ko sa kanila sa dining nagdiwang yung kalooban ko. Mas malala pa kaya itsura nila sa akin. Nginitian nila ako, hays bakit kaya sila naturingang gangster at magmamana ng mafia org paglaki kung ganito sila kabait?

"*ehem* guys." nabalik ako sa wisyo nang biglang tumikhim si Haven na nakaupo sa harap ko. Palibot kasi yung pwesto namin ngayon.

"Ano na naman bang problema mo huh, Smith? Pati beauty rest ko nabulabog tsk." reklamo ni Xandra habang tinitignan ng masama si Haven na sinang ayunan naman ng halos lahat.

Ngumiti sa amin si Haven na akala mo parang nanalo sa lotto. Nanala nga ba siya? Parang eh.

"What's with the smile, Haven?" halatang nabuburyo na to si  Kaizer, siya kasi pinakamainipin sa amin eh.

"Good news daw eh!" si Alexi yan na nakapatong pa yung paa sa lamesa. Halos nakikitaan na nga siguro siya eh.

"Alexi Quinn Harris, puputulin ko yang mga paa mo kapag hindi mo inayos yang upo mo." inirapan naman ni Alexi si Xavier na nakatingin sa kanya ng masama.

"Twin brother naman ang hard mo naman kay future sister-in-law ko.." gatong ni Xandra na may pang asar na ngiti kay Alexi.

"Ako nga muna guys! Panira kayo eh!" napabalik agad yung tingin namin kay Haven na nakatayo na at nakataas pa yung dalawang kamay na inis na inis na nakatingin sa amin.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" tanong ni Devon na naiinip na din .

"Si Celine!" sabay sabya pa kaming napalapit ng mga mukha namin kay Haven nang simulan na nya yung sasabihin nya kuno.

Celine? As in Celine Buena? What about her? Eh diba girlfriend yun ni Zach? Ay mali! Girlfriend ni Zach si Coleen, pero ano nya si Celine? Fling ganun? hays mga lalaki nga naman mahahrot. Napatingin naman ako kay Drake Wilson na nahuli kong nakatingin sa akin nung maisip ko yung word na 'maharot' hays pati maharot mahihiya sa kaharutan niya eh. 

"What about Celine?" hindi na makapag antay na tanong ni Brianna.

"Hindi daw muna makakapasok ng mga ilang araw." pagkatapos ngumiti siya ng pagkalaki laki na animo nanalo talaga siya sa lotto.

"Huwaaah! Is that true? Oemgeee"

"That's good." napatingin kaming lahat sa babaeng nagsalita na pababa pa lang ng hagdan. Tumingin siya sa akin, nginisian niya ako at tinignan na parang nandidiri. Tsk.

"Where have you been this past few days, Aerin?" tanong ni Johanne. Yes, its Georgina Aerin Herrera. Simula nung natalo ko siya at nakapasok na ako sa gang nila(well hindi pa talaga pasok na pasok) bihira na lang siya sumama sa gang. Madalas pa nga wala siya dito sa headquarters sa loob ng University. Kung wala siya sa loob ng school malamang palihim siyang lumalabas sa University. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

this nerd is a mafia princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon